ang hirap mag-isip ng susunod sa story wala akong maisip nakakainis lalo na at walang nagbabasa parang nakakatamad gumawa pero thanks din sa mga kaunting nagbabasa :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Jyrzz's POV
kinabukasan agad-agad akong nagpunta sa aking inang reyna para masimulan na ang aking pag-eensayo sa pag-gamit ng kapangyarihan hindi ko pa napag-aaralan.
"nandiyan ba ang inang reyna?"
"opo mahal na prinsesa sandali lang po" umalis na ang tagabantay at lumapit sa pintuan ng kwarto "mahal na reyna nandito po ang inyong anak na prinsesa"
"papasukin mo siya"
binuksan ng tagabantay ang pinto at pinapasok ako, alangan naman palabasin ako eh nasa labas na nga ako, ano yun lalabas ako sa labas? ay pede lalabas sa bahay tapos lalabas sa kalsada teka lang paano ako makakalabas sa kalsada eh wala namang pinto yung kalsada? ano yun invisible? Aaaaiiiiissssssshhhhhh!!!!!! tama na nga ginugulo ko lang utak ko eh yan tuloy kakasama kay Tsun nagiging pilosopo na din ako at sa sarili ko pa ako nag pilosopo
tsk. tsk. tsk. kinakabahan ako mamaya baka hindi ko magawa ang kapangyarihan ko, excited na kinakabahan ako
tsssss..... Jyrzz relax ka lang kaya mo yan woooohhh inhale, exhale magagawa mo din yan unang araw pa lang ito
"handa ka na ba anak?"reyna
"ay taeng pinasakan ng pasas!!!!! ahhh ehhhh este ay sorry inang reyna nagulat lang ako" paumanhin ko sabay yukod sakanya
kakahiya nasabihan ko pa ang aking ina ng ganun nakakagulat naman kasi talaga siya eh bigla, bigla na lang susulpot
"anak ok ka lang ba? mukang malalim ang iniisip mo?" reyna
'hahahaha ok lang po talaga ako nagulat lang talaga" sabay kamot ko sa batok
kakahiya kasi ehhhh kahit ina ko pa siya reyna pa rin siya na nirerespeto ng lahat sa aming kaharian
"ikaw talagang bata ka kung anu-ano iniisip mo, oh handa ka na ba?" reyna
"kinakabahan pa po ako eh baka hindi ko po magawa"
"anak, unang subok mo pa lang ito wag kang masyadong kabahan" reyna sabay halik sa aking noo
sabagay may point siya first time lang naman ito saka marami pang pagkakataon para mag ensayo eh
ika nga ng mga tao practice makes perfect but nobody's perfect kaya don't practice HA HA HA corny ko pang-azar (-_-")7
"handa ka na ba anak?" inang reyna
"yez na yez po inang reyna c'mon let'z do it"
"anak may nangyari bang masama sayo bakit ganyan ka magsalita? may nakain ka ba na hindi maganda? may nakita ka bang itim na espiritu? masama ba pakiramdam mo?" aking ina sabay ikot sakin na nag-aalala sakin at hinawakan ang aking leeg papuntang noo at sinalat-salat ito
my gosh!!! bakit ko nasabi yun hahahahaha natutunan ko kasi yun sa mga tao eh, may portal kasi sa training ground namin eh tapos minsan sumisilip ako dun yung mga pag-uusap nila ganun eh naririnig ko lang naman kasi yun sa kanila eh
"ahh....ehhh... inang reyna naririnig ko lang po iyun sa iba kaya po ginaya ko iyun para kasing ang cool eh \(*u*)/"
"huh? ano yung cool salita ba yun?" inang reyna
BINABASA MO ANG
Secret Kingdom of Magics
Teen Fictionano ang kanilang gagawin sa isang napakalaking problemang haharapin? Abangan....