Araw araw darating sa eskwela nakangiting parang wala nang bukas
Araw araw makakatabi ka na para bang ayoko nang umalis pa
Araw araw nandyan kang napakalapit sa akin
Araw araw mo akong kakausapin ngunit kadalasa'y nangaasar ka lang
Araw araw tayong magkausap na para bang wala nang bukas
Oo araw araw.
Araw araw kitang nakakasalimuha.
Oo araw araw.
Kaya ako nasanay.
Nasanay sa iyong presensya...
Nasanay sa iyong tabi...
Nasanay sa lahat lahat sayo...
Na kahit sa sandaling oras na tayo'y magkakilala nasanay na akong nariyan ka.
Ngunit darating ka pala sa puntong
ang iyong mga nakasanayan ay tila magbabago...
Tila maglalaho...
Na parang bula...
At hihilingin mong...
SANA'Y DI KA NA NASANAY PA.
BINABASA MO ANG
MGA TULANG ALAY SAYO
PoetryMga salitang nais sabihin Ngunit di maiparating Ng pusong kong takot Sa iyong isasambit Mga salitang nais sabihin Na nagmula sa puso at isip Na kahit kailan Di sayo maipapabatid Di sayo maipaparinig