Sirang sira ang araw ko dahil maghapon kong nakikita si Isaac kasama ang hampaslupang impkata nyang girlfriend! Hindi lang yon sila pa ang napili ng mga kagrupo ko na magsagot ng questionnaire para sa thesis namin.
OH DI BA? ANG SAYA. YUNG CRUSH MO HINDI KANA CRUSH HINDI PA NYA ALAM NA NAGE-EXIST KA. PAKAMATAY BES! PAKAMATAY!
"Hi Alea? Kumusta nagtext na ba si Sac?"
Napataas ang kilay ko ng makasalubong ko tong si Dale David na to! Lalong naginit ang ulo ko at may gana pa syang kumustahin ako? Ang kapal ng muka!
"aray! Ano ba Alea ano bang nagawa ko ARAAY!"
"Hayop ka Dale David napakawalanghiya mo! Pinaasa mo ako! Pinaasa mo ako!" He's speechless and shocked. Patuloy ko siyang hinahampas ng bag ko kase inis na inis talaga ako sa pagmumukha nya!
"Nagmkukha akong tanga! Napakasama mo!" Pinagtitinginan na kami ng mga dumadaan dahil sa eksena ko at yung itsura ni Dale David hiyang hiya sya! HAHAHA serves him right!
"Alea stop ano bang sinasabi mo" pinapakalma nya ako pero dahil I really wanted to make a scene sorry Dale David. HAHAHA EVIL LAUGH
"Akala ko may pagasa na pero yun pala wala. You're just toyed my feelings Dale David. He's not broken!" then I leave.
Matapos ang scene nandito ako ngayon sa labas ng classroom ni Isaac. Physics ang subject nya kaya nasa Laboratory sila Good thing hindi sila magkklase ng chuckie doll na si Erina.
Tinititigan ko sya at napaka gwapo nya! Yung mata nya sobrang amo. Yung ilong nya maliit pero matangos. Ang tangkad nya din. Nakikinig lang sya at minsan kinakausap yung katabi niya na kung hindi ako nagkakamali Jeston ang pangalan. Syempre alam ko! Stalker ako e!
Bigla syang lumingon sa direction ko so I waved at him and smile. Magfl-flying kiss pa sana ako kaso biglang bumukas yung pinto nila.
PATAY.
Lumabas yung prof.
--
Hello again readers! Goodnight! Thank you for reading this piece of crap? HAHAHA xoxo