Unang Bisperas - 3

1K 17 2
                                    

Unang Bisperas - 3

Sasapit na naman ang Pasko. Darating na naman ang bisperas nito. May mga naalala na naman si Wilson―mga tao, bagay o pangyayari na nai-uugnay niya parati sa mga salitang "Christmas Eve."

Kasama ang pangalan ni Cara sa mga tao na nadadamy sa pag-aalaala ni Wilson. O, malamang, si Cara lang ang numero uno at nag-iisang taong madaling sumagi sa isipan niya kasabay ng ideya ng petsang December 24.

Bakit nga ba si Cara pa, sa dinami-dami ng mga taong pwede niyang maalala? Of all people, why her?

Siguro kasi, maituturing na niyang espesyal na itong tao para sa kanya. Nagkaroon na ito ng lugar sa buhay niya kahit na hindi man niya ito lubos na nakilala, after all the years that went by.

***

Matagal-tagal nang magkakilala sina Cara at Wilson. Ilang taon na ang nakakaraan mula nung pinaka-unang encounter nila sa isa't isa. Matagal-tagal na nga silang magkakilala... As in magkakilala lang. Not really friends. Acquaintances. Parang ganun?

Ganito 'yun. Taong simbahan kasi itong si Wilson. "Alagad ng kabanalan," kung biruin pa siya ng mga kaibigan at ilang kamag-anak niya. At dahil medyo madalas nga siyang nasa simbahan sa parokya nila, nakakahalubilo niya ang mga taong naroon din.

Naturalmente, isa si Cara sa mga taong 'yun. Palibhasa, member ito ng youth organization ng parokya at mukhang aktibo din ito minsan sa parish choir kaya napapadayo ito sa simbahan. Kung nandoon din si Wilson ay nagkakatiyempuhan silang dalawa.

Natutuwa nga si Wilson kapag naaalala niya ang pinakaunang beses na nagkita sila ni Cara. December na at naghahanda na ang parokya para sa town fiesta. Bagu-bagong destino pa lang si Wilson sa parokya. Sa paglibot niya sa paligid ng simbahan, napadpad siya sa choir section. Naaya siyang dumiretso doon dahil sa pagtugtog ng kung sinu man na naroon. Si Cara na 'yon. Bagaman hindi masyadong mahusay ang pagkakatugtog ng dalagita, nawili naman si Wilson sa nakita at narinig niya.

Pumalakpak pa itong si Wilson pagkatapos ni Cara sa pagtugtog. Halatang nagulat si Cara nang mapagtantong may nanonood pala dito. Hindi nga ito makapagsalita nang maigi kahit nang kausapin na ito ni Wilson.

"Hello. Uhm..."

"Bawal na po bang tugtugin ito?" hesitant na tanong ng dalagita.

"Bakit naman bawal, eh 'yan nga ang gamit ng piano: para tugtugin."

Naging relieved ang hitsura nito. Medyo napangiti na rin ito.

"Ang ganda ng tinugtog mo, ah."

Napayuko ang dalagita. Mukhang nahihiya na. "Hindi naman po masyado."

"'Di, maganda nga. Anong pamagat nun?"

"'Entertainer' po." Nakayuko pa rin ito.

"Ah. 'Yun na pala 'yun?"

Bago pa nakapagtanong uli si Wilson, nagsidating na ang mga kasamahan ni Cara. Nagpaalam na lang siya dito saka umalis na.

Mula noon, nagkakangitian na sila ni Cara kung kailan man magkukrus ang landas nila sa simbahan. Wala nga silang kaide-ideya sa kanya-kanyang mga pangalan pero hindi naging rason 'yon para mag-isnaban lang sila.

Sa bisperas ng Pasko sa taong 'yon, ganap silang nagkakilala. They got the chance to be formally introduced with one another. At least, mas magiging cordial na silang dalawa sa tuwing nagkikita sila. Dahil mas bata talaga si Cara, hinayaan niya itong tawagin siyang "Kuya Wilson."

From that year, naging parte na ng Christmas Eve ni Wilson na makita at mabati si Cara

***

Oo nga, nagkakilala na silang dalawa. And then, what?

