Sorry, Nagalit Ako
Inaalay ko ito sa dalawa sa mahahalagang tao sa aking kolehiyo.
Isa ay dati kong kasintahan, isa ay dati kong kaibigan.
Parehas ko kayong itinulak palayo mula sa katotohanang ayaw kong ipakita.
Ngunit huli na ang lahat, nabisto niyo naAng ugali kong kasuklamsuklam.
Ang personalidad na kailanma'y di matatanggap.Sa totoo lang, ngayon-ngayon lang ito lumabas.
Siguro na rin ay dahil sa 'enviroment factor' na sinasabi nila.Unti-unting lumalala.
Unti-unting napapansin.
Napapalingon na ang iba.
Tulong, di ko naman sinasadya.Sa oras na may bagay akong di ninanais lalabas ang halimaw na nabubuhay sa loob ng katawan ko.
Magwawala. Mag-iingay. Magsasabi ng maraming bagay
Na kung huminga muna ako nang sampung beses ay di ko maitutuloy.Sorry nagalit ako nabulabog ko kayo.
Sorry nagalit ako nakakarindi ang boses ko.Gusto kong umiyak.
Pakiramdam ko'y di niyo ko tanggap.
Dahil kahit lumalabas naman iyan sa inyong mga bibig ay sinasabi niyo pa rin na baguhin ko ang maling ugali.Pero gusto kong magalit.
Dahil kung tanggap niyo ako,
Hindi ba dapat ayos lang kayo sa personalidad ko?Pero hindi naman iyon ang kaso gusto niyo kong baguhin di niyo ko naiintindihan TANGGAP NIYO BA TALAGA AKO?!
Oo! Alam ko. Kasuklam-suklam ang ugali ko. Kailangan talagang itigil ang pagiging ganito.
Pero hindi niyo naiintindihan. Oo, di nila naiintindihan.
Kayo ba, naiintindihan niyo?Sabi ng iba'y magbago daw para sa sarili.
Sabi ko naman ay magbago para matanggap ng iba ang iyong sarili.
Pero, kahit sarili kong paniniwala ay di ko rin nais dahil kahit sa ideyang yan ako ay nagagalit.Ayokong magbago dahil lang sa ugali kong di niyo gusto!
Di ako magbabago at ipamumukha ko na kaya ko kasuklaman man ako ng mundo!Teka... sandali.
Pasensya na. Iiyak ulit ako.
Halo-halong emosyon ang lumilibot sa sistema ko.
Tulungan niyo ko. Sana'y intindihin niyo.Nilalabas ko lamang ang nararamdaman ko.
Nagpapakatotoo lang naman ako.
Ayoko lang namang maging mapagpanggap na tao.Kaya sana naman... tulungan niyo ako.
Ilabas niyo ako mula sa kulungan na kusa kong itinayo, upang di ako matapakan ng kahit anong kritisismo.
Ang kulungan na napapalibutan ng poot at dahilan at ekspalanasyon sa bawat sitwasyon lalo na sa panahong ako'y hinuhusgahan.Hindi, wag na pala. Ayokong maging pabigat sa kahit sino.
Sorry, nagalit ako.
Sorry, lagi nalang ganito.
Sorry, nagalit ako.
Pero di na ko magagalit.
Di na mauulit.Kung titignan ko man kayo habang hinuhusgahan niyo ako, pangako hindi ako magagalit.
Sana'y wag niyong akalain mula sa ekspresyon ng mukha ko na ako'y naiinis.Dahil hindi na iyan ang mukha ng ako na nagagalit.
Sa halip, iyan ang mukha ng ako na pagod na sa pagiging galit.