Anong gagawin mo kung may dalawang naggagwapuhang lalaki ang ma-inlove sayo? Titili ka ba? Or mahihirapan?
Ako si Anne Cero. I'm 16 years old. And sa age kong ito ay talo ko pa ang pasan ang earth! Geez. Okay na yung isa eh...bakit dalawa pa?
Ganito kasi yun mga pre, may boyfriend ako dati, si Kyle. Tapos nahuli ko siyang nambababae. Humuhiling siya sakin ng second chance kaso nga lang feeling ko sawa na ko. Pero feeling ko rin mahal ko pa siya. Then out of torpe university lumabas sa lungga ang bestpren kong nerd na si Arzec at sinabing mahal niya rin ako. Eh feeling ko medyo na-fall na ko sa kanya nung mga panahong kino-comfort niya ko. What should I do?
And dahil hindi ko alam kung sinong pipiliin ko, pinapunta ko sila ngayon sa court. Walang basketball ekek na magaganap. Dito ko lang trip pagharapin yung dalawa.
"Anne!/Anne!"
Napalingon ako dun sa dalawang ugok. Hay buhay. Agang-aga nasisilaw ako sa mga bituin. Ano ba! Bakit ba kasi pang celebrity mga mukha nila eh!
So eto na. Nandito sila sa harap ko and eto na ang aking pamatay na tanong...
"Kung mahal niyo ko, tell me your greatest memory na associated sakin."
Wala may matanong lang. Eh sa yun lumabas sa bibig ko eh! T___T
"Ako? Well, siguro nung nagpunta tayo sa plaza at sinabi mong never mo kong iiwan. That's why I got your FIRST KISS." -Kyle
Pero...hindi ko..inaasahan na...may pasabog din...si Arzec.
Naglabas siya ng...puzzle piece.
My...missing piece.
*flashback*
Maybe 10 years ago.
Isa lang akong walang kwentang nerd. Yeah..I was a nerd way back then.
I love puzzles...I mean...I used to.
Binilihan ako ng Papa ko ng isang puzzle na may design na big orange heart. May small letters dun na nagform ng 'YOU & I'. Pumunta ako ng playgroung para mabuo ko siya dahil yun din ang hang out place ko since before. Pagpunta ko dun, ibinaba ko yung puzzle. Pero nagulat ako nang may biglang humatak saking mamang lalaki na hindi ko kilala. Basta mama siya. Don't know who is he.
Dinala niya ko sa isang black van. Sobrang takot ko nun because madilim. Eh alam niyo naman ang mga bata, afraid of the dark. Paglingon ko dun sa pinakalikod ng van, may batang lalaking nakaupo na akala mo eh amo. Bigla siyang tumayo at lumapit....as in sobrang lapit.
Tinitigan niya ang mata ko na para bang tinatandaan niya to. Grabe, gwapo sana kaso mukhang kikidnapin ako kaya tumakbo ako palabas ng van at kinuha yung puzzle ko. Nakita kong bumaba na rin siya ng van at tumitig ulit sakin kaya umalis na ko. Pagdating sa bahay, saka ko lang napansin na kulang pala ng isa pang piraso yung puzzle ko. Nawawala yung word na 'YOU'. Bumalik ako sa playground kasama ang daddy ko pero I found nothing. Mula noon sinumpa kong hinding-hindi na maglalaro ulit ng puzzle. Shet kaya yun!
*end of flashback*
Tiningnan ko siya sa mata. So...siya nga yung batang lalaki na mukhang kidnapper.
"Alam mo bang sinusubaybayan na kita noon pa? Simula nung unang araw na magpunta ako sa playground. Ayako kasi sa mga ganung lugar dsahil para sakin okay na ko sa library ng bahay namin. Pero I saw you sitting on one of the swings. You look like an angel. Kaya nagdecide ako na ipakuha ka sa bodyguard ko. Tinitigan kita para paglaki ko may palatandaan ako na ikaw yung babaeng kukumpleto ng buhay ko. I found this puzzle piece nung araw na tinakbuhan mo ko, natakot ka ata. I promised to myself that no matter what I will look for you. Nagtanong-tanong ako sa marami kung kilala ka nila. Nalaman kong Anne Cero pala ang pangalan mo. Pumasok ako sa school na pinapasukan mo nung elem. pero hindi mo ko pinapansin. At nung maging classmates tayo, nakahanap ako ng tyempo para makaharap ka. Naging close tayo. I fell for you, Anne. I love you. Now, can I be the last piece of your puzzled heart?"
Geez. I have never imagined na may lalaki palang dati pa ay mahal na ko. KAya naman...tinatanong pa ba kung pwedeng maging kami?
"Arzec, dati pa lang, kinumpleto mo na ko. Simula pa lang nung...araw na natutunan kitang mahalin."
_END_
Thank you sa mga prends kong nagbabasa nito. I love you guys! Esp. Ciel Lean Glade my lab. Wehehe. Sana magustuhan niyo po. Sorry kung 12 years old lang ako pero nakikisali na ko sa ganitong klase ng writing. Pero sana magustuhan niyo po. Yun lang!^______________^