Secretly Living With A Casanova

30 1 0
                                    

     Kanina ko pa pinagiisipan kung papayag ba ako sa gusto ng mga magulang niya. Mahirap kasi ang gusto nila at hindi basta basta yung pabor na gusto nilang mangyari. Ayokong sumugal dahil alam kong ako ang pinakamahihirapan sa huli, pero ang sarap din kasing isipin na lagi ko na siyang makakasama gaya ng dati ko pang gusto. Ayaw ko dahil nga mahirap na, pero at the same time.. gusto ko din kasi magkakalapit kami lalo. Hays ang gulo!

"Hindi na ba namin mababago ang isip mo hija?" Napatingin ako kila tito at tita. Awang awa na din ako sa sitwasyon nila dahil sa mga kalokohan ni Dwenn. Ewan ko ba sa lalaking yon, mas matanda naman saken ng ilang taon pero mukhang mas matured pako. Napakaisip bata minsan at kung ano anong trip sa buhay!

Nandito ako ngayon sa bahay nila dahil may mahalaga daw silang sasabihin..  kung alam ko lang na ganito ang pabor na hihingin nila, eh di sana gumawa nalang ako ng kwento para di na makapunta. Ang hirap kaya mag isip kung papayag ba ako o hindi. Kaso wala na eh, nandito na lang din naman ako..

"Hindi ko po alam... Mahirap po kasi ang pabor ninyo tita, pero kung may iba pa naman pong paraan para ho makatulong ako sa inyo eh tutulong po ako ng lubos lubos." Paliwanag ko sa kanila. Totoo naman eh, pero hindi yung sinasabi nila na titira muna ako sa kanila habang umayos ng ugali tong si Dwenn. Hindi kasi ibang tao makakapagpabago sa isang tao eh, siya at siya lang din naman makakapagpabago sa sarili niya, tutulong lang yung iba. Kaya ewan ko ba kung bakit ako ang trip nila para tulungan tong gunggong na to. Hays.

"Pasensya na Zendry ah? Ikaw na lang kasi ang malapit na kaibigan ni Sky na alam naming makakatulong sa kanya." Medyo naluluha na si tita, agad naman siyang niyakap ni tito. May sira din kasi tong sa ulo si Dwenn eh, nasa kanya na naman lahat pero ewan ko ba.

Pero napaisip ako, kaibigan ko pa din naman siya kahit papaano. At gusto kong maayos siya at sa pamilya niya. Bahala na nga! Basta wala akong kasalana kung di man tumino yung gunggong na yun! Hmp!

"Ahmm.. Ano po ba muna ang mga kondisyon?" Biglang nagliwanag ang mata nila na parang nakahanap ng pag asa sa tanong ko.

"Aalis na kasi kami sa susunod na linggo hija kasama ang kapatid ni Sky na si Cyrene, maiiwan dito si Ross, kapatid ko. Siya ang magbabantay sa inyo habang wala kami. Sa kwarto ka ni Cyrene matutulog na katabi lang ng kwarto ni Sky." Napatango na lang ako sa sinasabi ni tita. Buti na lang si Tita Ross ang magbabantay samin dahil medyo close ko yun eh.

Ilang taon ko na ding kaibigan si Sky Dwenn Montegordon. Di ko na masyado ikukwento kung paano, saan at kailan dahil wala din naman kinalaman yun sa sitwasyon niya ngayon. Pero, siguro, ewan. Hays.

Kaya lang naman siya nagkakaganyan eh dahil din sa parents niya na di niya gaano nakakasama. Ang sarap nga sabihin kila tito at tita na "..kayo lang po ang makakatulong sa anak ninyo" kaso ayoko na din naman makialam. At isa pang dahilan eh yung girlfriend niyang manggagamit at mangloloko na hanggang ngayon eh nagpapaka martyr siya. Nabansagan siyang 'Casanova' pero tumitiklop pa din siya sa girlfriend nyang niloloko lang din siya. Actually, parehas silang naglolokohan. Nakakaewan nalang minsan!

Pinaliwanag nila tita at tito ang mga gusto nilang mangyari at mga pwedeng kapalit nito kasama na ang sasakyan at pera. Oo, sasakyan at pera. Para akong nautusan lang na magbantay ng bata at sobra sobra ang sweldo. Noong una ay tinanggihan ko ito dahil kaya ng pamilya kong bilhan ako ng ganun pero dahil nga sayang naman at mapilit sila kaya pumayag na din ako dahil di ko naman mahihingi agad kila Mom and Dad yung mga ganung bagay ng agad agaran. Siguro kelangan ko muna gum'raduate, baka sa puntong yun bigyan nila ako ng ganun.

"Sige po tita, pumapayag na po ako." Sabi ko sa kanila, tutal wala din namang mawawala saken at bukod dun eh makakatulong pako sa kanila. At sana tama itong desisyon ko kasi ako talaga ang pinaka magsasakripisyo.

"Talaga hija?! Nako maraming salamat. Tatanawin naming malaking utang na loob ito sayo Zendry. Nakausap na din pala namin ang parents mo at ayos lang daw sa kanila dahil tutal eh wala ka din naman daw kasama sa bahay ninyo." Di ko lubos maisip na pati pala sila mama at papa ay nakausap na nila. Ganito talaga siguro nila kailangan ang tulong ko kaya ganun ganun nalang nila ako pakiusapan..

Kasama sa mga gusto nilang mangyari eh alamin ko lahat ng galaw ni Sky. Medyo mahirap dahil nga nag aaral pa ako at siya itong pasarap lang sa buhay at oo mahirap pala dahil medyo mailap talaga yung lalaking yun. Kaya napaisip din ako bigla. Marami pang nasabi ang parents niya pero di talaga masync'in saken na titira kami sa isang bahay. Nakakaexcite na nakakaewan.

Hindi naman ganyan ka'lala si Sky dati eh. Well, oo medyo siraulo talaga din siyang mag isip at napaka bully pero mukhang mas malala ata ngayon. Hindi ko expected na magiging ganito siya kalala.

Madami pang dahilan kaya di na din ako magtataka kung bakit naging ganyan si Sky. Basta makatulong ako eh ayos na sakin.











Tutal mahal ko din naman yung gagong yun...

SECRETLY LIVING WITH A CASANOVAHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin