Chapter 2

2 0 0
                                    

Nasan na kaya yung gagong iyon. Hays. Kanina pa ako paikot ikot dito sa bar na ito pero di ko pa din siya nakikita. Napagpasyahan ko nalang na um'order ng cocktail drinks para naman ma'enjoy ko ang pagpunta ko dito dahil halos di na ako nakakapag bar masyado dahil busy sa school.

Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito mula noong parehas naming unang pinuntahan ito ni Sky. Parehas naming naging paborito at puntahan ang lugar na ito. Medyo madami dami na din ang memories namin dito kasama pa ang iba naming kaibigan. At actually, ako lang babae at pinaka bunso sa kanilang lahat. One of the boys talaga kasi ako, mapa labas man o loob ng school. Pero may kaibigan din akong babae at madami dami din sila. Kaya kong makipag sabayan sa trip nila parehas.

I'm now wearing a black halter top and a skinny jeans, nakalugay yung buhok ko and medyo heavy na make up since bar ito. Nag ayos muna ako kanina bago ako umalis since mukha naman akong ewan kung ang simple ng datingan ko. I took this chance na makapagparty na din paminsan minsan nalang naman ako nakakalabas kaya pak aurahan talaga.

"Hey..." Nagulat ako noong may isang nag approach saken na lalaki na hindi ko kilala. Well, paano ko ba id'describe? Hmm.. Karaniwang fucboi. Period.

"Ahm... Hey." Tipid kong ngiti sa kanya. Sige maglaro muna tayo habang di ko pa nakikita yung mokong na yun. Hayst. Nasaan ka na ba kasi Sky Dwenn?

"Ngayon lang kase kita napansin dito. Eh lagi naman ako pumupunta dito. First time mo ba?" Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nito.

"Yes and no. First time ko nalang ulit pumunta dito. Busy kasi sa school eh." Tipid kong sagot sa kanya. Napaka boring kausap. Kala ko naman mach'challenge ako.

"Ahh I see, so.. May kasama ka ba? Friends? Boyfriend? or what?" Ngiti ngiting tanong niya. Nagulat na lang ako na may ibang sumagot.

"Oo. Meron. Boyfriend niya." That voice. Wala pa ding pinagbago yung apekto niya saken. Pati perfume! Hays. Amoy usok na dito sa loob pero napaka pamilyar ng amoy na yun.

Nanatili akong nakaharap dun sa kausap ko kanina. Di ako makagalaw dahil naka akbay siya saken. Ganun. Ganun kalakas yung apekto niya saken. Nakakabaliw. Nakakaadik..

"Diba babe?" Tanong saken ni Sky habang nakangiti na may kahulugan. Ngumiti na lang ako ng pilit at tumango tango. Lasing na siguro to. Di naman to ganito pag nasa bar kami eh, ako pa nga binubugaw neto at inaasar sa iba. Gxgo diba?

"Aah o-okay. Sige miss maiwan muna kita. Balik muna ako sa tropa ko." Mabilis na paalam nung lalaki.

Pagka alis na pagka alis nung lalake eh tinanggal ko yung pagkaka akbay saken ni Sky. Um'order ulit ako ng drinks pero this time nag beer na ako. My weakness. Our weakness.

"Anong ginagawa mo dito Zendry?" Tanong ni Sky saken na parang may galit o ano sa tono ng pananalita miya. Ang gulo talaga ng lalaking ito kahit kailan. Hindi naman inaano pero nagsusungit bigla. Katulad ngayon, magkaaway kami nyan pero akala mo okay na kami. Hayssst!

"Ano pa nga bang ginagawa sa bar? Malamang iinom, sasayaw, makikipag landian? He-he." Inosenteng sagot ko sa kanya na may sarkatiskong ngiti sabay irap. Napansin ko namang napaigting yung bagang niya sa huling salita na binanggit ko. Totoo naman diba? Anong mali dun?

"Iuuwi na kita." Sabay hila niya saken. Pero buti na lang ay nabawi ko agad yung hatak niya. Anong problema ng isang 'to?

Medyo nahihilo na ako dahil naubos ko yung beer kanina na hawak ko dahil sa inis. Ang pakay ko dito eh hanapin sya, ngayong nandito sya parang gusto ko nalang na mawala siya ulit.. pero natandaan ko nga pala kung bt ko siya hinahanap. Hays! Anubanamaaaannn..

