Ayoko na!!! Sobrang sakit na talaga nitong nararamdaman ko! Lagi na lang... Kelan ba mawawala yung sakit na ito? Hindi ko na talaga kaya...
Ganun ba talaga? Kapag nagmahal ka ng sobra ay masasaktan ka din ng sobra? Mabait naman ako... Ni minsan hindi ako nagsinungaling o naglihim sa kanya, lahat ng oras ko pinaparamdam ko na mahal ko siya at higit sa lahat palagi akong nag-eeffort para sa kanya...
Mas pogi naman ako sa pinalit niya. Hindi ako sobrang gwapo pero alam kong cute na cute sila sakin...
Ngayon lang tumibok ang puso ko pero hindi ko akalaing mababasag lang pala... Kasalanan ko to eh! Hopeless romantic ako... Kapag ako nagmahal hindi ko na iniisip ang sarili ko, tinatanggap ko lahat pati pagkakamali ng taong mahal ko at gusto ko lang naman maging masaya siya, kahit masakit, kahit ikamatay ko ibibigay ko pa din ang huling hininga ko para sabihing mahal ko siya...
Pero para saan pa? Iniwan na ako ni Jane. Binigay ko naman lahat eh... Lahat ng gusto niya, lahat ng kailangan niya. Naging mabait ako pati sa pamilya niya tapos lolokohin niya lang pala ako...
Ang sakit, sobrang sakit! Yung 1 taon na pinagsamahan namin kinalimutan niya kaagad. Ganun ba ako kadaling kalimutan? Mahal na mahal ko si Jane pero pinag-palit niya ako sa iba. Hindi ba niya nakikita na ginagawa ko naman lahat para sa kanya?
Araw-araw mabigat ang pakiramdam ko. Naging seryoso na ako palagi. Nawala na ang mga ngiti ko. Naging gloomy na ako. Hindi ba talaga siya naging masaya sa akin? Nagpaka-tanga na nga ako para sa kanya eh...
Kaya pala kapag monthsary namin ako lang ang nakaka-alala, kaya pala ako lang ang nag-eeffort sa aming dalawa, kaya pala di niya tinutupad maski isa sa mga pangako niya simple man o hindi...
Dahil hindi niya na ako mahal... O sa madaling salita hindi niya talaga ako minahal...
"Kuya... Are you ok?" Biglang sabi nung lalakeng sana likod ko.
Medyo nabigla ako... Ang ganda kasi ng accent niya...
Lumingon ako at nakita ko ang isang lalake na moreno, matangkad at di naman masyadong kagwapuhan pero ang haba ng mga pilik mata at kitang-kita ang amber niyang mga mata...
Napansin ko din na may rosary sa bulsa niya... May nakalabas na konting beads at may singsing siya na hugis cross...
"This is for you..." Nakangiti niyang sabi habang inaabot sa akin ang isang panyo.
Kinuha ko iyon at pinunasan ko ang mga luha ko...
"Don't cry that hard... There is a blessing for you... Just believe in the Holy Trinity." Nakangiti niyang sabi at tumingin siya sa altar.
Di naman siya mukhang foreigner pero englishero itong lalake... Ang ganda ng accent pati yung diction niya... Mukhang matalino...
Konti lang ang tao ngayon sa simbahan dahil lunes... Nabibilang lang sa daliri ang mga tao sa loob...
Tumingin ako sa altar... Tama ang lalakeng katabi ko... Kailangan kong manalig sa Diyos...
"You have to be strong... Don't give up on your faith" Nakangiti niyang sabi.
"Thank you..." Mahina kong sabi.
"Wag na po kayong umiyak... Ang cute niyo pa naman po." Nakangiting sabi nung lalake.
Holy shit!!! Marunong pala mag-tagalog! Tangina nito!!! Akala ko pa naman di nakakaintindi pero may accent din siya kahit nagsasalita ng tagalog hahahah....
"Cute? Binobola mo lang yata ako eh." Natatawa kong sabi.
"Hala totoo po yun! I can't lie to everyone... I just can't" Sabi naman niya.
BINABASA MO ANG
Lay Me Down
Short StoryWhat will happen if you don't care that much to someone who loves you so hard? Kailan mo ba malalaman kung gaano sayo kahalaga ang isang tao? He is always there for you but somehow, you don't appreciate his presence... Alamin natin ang kahalagahan...