The New Face of a Nerd (MNP Book II)

2.7K 65 17
                                    

Title: The New Face of a Nerd (MNP Book II)

Date started: 11/14/13

Date finished: ----

Chapters: ---

Written by: Chammychuu

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Prologue:

"Wooooh!" hiyaw ko habang nakaharap sa salamin.

"Eto na yon. You've changed now Nerie and I know you can do it. Ganbatte ne Nerie-chan!" kausap ko sa sarili ko.

I know muka na akong baliw, siraulo, weirdo or whatever you think I look like. Well, nagpapatanggal lang po ako ng kaba!!

Pano ba naman kasi ito yung first day ko ulit sa Philippines simula nung alam nyo na, yung nangyari sa amin ni Nikko tas first day ko din to as a college student.

Alam kong malaki na ang pinagbago ko. Halos hindi mo na nga ako makikilala kung sakaling magkasalubong tayo sa daan.

Wala na ang dating duwag at inaaping si Anne.

Wala na din yung nerd at takot ipaalam kung sino ba talaga sya.

Miski sa physical na itsura nagbago na din ako. Yung dati kong mahabang buhok ngayon above the shoulder na lang. Contact lense na din ang gamit ko sa halip na malalaki at makakapal na salamin. May kulay na din ang muka ko dahil alam nyo na, medyo natuto na kasi akong maglagay ng lip balm. Ssssh lang kayo ha? *wink*

Oh well, ayoko namang magyabang kaya hindi ko na idedescribe kung ano ba itsura ko basta kung ano na lang ayos ko yung sinabi ko para may ideya kayo kahit papaano.

Sila kaya, madami din kaya sa kanilang nagbago?

Si Nikko kaya, kilala nya pa kaya ako o kinalimutan na nya ako?

Aysshh!! Ano ba yan Nerie. Don't allow your weakness to rule your heart. You've learned a lot and now I'm sure you can face them with a straight face.

Tama na nga ang drama, makapunta na nga sa school at baka malate pa ako.

Bumaba na ako sa condo na tinitirahan ko. Mag-isa lang ako dito pero ayos lang dahil 10 minutes lang ang byahe simula dito papunta sa school.

I get my keys and head to my car.

This is one of the things I learned in states; to drive car.

Pagdating ko sa school pinark ko na yung sasakyan ko. Sinuot ko na din yung aviator glasses ko tsaka lumabas ng sasakyan.

Ramdam ko ang tinginan ng tao nung bumaba ako pero napangiti ako.

Dahil alam ko na hindi na katulad nuon na kaya sila nakatingin ay dahil isa akong 'nerd' at 'weirdo'.

Taas noo akong naglakad papunta sa building na makikita ang room na kung saan makikilala ko ang mga bago kong kaklase, sa HRIM department.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng classroom.

Ito na talaga ang bagong simula, ang pagbabalik ni Anne Marie Reyes.

Susubaybayan mo ba ulit ang bawat kabanata ng buhay ko?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Comment? Reaction? Vote? Become a fan?

Should I continue this? :D

The New Face of the Nerd (MNP Book II) ON HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon