Prolongue

1 0 0
                                    

Kakapasok ko pa lang sa room ang mukha niya agad ang sumalubong sa akin. May kausap siya'ng babae, ang kaniyang girlfriend. I know, it sucks.

It sucks seeing the one you love, love somebody else.

"Dylene!" Sigaw ng isa ko'ng kaklase. Napalingon ako sa tumawag at nakitang si Juanita lang pala.

"Oh, bakit?"

"Grabe, taray naman," aniya at pabirong hinampas ako sa braso. "Gusto lang sana ako magtanong kung nasagotan mo ba 'yong assignment natin sa math."

Tumaas bahagya ang kilay ko. Una sa lahat, sino'ng hindi maba-bad pag mukha niya ang makikita mo at hindi lang 'yon. May  kalandian pang kasama. Pangalawa, hindi naman kami close nitong Juanita na'to.

"Oo, bakit?" Sagot ko sa tanong niya.

"Turuan mo naman ako, o? Kung pwede lang sayo..." aniya.

"Sorry, busy ako. Next time 'pag may time na ako." Totoo naman kasi, marami pa ako'ng dapat tapusin lalong-lalo na ngayon na papalapit na ang Uni Day.

Bumagsak ang kaniyang balikat, tila nalungkot sa balita. "Ah, gano'n ba? Sige..."

Tumango ako sa kaniya. Tinalikuran na niya ako pero hindi matanggal sa utak ko ang mukhang niyang nanghihinayang.

Without hesitation, tinawag ko siya.

"Bakit?" Tanong niya.

So, I handed her my notes. Nanlaki ang mata niya. "Omg, thank you!"

"Walang anuman pero pasensya na kasi hindi kita matuturuan. For the mean time, sayo muna ang notes ko."

Tumango siya at nginitian ako.

Uupo na sana ako pero nahagip ng mata ko si Kyle. He stared at me like I just did something wrong. Kunot noo ko siya'ng tinignan pero huli na kasi umiwas na siya ng tingin sa akin.

Tss.

Bakit ba siya gan'yan? Bakit kung maka-asta siya parang hindi kami naging magkaibigan ng 11 na taon? Tsk.

'Yan ang problema ng mga tao ngayon, e, hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Nagbabago kapag nakahanap ng ibang kaibigan.

Umupo na ako sa aking upuan kasi dumating na ang prof. namin. Nakinig ako pero pilit paring bumabalik sa isipan ko ang mga alalaang matagal ko ng gustong kalimutan...

"Oo. Mahal kita, bilang isang kaibigan."

Nanlaki ang mata ko, halatang gukat sa sinabi niya. Kunot noo ko siyang tinitigan. Ba't niya ba 'to sinasabi sa akin?

Alam ko naman, e. Alam ko.

I akwardly laugh. "I-Ikaw talaga. Siyempre naman, mahal din kita bilang k-kaibigan."

I know, I lied. Gusto kita bilang kaibigan, oo, pero mahal kita bilang ikaw. Mahal kita bilang ikaw hindi bilang kaibigan ko. 'Yon ang totoo.

"Good." Aniya.

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Wala lang. Sabi-sabi kasi sa lahat, crush mo raw ako, e. Alam mo 'yon? Ang akward kaya kapag gan'on!" Wika niya sabay tawa.

Paano siya nakakatawa ng ganito gayong ako parang mamatay na dahil sa sakit?

I faked a gasp. "Wow, naman. Ang hangin dito, e, 'no? Pwe!"

Pagkatapos ng gabi na 'yon, araw na ng laro nila Kyle sa basketball. Naala ko pa'ng late ako ng dating kaya hindi ko nakita ang buong laro nila.

They won.

I was really happy, damn happy. Proud na proud ako lalong-lalo na dahil si Kyle ang tinanghal na MVP ngayon'ng game season.

Naghintay ako sa labas ng boy's locker room para sana i-congratulate si Kyle. Ipipihit ko na sana ang pintoan ng may narinig ako'ng naguusap sa loob. Aalis na sana ako, e. Kung hindi lang sana pamilyar ang boses ng isang taong nagsasalita sa loob.

I know that voice. It was his. Sa 11 ba namang taon ng pagkakaibigan sino'ng hindi makakilala ng boses niya.

"Si Dylene?" Aniya na parang matatawa na.

Wala naman kasi akong balak na makinig pa, pero narinig ko ang pangalan ko. Kaya nagduda ako.

"Oo, 'di ba crush ka no'n?" Ani ng isang paglalaking boses. "Naks!"

Alam kong bawal makinig sa may usapan pero...

Pinihit ko ng kaunti ang pinto. Nakita ko'ng si Kyle nga ang naguusap kasama ang kaniyang mga kaibigan.

"Wtf? 'Yung babae na 'yon? You mean, si Dylene Harrison?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala namang ibang Dylene Harrison dito sa campus.

"Oo, bro! Pinagpalit niya si Beauty sa kaniya, e, 'di hamak naman na mas sexy si Beauty." Ani ng isa niyang barkada.

"Ano ba'g pinagsasabi niyo? Hindi ko pinagpalit si Beauty dahil sa kaniya!" Medyo iritadong sabi ni Kyle.

"E, ano bro?" Hamon nung isa.

"For fvck's sake, kinaibigan ko lang naman 'yong tao para may tiga-gama ako ng assignment ko!"

Hindi ko namalayan na pumatak na pala luha ko. Mabilisan ko 'yung hinawi. Fvck! It still hurts. It freaking hurts!

Tatlong buwan na ang nakalipas pero hindi niya parin ako kinakausap. Tatlong buwan na ang nakalipas at hanggang ngayon siya parin.

Ang sakit parin.

"Miss Harrison, why don't partner up with Mr. Donvatch on this project--um, excuse me, Miss Harrison?"

"M-Ma'am?"

"I said," simula niya. Tinignan niya si Kyle tapos ako. And with that simple gesture, I know I'm fvcked up. "You and Mr. Donvatch will be the partner for this project."

Shit!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Used to Where stories live. Discover now