AMT

6 0 0
                                    

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng love? Bakit ang daming nababaliw dahil dun? Dati, inosenteng isip pa ang namamayani sa mga tao. Uubusin nila ang kanilang oras sa paglalaro, pagiging masaya. May mga pangarap pa silang binubuo para sa sarili nila. Ubod rin ng kabaitan at kainosentehan ang kanilang isip. Kung tutuusin, pasakit lang ang hatid ng love na yan eh. Tinatanggal nila ang lahat ng iyon sa ating isip. Agawan, sakitan, iwanan, yan ang namamayani ngayon. Rinding-rindi ang marami kapag ito ang pinag-uusapan, pero kahit sila mismo ay hinahanap naman ito.

May pagkakataong gusto ko ring maranasan ang ma-inlove. At umaabot ako sa puntong nasasaktan na. Nakakasakit na. Ubos na ubos na ang pag-asa ko sa sarili ko na magiging masaya ako sa love. Eh, bakit ba naman kasi ganyan ang nangyayari? Love ang nagbibigay ng pasakit sa buhay natin, di niyo ba yun alam?

Tulad nalang ng nangyari sa akin. Isang taon na ang nakakalipas mula nung araw na iyon. May isang lalake akong nakita sa isang camping. Biglang tumibok ang puso ko nung mga panahong iyon. Araw-araw akong umaasa na mapansin nya hanggang sa hindi ko na mapigilan. Nagpadala ako ng sulat sa kanya ngunit hindi ko ipinaalam ang aking pangalan. Gabi, araw, at ilang buwan pa ang lumipas nang napag-alaman kong inangkin ng ibang tao ang pangalan para sa sulat kong pinag chismisan sa buong campus at ngayon ay naging sila na, ang sakit diba?

InitialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon