Gusto ko akin ka lang

407 8 1
                                    

Ang sarap sa feeling pag mahal ka rin ng taong mahal mo diba? Parang, lagi kang mapapangiti t'wing maalala mong mahal ka rin nya. Tapos pag kasama ko sya parang walang pwedeng manakit sakin, ganern!

---

Ma. Ligaya Nuñez nga pala, cute diba? Joy para mas maganda. Hehez~ nako mag-k'kwento nalang ako.

May Crush kasi ako, una ko syang nakita malapit sa canteen namin kasama yung kaibigan ko sa room. Eh, ang gentle kaya nya kahit sa kaibigan nya ganun sya.

One time meron kaming Dance Practice kasama yung kaibigan ko na kaibigan nya rin. Kaya naman OMG! KASAMA SYA! Kaya ako eto hindi makasayaw ng ayos. Nakatingin kasi sya samin? sakin? Ahe~ asyumera diba? Bakit ba feeling ko sakin eh.

"Hindi marinig yung sound" sabi ng classmate ko sa choreo namin. "Teka pahawak natin sa iba para marinig nyo. Sino ba pwede?" Naghahanap palang yung mata ko na pwedeng maghawak pero nagprisinta na to. "Akin na ako nalang." Sabi ni Aeronbabes. Kulang nalang mamatay na ko dito sa kadahilanang nakalimutan huminga, ohmygod! Pinagpapawisan ako lalo, pano ba naman nasa harap ko sya as in tapat ko. Eh nasa unahan nya kaya ko. Tss nakatingin pa sya sakin, as in! Nilulusaw nya ko, tsaka ehe eng gwepe nye. Infairness.

Nung araw nayon talagang crush ko na sya. At simula non at paglipas ng one week abay bongga ang lola mo. Friends na kami! Sya pa yung nag offer. Syempre ako tanggap lang. Opportunity nayon teh! Malay mo makaramdam sya ng sparks sakin tas ligawan nya ko syempre ako oo agad diba? Mamaya pag nagpabebe ako mawala pa. :3 dejk.

Langya nababaliw na ko dito! Kinakausap ko na sarili ko oh!

Teka? Si Aeron ba yun? Shet! </3 sira na puso ko. May kalandian syang ibang girl, taksil ka aeron! Kala ko ba ako lang? Break na tayo! Kahit hindi naging tayo.

Kasi naman joy! Aasa-asa kapang pwedeng maging kayo, oh? Ano ka ngayon? Nganga? Tss

Umuwi ako sa bahay na parang binaksakan ng langit at lupa at saktong nagmessage sakin si ano.

From: Aeronbabes❤
Hi!

Wow ah? PaHi-Hi pa.

To: Aeronbabes❤
Yes?

Mapalitan nga tong name nya sa phone ko. Lalo kasi akong nasasaktan nung nakita ko silang magkasama nung girlalu.

Aeronbabes❤ To Mr. Paasa😒

From: Mr. Paasa😒
     Ahmm. Meet tayo bukas? Sa coffee shop malapit sa school?

Sus. Meet mo your face.

To: Mr. Paasa😒
       Ok

SHEEEET! Tumatawag sya.

A: Yes?
S: May problema ba?
A: Meron
S: Ano?
A: I mean wala.
S: Eh bakit puro one word lang reply mo?
A: Eh kasi diba may ------

GADDD! "ano bayan! Bat ngayon kapa nalowbat -.-"bahala na nga

*Kinabukasan*

Wow ah? Ako yung babae pero ako yung nag-iintay.

Pero baka naman napa-aga lang ako. Kasi naman hindi sinabi kung anong oras. Tapos pisting cellphone nagpaiwan pa sa bahay.

Teka? Is that Jerome? OMO!

"Jerome!" Sigaw ko sa labas ng coffee shop. Bigla naman syang lumingon at kumaway naman ako at sinenyasang pumunta rito.

"Oh Joy. Bat ka nandito mag isa?" Tanong nya. Nakita nya kasi akong mag-isa dito sa coffee shop eh. "Wala lang." Sagot ko.  "Wag tayo dito baka magkasakit ako lalo eh." Sabi nya at tumawa sya ng mahina. "Bakit?" Tanong ko, di ko gets eh. "Coffee kasi diba? Lam na." Ahh. oky oky. Allergic kasi sya sa coffee eh. Hahaha yung Ex nya kasi mahilig dun. Bitter kasi ang lolo mo.

Aeron's POV

   SHEEET! Kanina pa ko nandito bat wala parin sya. May galit ba talaga sakin yun? ughh~ kagabi nung kausap ko sya. May naffeel talaga akong galit eh.

"Kung kailan magtatapat na ko tsaka pa sya wala."

Pumunta muna ako sa park para magpahinga. May nakita akong babaeng pamilyar.

Tek- S-si Joy? May kasamang lalaki? At ang saya saya pa nilang mag-usap ha.

Tinext ko si Joy na nandito ako para lumapit sya sakin. Kasi nagseselos akong makita silang magkasama.

Pero mukhang hindi effective, hindi man lang nya hinawakan o tinignan yung phone nya. Ano yun naka Silent?

Naiinis ako. Gusto ko syang lapitan. Ugh!~

"Hi Joy." Dahil di ko na kaya. Lumapit na ko kay joy at nginitian sya.

"Oh Aeron!" Sabi ni joy "Coffee?" Pag-aalok ko. "Sige joy. Alis na ko." Sabi nung lalaki at umalis. Buti naman.

Umupo ako sa swing. "Kala ko ba coffee?" Sabi nya. "Naiinis ako." Sabi ko at nakita kong nagtataka sya. "Bakit? Saan?" Pagtatanong nya. "Sa lalaking kasama mo." Sagot ko. "Ano namang meron sa kanya?" Tanong nya. "Manhid ka ba talaga?" Mahinahong tanong ko sa kanya. "Ako namamanhid? Grabe ka naman!" Sabi nya sabay hampas sakin "pasmado lang." Dugtong nya sabay simangot pero ngumiti din sya agad.

Ang hirap lang talaga magsabi ng nakaka awkward na words eh. Tignan nyo naman sinabi nya diba?

"Joy. Gusto kasi kita!" Pag amin ko sa kanya. Nakita ko naman na nagulat sya sa sinabi ko. Pero nag iba ang awra nya.

"Wow ah? utot mo! Gusto daw pero kahapon lang may kasama kang babae. Kung maglandian kayo sa public wagas? Wow talaga. Tas sasabihin mo gusto mo ko? Gusto mo your face!" Pagkasabi nya nun. Di na sya nagsalita ulit kaya naman..

Tss. Nagseselos ka pala ha

"Ano ba Joy! Ano bang pinagseselos mo dyan. Pinsan kong galing probinsya yun! At talagang close lang kami. Landian na agad? Eh, ikaw nga alam mong may meet up tayo pero sumasama ka don! Di mo man lang ako tinext o ano man."

"He! Kahit na! Kaibigan ko lang naman si Jerome. Wag mo nga syang idamay dito." Sabi nya

"Sus. Kaibigan turing mo pero sya hindi. Yung mga hawak nya sa braso at kamay mo iba na yun sa kanya. Lalaki ako kaya alam ko na galawan nya."

"Bat ba ganyan ka magsalita sa kanya." Tanong nya.

"Kasi ito na sana yung araw na magtatapat at manliligaw ako sayo. Pero walang nangyare."

"H-ha? Bakit mo ko liligawan?"

"Kasi gusto ko Akin ka lang."

Katahimikan...

"Kasi gusto ko ako lang kasama mo sa lahat ng bagay na gagawin mo. Masaya man o hindi. Gusto ko kasi sakin ka nagsasabi ng problema mo. Gusto ko ako lang hahawak ng kamay mo, aalalay sayo. Higit sa lahat Gusto ko ikaw ang makasama ko hanggang sa pagtanda ko. Corny man pakinggan pero totoo lahat yun. Kaya kung papayagan mo ko, pwede bang manligaw sayo?"

Sa wakas nasabi ko rin ang gusto kong sabihin.

Sagot nya nalang ang hihintayin ko.

"Yes."

END

Gusto ko, Akin ka lang ♢ ONE SHOT ♢Where stories live. Discover now