2 parts lang po 'tong story na to. #medyoOA. Wala eh, ito kinalabasan. HAHAHA. Basahin nyo na lang. Thanks :*
♥
PRIDE
Limang letra lang pero ang lakas makasira ng relasyon, ng lahat.
Para san ba yan? Ano bang mapapala mo jan? Meron bang magandang dulot yan?
Meron ba?
**
Faye's POV
"Ano ba naman yan! Bakit magka group nanaman kayo ng g*gong Gab na yun?!"
Eto nanaman sya..
"Ano naman ngayon?! Ilang beses ko na bang sasabihin sayo na wala na akong gusto dun?!"
Totoo naman. Wala na talaga. Ayaw nya lang maniwala.
"Wala daw! Palibhasa kasi, GUSTONG GUSTO MO NAMAN!"
Nakakasakit na sya ah. Nasasaktan ako sa mga sinasabi nya.
Walang pakundangan.
"REDGE NAMAN! ILANG BESES KO ANG KAILANGAN ULIT-ULITIN SAYO NA WALA NA?! WALA! WALA! WALA! IKAW NGA KAGROUP MO YANG FIRST LOVE MO PERO NARINIG MO BA KONG NAGREKLAMO O SINUMBATAN KA?! DI BA HINDI NAMAN?!"
Hindi ko alam pero naiiyak ako.
Nanggigigil.
Nagagalit.
Punong-puno na ko.
Ayoko na ng parating ganito.
"Gusto mo ng ganyanan?! Sige! Dyan ka naman magaling eh, ang ibalik sakin lahat ng sinasabi ko sayo! Ibabato mo ulit sa akin lahat para ikaw manalo!"
Wala talaga siyang pakielam. Maipaglaban nya lang yung sarili nya, ayos na sya. Di nya man lang iniisip yung mararamdaman ko..
Masakit.
"Totoo naman kasi eh! Ikaw nga minahal mo yung babaeng yun ng ilang taon! Samantalang ako, yung lalaking pinagdudukdukan mo sakin, ni wala man lang kaalam-alam na nagustuhan ko sya NOON. Inuulit ko, NOON! Kaya pwede ba Redge?!"
Pinipigilan ko nalang talagang tumulo ang mga luha ko. Pero hirap na hirap na ko..
"Uungkatin mo nanaman yung nakaraan?! Faye, di ba ikaw ang GIRLFRIEND KO? At past na yun! Kaya huwag na nating balikan"
Ayan. Dyan ka magaling. Ang ipagtanggol ang sarili mo.
"Yung sayo wag nang balikan? Samantalang yung akin, walang sawa mong pinagpipilitan!"
Pumatak na ang luha ko. Pero agad ko iyong pinunasan.
"Umiiyak ka ba?" Tanong nya.
"H-hindi. Bahala ka. Magsama kayo ng Jannah mo."
Umalis na ko at pumuntang washroom.
Nakakainis talaga.
Umiiyak nanaman ako, NA NAMAN.
Bakit ba kasi ganun sya?
Bakit kailangan nya pa akong awayin ng awayin?
Bakit ayaw nya magpatalo?
Bakit ba ang taas taas ng pride nya?
Mas mahalaga ba talaga sa kanya yung LINTEK NA PRIDE NA YUN KESA SA AKIN?!
Pagod na pagod nako..
Sa pag intindi..
Sa pilit na pag-unawa..