Confession of the author

7 0 0
                                    

Im into a relationship for almost five years. And so like other story hindi to perfect. Laging nag aaway. Nagkakasawaan. Pero never sya sumuko sa ugali ko kahit ilang beses ko na sya pinagpalit.

Last summer class naging close kami nitong classmate ko since 1st year college at 3rd year na kami that time. Nahiwalay ako sa circle of friends ko dahil pinili ko magiging professor ko thats why iba yung set of friends ko nun. Si sheen at Jeff lagi kong kasama. Si jeff yung guy na tinutukoy ko. Actually super crush sya ni sheen. Wala naman pagtataka kasi tipuhin talaga yun ng babae. Sa totoo lang napapansin ko naman na din sya dati pa. Pero nito ngang summer mas lumalalim yung samahan namin.

Lagi na kaming magka chat ni Jeff. Then si sheen kasama iba pa naming classmate eh nag ggym every friday. So sumasama kami ni Jeff pero suporta lang. Habang nag ggym sila kami naman ni jeff magkausap. Hanggang sa nagkakatanungan na ng gusto. That time alam ko na gusto ko na nga sya pero since may bf pa ko nun I resist. Tuloy pa rin kami sa pag uusap ni Jeff. Hanggang isang gabi umabot kami ng 4am nag pagchachat kakakulit sa isat isa kung sino ang crush namin. I send him a picture at sabi ko yun yung clue. It was his picture na edited na hindi nya ma iidentify na sya yun. Hanggang sa hindi na sya nakatiis at sinabi nya na gusto nya ko. Gusto nya din pala ako.

Hindi naging madali yung time na yun. Unang una taken nga ako then pangalawa yung kay sheen. Ako kasi takbuhan ni sheen sa mga nararamdaman nya kay Jeff.

Nakipagbreak ako.

Then he start courting me. A week after non inamin na din namin kay sheen. Pero napaka daming masasakit na salitaan naganap. Like nang agaw ako or something. Pinatatag lang ng iba ko pang kaibigan loob ko. Bakit? Kasi ngayon lang daw na inlove si Jeff kaya ingatan ko daw.

Days passed at mas nagiging magulo lahat. Working student ako. Sa robinson malabon promo girl ako. Ganito ang set up ihahatid ko nung ex ko tapos ang susundo sakin si Jeff. Muntik pa nga sila magpangabutan.

Alam ko naging masama ko sa ex ko. Na lagi na lang akong ganun sakanya. Di ko sya pinapahalagahan.

Month later naging okay na si sheen. Magkaibigan na ulit kami. Walang pastikan at mas naging close pa. Mabait naman yun sadyang nadala lang ng emosyon. Kami naman ni Jeff okay naman. Ihahatid nya ko sa bahay after school. Minsan susunduin nya naman ako pag mga bandang hapon na klase namin.

Nililigawan pa lang ako ni Jeff but we kissed. Ewan ko. Bago sa pakiramdam ko. At dun ko nararamdaman yung attachment ko sakanya. Then one time sa sobrang pagkalito ko sa mga nangyayari I decided na tumigil na lang sya. And he did.

May pagka abnormal nga talaga mga babae. Tinawagan ko sya nun at umiiyak na bakit okay lang sakanya na mawala ako pero nakipagbati din naman sya. Nag sorry. Di naman daw sya titigil. Maging okay na daw kami. Okay naman sakin kasi di ko kaya ng ganun sya sakin.

Pero ang pinakamahirap na part pala is yung araw araw mo iniisip na pinilit ko lang lahat to. Okay kami ni Jeff. Sweet. Mabait talaga sya. Napaka gentleman. Pero tuwing naaalala ko na tumawag ako sakanya na umiiyak at nakikipag ayos nasasaktan ako.

Napaka attention seeker ko siguro. Ayoko ng tinutulugan nya ko or di pinapansin kasi nararamdaman ko lang ulit na ako lang nagpupumilit nito. Lagi din naman nya yun ginagawa. Last na ginawa nya yun bnlock ko sya. Tinatawagan nya ko pero d ko sinasagot pero isang beses lang yon. Inunblock ko sya kasi nag aalala ko na baka may nangyari sknya bakit di na sya tumawag ulit after 11 hours. Yun pala, sadyang di lang talaga nya ko kinokontak. Kasi nakikita ko naman na 15mins ago na active sya it means di talaga nya ko kinakausap.

Karma ko siguro to. Tinake for granted ko yung taong nagmahal sakin sa kabila ng lahat. Bakit "I dont know" pamagat kasi di ko alam ano gagawin ko. Di ko alam bat nagka ganto ko. Gusto ko bumalik sa dating ako na matapang. But for this time isa lang sigurado ko never ko na ulit pipilitin ang tao bigyan ako ng oras nya. Kasi kung mahalaga ka di ka naman na papabayaan.

I Dont KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon