The Final Kembot 55

9.3K 346 15
                                    


•July's Point-of-View 💔


Nanlaki ang mata ni Harry sa gulat gayundin si Quinnie sa biglaan kong pagsugod.

"Ang sama nyo! Napakasama nyo!" Umiiyak na saad ko sa kanila. "Hindi ko lubos maisip Harry na magagawa mo to sa akin! Ganyan kana ba talaga kadesperado para mahalin kita?!" Pagbaling ko kay Harry at binigyan ko ulit sya ng malakas na sampal.

"Jul, Babe. Magpapaliwanag ako" Naiiyak na saad ni Harry habang pilit nya akong niyayakap pero tinutulak ko lang sya palayo.

"No Harry! Sapat na ang mga narinig ko, I don't need your explanation dahil mas malinaw pa sa sikat ng araw na plinano nyo lang lahat ng to!" Bulyaw ko sa kanya habang patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko.

"Babe please! Mahal kita, I love you that's why I did that." Aniya at pilit nya pa din akong niyayakap pero patuloy ko pa din syang tinutulak palayo.

"Now we're in the same situation." Rinig kong sabi ni Quinnie sabay ngiti. Tinignan sya ni Harry ng sobrang talim.

"Fvck you Bitch!" Bulyaw ni Harry kay Quinnie at binigyan nya ito ng malakas na sampal dahilan para masubsub si Quinnie sa buhanginan.

Nagulat ako sa ginawa nyang yun, kaya nyang manakit ng babae!

Nakaramdam ako ng awa kay Quinnie, nakita kong nagdudugo ang labi nya. Kaya nilapitan ko sya at inalalayan ko syang tumayo.

"What are you doing huh? Diba galit ka sa akin? Why are helping me?" Tanong ni Quinnie sa lasing na boses sabay tawa nya ng malakas.

Hindi ako nakasagot sa tanong nya dahil bigla nalang hinablot ni Harry ang braso ko ng sobrang higpit.

Kinaladkad nya ako patungo sa lugar kung saan nakaparada ang kotse nya.

"Harry bitiwan mo ako!" Bulyaw ko sa kanya dahil nasasaktan na ako sa pangangaladkad nya.

"Please Babe, huwag ka nang magalit sa akin. Mahal na mahal lang talaga kita kaya nagawa ko yun." Aniya habang mahigpit pa din syang nakahawak sa braso ko. "When I found out na mahal mo si Dheo, it really breaks my heart, kaya nawalan na ko ng choice kundi hinggin ang tulong ni Quinnie. Babe sana maintindihan mo yun. I really badly love you, kaya ko yun nagawa." Dagdag nya pa.

Buong pwersa kong kinuha ang braso ko kay Harry at nagtagumpay akong makawala sa mahigpit nyang pagkakahawak.

"Dahil sa ginawa mo Harry, imbis na mahalin kita, alam mo ba ang nararamdaman ko sayo ngayon?" Saad ko sabay tingin ng sobrang talim sa kanyang mga mata. "GALIT! PAGKAMUHI! INIS! Na bubuwisit ako sayo! Ang sama mo! Dahil sayo nasaktan ko si Dheo! Nasaktan ko ang taong mahal ko! You don't deserve to be my boyfriend! Tinatapos ko na kung ano man ang meron tayo ngayon, dahil isa lang itong malaking PAGKAKAMALI! Napakalaki kong tanga dahil ikaw ang pinili ko! Napakalaki kong tanga dahil nagpadala ako sa mga plano nyo!--- Babalikan ko ang taong mahal ko!" Galaiti ko sabay takbo ng mabilis palayo kay Harry, unti-unti muling tumulo ang luha sa aking mga mata.

"Babe!" Rinig kong sigaw ni Harry habang hinahabol nya ako, kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo hanggang sa tuluyan na nga akong nakalayo sa kanya.

Habang tumatakbo ako ay biglang nag-ring ang phone ko, pagtingin ko sa screen nakita kong si Tory ang tumatawag.

Hindi ko kabisado ang lugar na to, hindi ko alam ang sakayan pabalik, kailangan ko ng tulong.

Kaya sinagot ko ang tawag ni Tory.

"Hello Bessss! Mygaad! Kamusta date nyo ni Harry?!" Masayang bungad sa akin ni Tory pagkasagot ko sa tawag nya.

The Guy Who Never Noticed MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon