"Basteeeeeee!!" excited akong tumakbo papunta sa bestfriend kong si Sebastian.
Kakatapos lang kasi ng concert niya kaya nagpunta agad ako sa backstage para batiin siya. Naging successful na naman ang concert niya. Kyaaaaaa! I'm so proud of my BFF.
Konti nalang ang layo ko sa kanya ng mapatigil ako. Kausap niya kasi si Momo. Ayaw kong maka-istorbo sa kanila kaya tumalikod na ako at nag-desisyon na pumunta nalang sa parking lot. Sure naman akong dito rin ang diretso nilang dalawa. Tapos na ang concert ni Sebastian kaya alam kong uuwi na siya.
Sampung minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin siya. Gaano ba kasarap ang pag-uusap nila at kailangang tumagal ng gan'to katagal?! Lasang chocolate ba?! Lasang anoooooo?!
Nagsisimula na 'kong mainis sa sobrang tagal ni Baste. Hindi naman gan'to dati ah. Dati kapag tapos na ang concert niya pupuntahan ko siya sa back stage at babatiin tapos sabay na kaming pupunta dito sa parking lot. Kapag naman may kakausap sa kanya hindi umaabot ng gan'to katagal. "Hindi pwedeng paghintayin ang bestfriend ko" Ganyan ang sasabihin niya tapos guguluhin niya ang mahaba kong buhok kaya maiinis ako sa kanya at hahampasin siya kasi ang hirap kayang mag-ayos ng buhok lalo na kung mahaba!!
Nagsisimula na 'kong maluha kasi mukhang nakalimutan niya ng may bestfriend pa siyang naghihintay dito ng makita ko si Mang Bert. Driver niya.
Agad naman akong lumapit kay Mang Bert.
"Mang Bert! Si Baste ho? Ang tagal niya po gusto ko ng umuwiiiii" tanong ko kay Mang Bert na may kasama pang pag-padyak kasi naiinis na nga ako sa sobrang tagal ni Baste.
"Ay ma'am hindi ba niya nasabi sa 'yo? Hindi niya ho kayo masasamahan sa pag-uwi kasi may date sila ni Momo. Yung magandang artista din na may dimples? Nakuu alam mo bang bagay sila ma'am? Ako ang magiging #1 fan nila kapag nagkataon" sabi ni Mang Bert na may kasama pang pag-kislap ng mata. Tss. Corny ng matandang 'to.
Kaya naman pala ang tagal ni Baste kasi may date pa sila ng Momo na 'yon? Ahh okay.
WHAT THE FCK?!?! DATE?! NO WAY! SAKIN LANG SI BASTE!! AT MAS BAGAY KAMI!! DUH!
Yes, I'm inlove with my bestfriend. At hindi ako makakapayag na may date siya kasama ang ibang babae. Kami lang dapat!!
Mali ka ng kinalaban Momo. Let the war begin. Then I smiled. Not just an ordinary smile, but an evil smile.

BINABASA MO ANG
You Are My Starlight
Novela JuvenilKapag may ibang mahal ang mahal mo, lalaban ka ba? O magpapaubaya? Papalayain mo ba siya kahit alam mong ikaw ang nauna o lalaban ka?