1 Year ago

31 2 2
                                    

C E L E S T I N E

Ring...Ring...Ring
Tumunog na ang bell which indicates na lunch time na. Bumaba na kami ng kaibigan kong si Jill papuntang canteen. Ang daming tao dito, plus ang init pa. Buti na lang nakahanap agad kami ni Jill ng mauupuan. Magkaibigan pala kami ni Jill since k2, ang tatag namin noh? Well ganyan talaga pag classmate din kayo since k2, and that people is how you keep your friendship longer.

"Saan pala si Leigh at Ianne?"tanong ko kay Jill na napapansin kong panay tingin sa paligid. May hinihintay tong magandang ito eh.

"Si Leigh may kailangan gawin, alam mo na president ng SSG kaya sinamahan na lang siya ni Ianne para may libangan din paminsan-minsan, kaya ganun. "Sagot ni Jill na patuloy parin sa pagtingin sa paligid.

"Ah ganun ba? E ikaw anong ginagawa mo? Kanina ka pa panay tingin sa paligid ah." sabi ko habang nakatingin sa kanya ng matilim.

"Eh kasi Tine sasabay si Raz sa atin kumain ngayon. Sabi niya nandito na daw siya sa canteen pero di ko pa kita eh" sabi niya sabay tingin sa cellphone. Ganun pala, sa mga hindi po nakakaalam,ako po ang pambansang third wheel dito. Si Raz pala ay ka fling niya pero kung itabi niyo silang dalawa aba't tinalo pa ang magsyota sa kasweetan. Ang awkward nga eh, hindi man lang nila binibigyan ng importansya ang presense ko. Ang sakit pero syempre joke lang.

"Baka wala pa talaga yun dito at sinasabi lang nandito na para hindi ka magalit. Tsk tsk liar." biro ko kay Jill

"Heh! FYI hindi siya ganun. Bumili ka na nga lang ng pagkain mo." sabi niya sabay inisa ang kanyang kilay

"Pftt.. Hahahaha ang pikon mo hahahaha" tumayo na ako at pumunta sa mga pagkain. My lovelies. Ang haba-haba ng pila, nagugutom na ako, baka makain ko tong mga taong to pag di sila magmamadali, at baka tong mga nasa likuran ko makain ko din ang iingangay eh, sa tingin ko mga lower year tong mga to.

"Omg girls ang gwapo ng nasa unahan hehe. Pahiram ng phone pipicturan ko, dali! Omg ang gwapo" bulong ng satingin ko ay bakla na nasa likuran ko. Aba aba aba, ang lalandi ng mga to! Kainin ko kayo eh hmp! Well dahil curious din ang lola niyo kaya't ayon tumingin din ako sa unahan pero wala na man akong nakita ang ganda kasi ng likuran ng lalaki na nasa harapan ko. Ang ganda! Ang tangkad ng kuya niyo, at ang haba ng buhok pero hindi yung subrang haba, yung parang sa anime or yung sa mga korean, mga ganun. Well, dahil hindi ko makita hindi ko na lang pinilit basta ang gutom ko na yun ang importante, kaya't tumingin ako sa ibaba para maghintay pag ako na.

"Omg! Omg! Omg! Ang ganda ng smile girls tignan niyo!" remember pabulong pa din itong sinasabi ng bakla.

"Hala ka! Omg, I think I like him na. Omg hehehe" bulong nung isang babae na kasama ni bakla. Ay, ang OA lang? Like agad eh hindi panga talaga kilala, like agad? Ganern?

"Hey! He's mine hehehe" aba ang landi! Argh, sino ba kasi yang tinutukoy nila. Na cu-curios na talaga ako dito, kaya't tinignan ko ulit ang unahan ko pero kahit anong silip ko, bigo pa din ang lola niyo. Wag na lang nating pilitin people, because when we force something at the very end we'll be the one who'll get hurt. Char ng lola niyo. Ang priority ko ngayun ay ang pagkain kaya nagfocus ako sa paraang nakatingin na naman ako sa ibaba at nagreremained sa sarili ko na "Patience is a virtue" pero ang mga kaibigan natin sa likuran hala aba at nagtutulakan.

"Omg, girl girl girl! Tumingin siya sakin girl! O-M-G" bumubulong pa din si bakla habang tinutulak ang babae niyang kasama na ngayon ay nasa likuran ko na. Ang grabe oh, di na nahiya at nadadamay ako sa pagtulak niya sa kasama niya.

When I See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon