False Alarm
by: MsDarkPoet
***
N1.. N2.. N3.. CIT1..
'Asan na ba kasi'y room A1 na yun?'
Kanina pa 'ko lakad ng lakad dito sa hallway ng school namin. Hindi ko kasi makita yung room na 'yun.
Lakad.Lakad.Lakad.
"Aray! Excuse me po." sabi ko. Biglang may gumitgit sa akin. Naktokwa! Bakit ba biglang naging siksikan dito.
"Excuse po." pag-uulit ko pero wala pa ding pumapansin sa akin. Sobrang nagsisiksikan na. May pila ba ng relief dito? Grabe naman. Ang init. Ang lagkit. Amoy digmaan. Na absorb ko na yata lahat ng pawis nitong katabi ko eh. Eewww.
Sa sobrang pagsisiksikan ng mga dimuho na ito ay wala na 'kong nagawa kundi ang
manghawi. Malapit na 'kong makalabas dito sa siksikan na ito pero bigla na lang may tumulak mula sa likod ko at.. at.. at..
"KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINGGG!!!!" nasubsob yung mukha ko sa.. sa.. SA PINDUTAN NG FIRE ALARM?! OMG. Nagkakagulo na ngayon yung mga tao sa paligid. Puro kahog na kahog. Takbo doon. Takbo dito. Napaupo naman ako habang hinihimas ang mukha kong nasubsob sa fire alarm. Aray ku po. T^T
Nagulat naman ako ng may biglang sumulpot na lalaki sa harap ko at binasag ang salamin ng fire extinguisher.
"ASAN ANG SUNOG? ASAN? ASAN?!!!" sigaw ng lalaking nasa harap ko habang hawak-hawak ang fire extinguisher at hinahanap kung saan naroroon yung sunog.
"Tanga! Walang sunog!" sigaw ko sa kanya. Mukha na siyang timang dun na naghahanap ng sunog. Sukat sumilip ba naman sa loob ng CR at doon naghanap ng nasusunog. Bigla naman siyang napatingin sa banda ko. Gulat na gulat. Hindi ata ako napansin kanina dahil tarantang-taranta.
***
"Mr. Gerwin Makapandan, bakit mo binasag ang lalagyan ng fire extinguisher?!" galit na sigaw ng Guidance Counsilor namin. Matapos kasi mangyari yung FALSE ALARM kanina na may sunog ay may nakakitang janitor sa amin. Kaya eto kami ngayon sa Guidance Office at iniinterogate ng matandang guidance counsilor.
"Eh ma'm nagpanic lang po kasi 'ko kasi akala ko may sunog. Tumunog ho kasi yung fire alarm eh." sabi nitong Gerwin na Dean's lister pala at tumingin sa akin ng masama.
"At ikaw Ms. Maria Arlyn Formaran." sabi ni tanda sabay tingin sa akin habang lumalaki-laki pa ang butas ng ilong. "Bakit mo pinindot ang fire alarm?!" galit na tanong nito sa akin.
"Eh ma'm correction po. Hindi ko ho pinindot. Nasubsob po yung mukha ko ho doon sa fire alarm kaya ho hindi ho sinasadyang mapindot at tumunog." paliwanag ko dito. Aba! Totoo naman eh. Sa katunayan ako pa agrabyado dito dahil ang ubod ng ganda kong mukha ang nasaktan. Hmp.
"Kahit na. May kasalanan pa din kayo. Kaya kailangan niyong harapin ang consiquences niyo. Magcocommunity service kayo ng isang buwan tuwing pagkatapos ng klase niyo."
"Pero ma-"
"No buts! Etiendes?"
"Okay po." sabay naming sagot ni Gerwin.
***
"Ano ba 'yan! Haggardness!"
"Wag ka ngang mag inarte dyan! Kasalanan mo 'to eh. Tatanga-tanga ka kasi. Sa dinami-daming pwedeng paglanding-an ng mukha mo sa fire alarm pa."
Unang araw namin ngayon ng community service. Katatapos lang naming maglinis ng CR at ngayon naman ay nandito kami sa mini park ng school at nagwawalis.
BINABASA MO ANG
FALSE ALARM [one-shot]
HumorBABALA: SIGURADUHIN PO LAMANG NA MAY HAWAK KANG PANYO(PERO MAS MAGANDA SIGURO KUNG KUMOT?) KAPAG BABASAHIN MO ITO. VERY TOUCHING STORY. :((