"Ano na naman ba iyon Dwenn? Anong uwi? Kita mo na nagsasaya yung tao eh" Damn. Lasing na talaga ako. Aminado nako. Fck this alcohol.

"Lasing kana Zendry. Tara na. Ihahatid na kita." Pagpupumilit niya.

"Zendry! Nandito ka din pala. Kanina pa namin hinahanap tong si Sky eh. Magkasama pala kayo." Napatingin ako kay Xiel na bigla nalang sumulpot mula sa kung saan. Buti nalang at bumitaw na din siya. Nag order pa ako ng ilang beer at iinom iyon ng tuluy tuloy.

"Ewan ko ba dyan kay Sky. Kamusta na guys?" Ngiti ko sa kanila. Ngayon ko nalang din kase nakita tong sila Xiel at Dosh eh. Mga kuya ko din dapat sila pero wala eh, magkakaibigan at close talaga kami sa isa't isa pero lately eh di na nakakapag bonding.

"Bro, una na muna kami neto ni Zendry at tignan niyo naman at lasing na." Nakaubos na naman ako ng isang bote. Hehe.

"A-anu ba Sky.. Di pa *hik a-ko lasing *hik ah.. He-he" Panigurado bukas wala na naman akong maaalala neto.

"Sige bro, kami na bahala dito hatid mo na muna si Zendry. Kawawa naman yan kung uuwi pang mag isa." Sabi naman ni Dosh. Ngumiti nalang din ako sa kanila at nagpatianod sa hila ni Sky.

Nung nakalabas na kami ay bumitaw na ako sa kanya at dumiretso sa sasakyan ko. Nawala na din sa isip ko na kaya nga pala ako nandito sa lugar na ito ay para hanapin at sana sunduin siya. Mukha ako pa ata ang ihahatid niya..

"Zendry where are the fck are you going?!" Sigaw niya saken pero patuloy pa din ako sa paglakad kahit pagewang gewang na ako. Sobrang hilo na din ako since beer nga ang nainom ko ng marami.

"Mag *hik d-drive hehe..." Sagot ko sa kanya. Bahala siya sa buhay niya gusto ko ng matulog.

"The hell with this girl..." Rinig kong reklamo niya. Hinahanap ko na yung susi ko nang bigla na lang niya akong isinandal sa kotse.

"A-ano ba *hik Dwenn! Bitawan mo nga a-ako!" Pagpupumiglas ko. Ang lapit niya sakin grabe, ramdam ko bawat hininga nya at bawat tibok ng puso niya.

"Ano bang problema mo Zendry ha?" Wow siya pa may ganang magtanong saken.

Tinignan ko muna siya ng matagal saka nagpumiglas ulit.

"Bitawan mo ako Sky. Uuwi na ako." Mukhang fail ang plano ko ngayong gabi. Hays. Mukha namang nag iba ang timpla ng mukha nya dahil di siya sanay na 'Sky' ang tawag ko sa kanya. Oo, dahil ako lang naman nakakapaglakas loob na tawagin siya sa second name nya eh. The rest eh nagagandahan sa first name nyang 'Sky', but not me.

"Wala kang mauuwian dahil pinalayas ka nga diba? Tss." Nagulat ako sa sinabi niya. Paano... Paano niya nalaman?

Napatingin ulit ako sa kanya...

"Kaya ka ba bumalik ulit dito sa Hideout?"

Di ko pa din sinasagot ang tanong niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Hilong hilo na ako. Napadako ang tingin ko sa labi niya. Myghad ano ba tong naiisip ko.

"D-dwenn, pa-p-aano m-..." Nagulat na lang ako nang maramdaman ko ang labi niya. Hinahalikan ako ni Sky. Hinahalikan niya ako!

Masyadong mapusok ang pag halik niya. Parang gigil na gigil na ewan. Di na ako pumalag since lasing na lasing na din naman ako. Wala na. Wala na din akong palag. Kaya ginantihan ko din ang bawat paghalik niya saken.

Halos habulin namin parehas ang aming hininga ng matapos iyon. Kinuha na lang niya ang kamay ko at hinila papasok sa kotse niya. May tinawagan pa siya at sabay kuha ng susi ko saken. Binigay ko na lamang agad iyon at di na kami nag imikan pa.

Tahimik lang kami buong biyahe ng biglang mag ring yung phone ko.



Neo calling...

Author's Note: I humbly apologize for all the delays and late updates. Please bare with me. xoxo

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Mar 20, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

SECRETLY LIVING WITH A CASANOVAHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin