Shannaia's POV
Pagmulat palang ng mata ko, si Alex kaagad ang nakita ko. Shit? Ano 'to panaginip? Atsaka... Bakit siya nasa kwarto ko?
Dalidali akong tumayo at itinulak siya papalabas ng kwarto ko. "Bakit ka nandito?" Tanong ko. Tumawa naman siya na parang wala lang.
"Yung malandi kong bestfriend, which is ang kuya mo... Sinabi saakin na magdedate sila ng kapatid ko, which is bestfriend mo. Kaya nandito ako kasi naka dayoff ang yaya niyo at ako ang magiging Yaya mo. " sambit niya. Tsaka biglang sumimangot ang mukha.
Nakakainis naman 'to si Kuya! Pinagpalit ako sa crush niya! Grabe huh!
"Hindi kita kailangan! Kaya ko ang sarili ko!" Sambit ko. Tsaka bumalik papasok sa kwarto ko.
Grabe, kakamulat palang ng mata ko stress kaagad!
"Okay! Uuwi na ako!" Sigaw niya.
"Sige! Bahala ka!" Sigaw ko pabalik.
Bigla namang sumakit ang tiyan ko, gusto ko na mag almusal. Bumaba ako ng kitchen at napansin kong walang kanin at ulam.
Paano yan hindi ako marunong mag luto?
Wait... Kakaalis palang naman ni Alex eh.
Bigla akong lumabas ng bahay at hinabol si Alex.
Ayun! Ayun siya!
"Aleeeexxxx!!!!" Sigaw ko. Hindi padin siya lumilingon.
"Alex!!!!" Sigaw ko ulit.
"Aaaaaahhhh!!! Araaayy!!!!" Sigaw ko. Lumingon naman siya at tumakbo papunta saakin.
Ang sakit ng puson ko. Shit!!!!
"Anong nangyare? " nagaalalang tanong ni Alex.
"Ang sakit ng tiyan ko!" Sambit ko na halos maluha na.
Itinayo niya ako at napalayo siya.
"Ano ba yan Shannaia! May dugo yung pajama mo!" Sigaw niya.
What the heck nakakahiya.
Napaupo ulit ako sa sakit ng puson ko. Nakakainis at ngayon pa ako dinapuan ng period! Huhuhu.