Four - "Secrets"

19 2 3
                                    

Nang dahil sa kagabi, nagkaroon ako ng napakakapal na eyebags. All thanks to that guy.

Naghanda na ko para pumasok sa school. Naisip ko sanang manghiram ng concealer kay ate Jarra kaso dahil nga sa nagmamadali na ko, hindi ko na tinuloy. Nagluto nalang ako ng itlog at hotdog para mabilis at nagiwan nalang ako ng baong pera sa mesa.

Matapos nun ay lumayas na ko ng bahay. Mabuti nalang at mabilis-bilis magpatakbo si manong driver nung nasakyan kong tricycle kaya naman nakaabot pa ko. Barely.

Pero thankfully, hindi ako narecord as late. Buti nalang at friday na ngaun kundi lagot ako sa faculty pag hindi ako nakapunta ng voluntary hours.

Tuwing MTW(Mon, Tue, Wed) lang kasi ang duty ng volunteer. Kaya phew, buti nalang talaga.

Pumunta na ko sa classroom. Masyado silang busy sa paggawa ng mga assignment kaya di nila napansin na nandito na ko at mabuti na din yun. Binati din ako ni Coreen at binati ko rin siya pabalik.

Di rin nagtagal, dumating na ang first subject teacher namin at sinimulan na ang bago niyang lesson.

Habang nagl-lesson siya, randam na randam ang pagkabagot ng buong klase. Pano ba naman, sinong di tatamarin dahil konti nalang weekend na. Tinatamad na sila kaya gusto na nila kagad makauwi.

Ako rin atat na atat lagi pag magw-weekend na dahil di ko makikita ang mga pagmumukha nila.

Alam kong bullying na ang ginagawa ng mga tao sa school sakin. Hindi nga lang pisikal but their target is the person's sanity. They don't torment people physically but emotionally.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganito ang kinahantungan ng society ngayon.

Nakalipas ang oras at natapos na ang mga klase sa umaga. Nangangahulugang break na.

Agad naman akong pinuntahan ni Coreen at sumunod sa kanya si Xin.

"Juliet~! Kain na tayo~!"

At bilang tugon sa sinabi ni niya, nginitian ko siya at lumapit para salubungin siya.

"Tara" Naunang naglakad si Coreen. Tinignan ko ang nasa kanan ko at nagkatinginan na naman kami ni Xin.

"Umm... Kahapon..."

"Tch. Shut it."

Naitikom nalang ang bibig ko at tinignan ko ang mga mata niya. Bakas pa rin ang galit niya sakin.

Kelan niya kaya ako balak patawarin?

Noong napansin kong naglakad na rin siya paalis ay sumunod na rin ako.

Paglabas namin ng room, tumambad samin si Coreen na hindi pa pala nakakadiretso sa canteen dahil kasama niya si...

Si Nine

Magkausap sila at halatang magkasundong magkasundo sila.

Napansin siguro nila sa kanilang peripheral vision na nakatingin kami sa kanila.

"Oh hi Juliet!" Bati sakin ni Nine habang nakangiti nanaman at nakalabas ang kanyang napaputing mga ngipin. "Hello..." Na sinuklian ko ng medyo pilit na ngiti.

"Juliet isabay na rin natin siyang kumain!" Masiglang sambit ni Coreen.

Napatingin naman ako kay Xin na inirapan lang ako.

"Sigurado ka Nine? Okay lang ba? Baka hinhintay ka nung iba mong kaibigan" Hindi ko alam kung papayag ba ko o hindi.

"No its okay, kinausap ko na sila and they are cool with it" sagot niya sabay ngiti nanaman ng maliwanag.

Pero wala akong nagawa kundi pumiyag dahil hindi ko siya kayang tiisin.

"Okay lang naman sakin..." At dahan dahan akong tumungin kay Xin na nakacrossed arms at mukhang naiirita ang ekspresyon at nakatingin sa ibang direksyon.

"Then tara na!" Nagsimula na ulit lumakad si Coreen kasabay si Nine at sumunod naman kami ni Xin.

