Chapter six

839 50 5
                                    

06. Moment ~

Badtrip!!

Nakalimutan ko yung wallet ko. Nalate na naman kasi ako ng gising kaya nagmamadali akong pumasok kanina. Hindi pa naman ako nagbreakfast. Gutom na ako. Huhu

Mag-isa lang ako dito sa rooftop ng HRIM department. Sabi ko kasi kay Nia masakit ulo ko. Nagpupumilit pa nga na sasamahan daw ako sa clinic eh sabi ko ako na lang.

Nahihiya kasi ako sa kanyang sabihin na wala akong dalang pera. Alam ko kasi hindi nagdadala ng extrang pera yon kaya ayaw ko na siyang abalahin pa.

Kinuha ko na lang ung cellphone ko ng maisipan kong itext si Arth. Wala nga din pala silang klase ng ganitong oras kaya sa kanya na lang ako mangungutang. Di ko na kaya eh, gutom na talaga ako.

-----------

To: Arth

Hey, can I ask a favor?

-----------

Sana magreply..

-----------

From: Arth

Anything for my twin.

-----------

Ang lantod forever ng kambal ko. Sheez

-----------

To: Arth

Can you buy me foods? I forgot my wallet in my condo. Pretty please kuya? *insert puppy eyes here*

-----------

-----------

From: Arth

Iyon lang ba? Sure. Just text me where you are now."

-----------

Yes! Makakakain na din ako. Kanina pa tumutunog yung tiyan ko.

------------

To: Arth

Thanks bro! Nasa rooftop ako ng HRIM building. Ingat ka papunta dito! :*

------------

Yiiii, dahil kay Arth gumanda mood ko. Ganyan talaga ako kapag masaya, ang sweet ko kay Arth. Haha

Maya-maya lang may narinig na akong nagbukas ng pinto papunta dito sa rooftop. Ang bilis naman talaga ni Arth, ayaw na ayaw kasi nun na ginugutom ako. Ahaha

"You're so fast Arth." bungad ko sa dumating pero nung tiningala ko kung sino siya ay nagulat ako.

"NIKKO?!"

"Tsk, ganyan ba ang ibubungad mo sa akin pagkatapos kong takbuhin simula engineering department papunta sa building nyo?" iritadong tanong nya.

Medyo gulo-gulo nga yung buhok ni Nikko. Halata din ang paghabol nya sa hininga niya at yung butil-butil na pawis nya. Nakunsensya naman daw tuloy ako dahil sa pagsigaw ko sa kanya.

"Hindi pa din nawawala yung hobby mo na titigan ako. *smirk*"

"A-asa! Nagulat lang ako kasi akala ko si Arth yung pupunta kasi siya yung tinext ko." Iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Shoot! Back to your sense Nerie!

"Sabi mo eh. Oh, kumain ka na. Sabi ni Arth gutom na gutom ka na daw kaya ubusin mo lahat ng binili ko." utos nya sa akin sabay inaayos na yung napakadaming food na binili nya.

"That jerk! Hindi ako gutom no." pagkakaila ko. Nakakahiya naman kasi yung sinabi ni Arth. Para tuloy akong patay gutom. Waaa, nakakahiya kay Nikko.

"krooooooog"

"Deny pa kasi eh. Oh dali na! O baka gusto mo pang subuan pa kita? *giggle*"

Shit! Ang hilig akong pagtripan ng lalaking to. Kainis!

"Kakain na po Mr. Arogant." sabi ko na lang ng may naiinis na boses.

"I missed that." mahina lang pero dinig na dinig ko yung sinabi ni Nikko.

Napatingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa langit.

Nakaupo nga pala kami ngayon. Nasa harap ko yung mga pagkain habang nakaupo si Nikko sa kabilang side ng mga pagkain. Magkatapat din kami. Nakapagitan yung mga pagkain sa aming dalawa.

"Anne, hindi ka mabubusog kapag ako yung tinitigan mo at hindi mo ginalaw yang pagkain na binili ko. Alam ko namang miss mo na ako pero eat first before drooling at me." Napaiwas na naman ako ng tingin at sinimulan ng kumain. Narinig ko pa syang tumawa. Errr, kainis talaga siya!

"Asa naman sayo! Sino kayang makaka-miss sa isang aroganteng katulad mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi naman na siya sumagot kaya kumain na lang ako.

:"> 

 ----------------------------------------------------------------------------------

 UD po for you guys kahit stress much sa school~ haha

Don't forget to click the Vote button, add a Comment, be a Fan and Recommend this story!

Nakadepende nga po pala sa inyo kung kelan ang magiging next UD kaya nako. haha, sorry kung demending! haha, mwah :*

The New Face of the Nerd (MNP Book II) ON HOLD!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon