Redge's POV
Sht!
Kumukulo pa din dugo ko tuwing naaalala ko landian nung dalawang walanghiya kahapon.
May boyfriend pa sya nun ah.
Oo, alam ko. ako nauna.
Pero usap lang yung samin.
Eh yung sakanila?! May hawak hawak pa! May kurot kurot pa!
Sarap bugbugin.
*bzzzzzzzzzzzt
From: FAYE KO
Redge. Kailangan natin mag-usap.
Sa park. Hihintayin kita.
TSK! Mag-usap?
Bahala sya.
Di ko muna pinansin at pinatay ko muna yung phone ko.
Makapag basketball na nga lang at maaya yung tropa. Kesa naman mabadtrip lang ako sa kanya.
Isang oras...
Tatlong oras..
Limang oras..
Hayyy nakakapagod.
Kung ano anong trip pinag gagagawa namin ng barkada
9:30 na din. Gabi na. Makauwi na nga.
Habang naglalakad pauwi,
May narinig akong ingay..
"K-kuya! Wag po! Parang awa nyo na! Maawa po kayo!"
Iyak ng babae.
Parang may di magandang nangyayari.
Bumilis naman agad ang tibok ng puso ko.
Na sa bawat hakbang ko papalapit sa hindi kaaya ayang tunog ng halakhak ng isang lalaki at nagmamakaawang tinig ng isang babae.
Parang unti-unti ko nang nakikilala kung kaninong boses na yun.
Yu-yung boses na yun...
"K-KUYAAAA"
Iyak lang sya ng iyak, sigaw ng sigaw.
Hinanap ko..
At..
N-nabitawan ko ang gamit sa nakita ko.
"ITIGIL MO YAN! BITAWAN MO SYA!"
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nabigla ako sa nakita ko.
P-panong...
Sumugod nako sa kinaroroonan nila.
TNGINA, ANO BANG NANGYARI??!
Bakit.. B-bakit..
Binilisan ko pa ang takbo para matigil ang lalaki sa kahalayan nya..
Nang biglang...
"HUWAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!!!!!"
Nanlaki ang mata ko sa nasaksihan..
Nahinto at nanigas na ko sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang kalupitang sinapit ng girlfriend ko.
Ni Faye.
Tangina.
ANG GAGO KO.
ANG GAGO GAGO KO.