Dumating kami sa canteen at narinig ko ulit yung mga bulungan.

"Ui di ba siya yun? Si Nine Ace Arceo? Yung kakatransfer lang ata last week?"

"Oo siya nga! Gravity! Truelaloo nga na wafu si koyaaaa! Shet!"

"Oo nga! Grabe pag ngumiti jusko!"

Grabe ah. Hinay hinay lang po. Alam kong gwapo siya at talaga namang nakakasilaw ung ngiti niya. Pero please lang. Ang OA netong mga to.

"Humaygash magkakasama sila. Si Coreen at Xin kasama niya. Grabe puro mga pinagpala"

"Oo nga pero tignan mo may panira"

"Oo nga no. So shameless. Grabe di pa rin ba siya susuko? Matapos ang lahat? Grabe! Kung ako yun gugustuhin ko ng umalis ng bansa"

"Ang kapal talaga! Di na talaga siya nahiya! Tas ngayon ic-close niya rin si Nine? Wow lang ah"

Di ko mapigilang mapakunot ang noo ko nang bahagya sa mga narinig ko. Sus parang hindi pa ko nasanay ah.

But this time its different. Parang naconscious ako bigla. Di ko namalayang napatingin awtomatiko pla ako kay Nine.

Nakahinga naman ako nang maluwang nung nakita kong pawang wala siyang narinig sa mga bulungan ng tao sa canteen dahil kausap niya si Coreen.

Please not today. At kung maari sana hindi mo na marinig.

Pero, anu pa nga bang magagawa ko? Malalaman at malalaman niya rin. Ngunit sana huwag muna.

Bigyan niyo pa ko ng konting panahon.

Bumili na kami kagad ng pagkain namin at kumuha ng table.

Napansin kong tumabi si Nine kay Coreen kaya napatingin (not again) nanaman ako kay Xin. At nakita kong kumunot ang noo niya.

Bumaling naman ang tingin ko kay Coreen na halatang nagulat din at hindi alam ang sasabihin.

"Oh bat hindi ka pa umuupo?" Tanong ni Nine kay Xin na nanatiling nakatayo at inirapan lang si Nine.

"Umm... Nine tabi ka nalang kay Juliet. Medyo choosy kasi yang lalaking yan" Nagaalangang sabi ni Coreen kay Nine habang bahagya niyang binulong yung pangalawang sentence.

Halatang nagtaka si Nine dahil halata ito sa mukha niya. Pero buti rin hindi siya nagtanong at sumunod sa sinabi ni Coreen.

Umupo siya sa tabi ko at si Xin naman ay umupo sa tabi ni Coreen. Kumain na kami sabay din ng kwentuhan ni Nine at Coreen as usual.

Maya-maya habang kumukain nanahimik yung dalawa at napansin kong nakatingin si Nine sakin sa gilid ng paningin ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at tama nga ako nakatangin siya sakin at parang may inoobserbahan.

"Bakit parang ang kapal ng eyebags mo? Di ba nung magkachat tayo kagabi nagpaalam ka na kasi inaantok ka na?"

"Magkachat din kayo kagabi?" Singit na tanong ni Coreen sakin.

Din? Ibigsabihin magkachat din sila kagabi?

"Ah, oo kaso bigla akong inantok. Diretso na sana ako patulog kaso narinig kong nanonood yung mga kapatid ng horror movie sa sala. Yun tuloy di ako nakatulog ng maayos"

Pagsisinungaling ko dahil alanga namang sabihin ko na dahil kay Nine kaya ako napuyat.

"Hahaha grabe di ko inakalang takot ka pala sa horror movies?" Natawa si Nine sa nalaman niya. At di ko nanaman napagilang tumutig sa kanya.

dug.dug.dug.dug

My heart said. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko pero nangyayari ito madalas kapag nandiyan siya.

I don't know what I should do about this.  Pero alam kong hindi ito dapat malaman ng kahit sino man.

Puso ko, bakit sa kaniya pa?

Goodbye Juliet [Ongoing]Where stories live. Discover now