There came a point in time na napapadalas ang pagkikita nila. May namuo namang closeness sa pagitan nina Wilson at Cara. Nakakapag-usap din sila. Kaso, most of the time eh batian at kamustahan factor lang sila. Then, end of the discussion na, ika nga.

Eh nagkataong lumalawig na ang interes ni Wilson kay Cara. Pakiramdam niya, she's one person worth to be known better. Gusto niya talagang mapalapit pa ito nang husto. If only time will permit them to.

'Yun nga ang isang problema. Numero unong epal sa kanila ang pagkakataon. Kung hindi sila magkakatiyempuhan, hindi pa sila magkikita; tinatantya lang ni Wilson kung magpapakita noon si Cara sa kanya. Kung magkikita man sila, hindi naman niya magawang lapitan ang dalagita; para bang mayroong awkwardness kapag out of the blue na lang ay lumapit siya at kumausap dito. Magkakaroon lang siguro siya ng valid reason para mag-approach dito kung may kakailanganin man siya. At kung may kakailanganin man siya kay Cara, mas bibihira pa 'yun kumpara sa pag-ulan sa Sahara Desert.

It's not that he's being a coward, or what. Gustuhin man niyang lapitan ito, pwede naman niyang gawin anytime na tamaan siya ng magaling at walang-kabasagang trip. Ang kaso, wala din pala siya sa lugar.

Na-realize kasi ni Wilson na may isa pang hadlang sa pagkakalapit-loob nila ni Cara. Ang hadlang ay ang pagkakaiba ng mga mundong ginagalawan nila.

His yearning to get closer with Cara never left him. Imagine naman kung ano ang damdaming sumukob sa kalooban niya nung nagsimulang lapitan siya ni Cara. Ito na ang nag-initiate na kumausap sa kanya tungkol sa kahit anu mang bagay, kahit saglit lang ang itatagal ng usapan nila. Kung nagkataong magkikita pa sila pagkatapos ng misa, nakukuha pa nitong magmano sa kanya.

How strange Wilson's feelings were the moment he gets hold of Cara's youthful hand.

Right then and there, he doesn't even have plans of letting her hand go.

May mga instances sa ilang pag-uusap nila na muntik nang makalimutan ni Wilson ang kakayahan niyang magsalita. Sa harap pa man din ni Cara!

What's the meaning of all these?

***

Kung dumalas ang mga sudden meetings nila, dumating ang oras na naging madalang na ang mga 'yon. Until the day came when he seldomly saw the girl coming towards his way.

Wilson can't help but feel disappointed, let alone sad, noong wala nang Cara na nagpapakita sa kanya. Wala man lang siyang kapiranggot na ideya kung ano na ang nangyari dito noong hindi na ito dumadalo sa mga aktibidades sa parokya. Hanggang speculations lang siya tungkol sa kinaroroonan ng dalaga. Siguro abala ito sa buhay. Pwede ring lumipat na ito ng tirahan at bihira lang bumalik doon sa probinsya (kasi minsan pa naman silang nagkikita kapag bakasyon). Those kind of things.

Sa pag-iisip niya kay Cara, Wilson came up with another obvious realization: he does barely know Cara at all. Hindi niya talaga ito lubos na nakilala noong nagkikita pa sila. Aside from her given name, year level, and the barangay where she resides, halos wala na rin siyang alam tungkol sa dalagita. Siguro nga'y dinaanan na siya ng pagkakataon para mas busisiin ito. Hindi nga lang niya sinunggaban 'yon; mas binigyan kasi niya ng priority ang pag-alala sa magkaibang mundo nila ni Cara.

Sasapit na naman ang Pasko. Darating na naman ang bisperas nito. Nakakasigurado si Wilson na sa gabing 'yun, magkakaharap na sila uli ni Cara. Eh kung gumawa na kaya siya ng paraan para matuloy na ang mga napurnadang pagkakalapit ng mga loob nila? For a change naman. Isa pa, ilang taon na ang nagdaan; nagsasawa na siya sa kakamasid lang kay Cara mula sa distansya.

Bisperas na Naman (Maikling Kuwento)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon