Dear Crush

257 7 4
                                    

~•~

Alam mo ba Crush na may gusto ako sayo? syempre hindi alam mo lang naman lumandi sa isang kagaya ko..

ay mali marami pala kami,marami kami diyan sa loob ng messenger mo.

Kahit alam kong nag ppm ka lang tuwing may kailangan ka.

Halos lahat nga ng parte o galaw mo alam ko na nga eh yung tawa mong ang sakit sakit sa tenga yung ngiti mong nakakabwiset yung heigth mong napakaliit,mas matangkad pa nga ko eh pero sabi nga nila pag mahal mo or gusto mo ang isang tao tatanggapin mo kahit ano pa siya.

Nakakatawa lang nagkagusto ako sa pinaka pinandidirian kong tao nung bata pa tayo shit na malagkit! talaga.

Dahil nga sa biruan natin na developed ako sayo pano ba naman ang landi landi mo yan tuloy na fall aki sayo,malas nga lang sa sahig ako bumagsak hindi sayo.Pero ang mas masakit ay yung halos iparamdam na sayo na gusto ka niya,pero akala mo lang pala.

Naalala mo pa nung liga niyo?todo support ako sayo di ngalang halata panay tili pag nasayo yung bola kaya ngalang nakatingin ka sa babaeng kakakilala mo lang,oo nga alam kong malandi ka bakit pako nasasaktan tama lang na mahiwalay ako sayo para lumayo narin ako.

Pero paminsan pag nanunuod naman ako ng liga alam kong nanunuod din kayo kasi malamang sports niyo yun nagugulat na nga lang ako ng tumabi ka sakin shemay na malagkit kinikilig ako pero patago panay hampas nga ako sayo pag naiinis ako sa game yang mga hampas na yan may kabila,kabila na kahit sino walang makakaalam kundi ako lang.Dito naman ako magaling eh,ang magpanggap at magtago ng feelings.Baka kasi pag umamin ako matawa ka lang.

Naalala mo pa ba nung ginawa ko yung journal mo? lakas ma ka loko eh! Chinat mo ko ganda pa nga ng bungad mo eh.

Hello syempre si gaga nag reply agad sayo sagot ko rin hello,alam ko namang kasunod nun magpapatulong ka demanding mo pa nga.Alam mo ba gusto kitang ikuskos sa cactus para matanggal yang kakatihan mo kaso wala nadala na naman ako sa charm mo inexplain ko naman sayo lahat pero ikaw di parin gets hangang sa ako nalang ang gumawa.

Nung una naiinis ako pero nung nagchat ka ng tuloy tuloy nadala na talaga ko,ginawa ko ng buong puso yang Project mo,buti kamo walang nagastos kundi search lang oras ko lang ang nasayang.

nakakainis isipin na nilalapitan mo lang ako pag may kailangan ka, tamang tama nga sayo yung pangalan mo eh John Michael anjohn lang pag michaelangan putakte ka! sarap mo talagang patayin.

May mga oras na nagbabalak akong magmove on kaso pag uwian naglalakad ako nakakasabay kita pilit kitang iwasan kaso ikaw na mismo yung nakakapansin tinatawag mo ko syempre si ako nadala na naman nagkwentuhan kung anong nangyari sa school hangang sa umabot na naman yung point na magpapatulong ka.

Pero umayaw ako sayo yan yung kinagalit mo simula nung araw na yun.

Nagtatanong ako sa sarili ko kung tama ba yung ginawa ko?Tama ba na inayawan kita o Hindi kasi umaabuso na kana.

Tatlong araw ang makalipas na walang kibuan sabi ko sa sarili ko na naka move on nako pero nagulat ako ng chinat mo na na naman ulit ako.

Alam kong kalokohan na naman to kaya sineen kita isang beses ko lang ginawa pero naghinayang ako alam kong maraming beses na nangyari to,Oo ang daming beses mo kaya kong sineen mag rereply ka nga sobrang tagal naman.

Dumating yung araw na di kana nagchachat kaya tiningnan ko kung ilang araw ka ng di naka pag open.Nagulat ako active now ka pala magbabalak sana akong mag wrong send kaso nagdalawang isip pako binasa ko lahat ng funny chat natin isang ngiti na biabalikan yung mga araw na masasaya kahit na may kapalit yun.

Hangang sa nag wrong send na sadya talaga ko kala ko naman magrereply ka ng mahaba pero ang sagot mo like lang nakakainis ka sobra sobra ka talaga napaka mo! yang mga katagang yan gusto kong isigaw pero nagpigil ako.

tatlong linggo ang makalipas napagdecide ko nang mag moveon na naman ang saya saya ko kasi okay na feelings ko.Pero nagbago na naman to shemay! kasabay kitang papasok sa subdi. natin kaya nagbago na naman natitigan ko na naman yung punyeta mong mukha yung mala dugong mong ilong dahil sa laki,alam mo yun? tinuturn off ko yung sarili ko sayo nagpapatulong nga ko sa mga kaibigan ko na laitin ka eh kaso natatawa nalang ako.

May mga oras nga na pag papasok na tayo sa lugar natin may mga babae na nagsasabi na crush ka nila pero ikaw dedma lang,ganyan ka ba talaga?ang magpafall? bwiset! Oo ako pagnakikita ko sila nakataas na tong kilay ko.Ano nga ba ko? isa lang naman akong maliit na parte sa buhay mo perokahit na wala akong karapatan feeling ko meron na pero sumasampal sakin yung katotohanan na bawal nga.

Alam mo ba tuwing nalabas ako ng bahay Para makipag laro ng volleyball nakikita kita sa court naglalaro igorot ka nga eh charr pinanuod kita nakita ko kung bakit maraming nagkakagusto sayo sa galing at landi mo palang pasok na sa standards ng kababaihan.

May oras na may dumating kasi sa bahay namin na deliver kaya lumabas ako yung parang binuksan yung gate para tingnan yung pina deliver natulala ako sa ginagawa nila nang diko napansin na sa likod nila nandun ka nakasando sandali kang napatingin sakin kaya syempre nahiya ako malay mo mahalata mo na talaga ako.

Hangang sa umabot na talaga na desperada na talaga ako lagi akong naglalakad kasi nga naglalakad ka lang putangina! lang talaga parang ayoko na gusto ko naiinis na nga ko sa sarili ko eh.

At Hangang sa nabalitaan ko nalang na sa Dati kong kaibigan na ,dahil nga sa kamustahan namin nagusap narin kami all about sa relationship sabi niya nilalandi mo siya nagulanta ako grabe ka iba ka talaga pati yung kaibigan ko nilandi mo na.At hindi lang yun pati pala iilan kong kaklase.

Tandang tanda ko din yung nakipagkita ka sakin.Sabi mo may sasabihin ka,pumayag ako pero iba yung inasahan ko may sinabi ka nga ng kinagulat ko.Sabi mo "Bes gf ko nga pala"

isang ngiti ang ginanti ko at sabing may dadaanan lang ako.Huwag kang magalala sa ngiting to ayos na ang lahat.

Nainis talaga ko nun sayo pero kagaya nga ng nakikita ng iilan sakin ang emotion less walang bakas na emosyon miski isa.Hindi kita pinansin lahat ng tawag mo sakin chat mo sakin binalewala ko nilagay ko yung buhay ko sa mga libro,libro na tanging ibibigay sayo kaligayahan at impormasyon.Mahigit isang buwan kong ginawa yan at

napag desisyunan ko nang mag move on,Oo naka move on nako ang saya saya kasi wala nakong tinik sa dibdib di nako nahihiya,nagbalik yung dating ako.Ang saya saya alam mo? Ang sarap isigaw  Naka move on narin ako!

Pag nagchachat ka para magpatulong sa assignment mo dinako kinakabahan dedma nalang at siniseen narin kita.Ganun nama talaga pagalam nila kahinaan mo gagamitin kanila.Ang masklap pag wala ka ng kwenta itatabi kana,ipapadanas ko lang sayo lahat ng ginawa mo nang nakaraang baliw na baliw pako sayo.

Revenge yan ang salitang gagawin ko pero sa tamang paraan di kita papatayin,Pwede sa libro na ginagawa ko pwede kitang patayin doon ang lalaking nasagasaan dahil sa sobrang landi pero sabi ko sa sarili ko tama na wag mong sayangin ang oras mo sa walang kwentang bagay.

Naalala ko tuloy nang gumagawa pako nang Diary pag nakikita kita or nakakasama ang sagwa pala talaga no?Sa isang maitim at pandak nagkagusto ako nakakatawa.

I'm Proud,I'm Totally Move on lahat ng nakaraan nakalimutan.
pero....

dumating yung araw na umamin ka sakin lakas maka loko! yung dati sana umamin kana edi sana happy ending na ako na sana yung Princess mo at ikaw ang Prince ko pero naisip ko malandi ka pala kaya nagagawa mo to.At sa Fairytale lang meron nun.

Hangang sa Nagbalik na nga ako Tropa nalang ulit tayo na ikinatuwa ko naman Wala na ulit akong pake sayo at mas nag focus pako sa pagaaral ko.

P.S Salamat sa lahat ng nangyari sakin Dahil sayo di ako magpapakatatag kung wala ka walang Matapang na ako ngayon.

END


~•~

:]

Dear Crush [ One Shot Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon