Journey home

4 0 0
                                    

So, late na at galing ako sa isang party. Very lonely kasi ako. I'm living in a foreign country alone tapos wala pa akong masyadong friends kaya paminsan-minsan lumalabas ako para makalimot sa mga problema at lungkot.

So on the ride home sa train kasama ang isang friend na lalaki ay may vacant na upuan nagkahiyaan pa nga actually, syempre dito naman sa Japan di masyadong uso yung babae ay bibigyan ng upuan, parang first come first serve basis ang labanan ganun. Haha so anyways, nag-decide kami ng friend ko na wag nang umupo and then eto namang si kuya na biglang dumaan sa likod namin eh binigyan na namin ng chance eh tumanggi din. (Maluwag ang train hindi parang PNR na puno ng mandirigma)

After ilang stations bumaba na ang makulit kong friend and nakaupo na rin ako. Saktong sakto naman na may vacant seat sa tabi ko at duon umupo si kuyang pakipot. Mukhang naartehan sya sakin, feeling nya ata pabebe ako e. Pero nonetheless, ayun tinitigan ko sya kasi feeling ko Pinoy din sya at bet kong ma-confirm kung true ba or not.

Nagkataon na nagtetext si kuya. So ako naman chismosa, sight ng sight kung tagalog na tinetext nya, ay pak ganern trulaloo Pinoy din si kuya and sabay nahalata nya na epal ako sa pagsight ng mga texts nya. Hahaha (medyo nakakahiya).

So para iwas awkward nagsalita na ko, "hello, Pinoy ka?" Sabi ko. "Oo, ikaw ba?" Sagot nya. "Wow, alam mo binabasa ko texts mo para ma-confirm yung hula ko na parang Pinoy ka e." Hirit ko. "Wow talaga ha? Binasa mo talaga mga texts ko ha!" "I mean yung words lang di ko naman naintindihan." At this point hiyang hiya na ako hahahah. "Anong hindi naintindihan eh binasa mo na nga!" Medyo FC na si kuya ha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Train ChroniclesWhere stories live. Discover now