Kath's Pov
Nang nakapasok si Niel sa classroom, umupo ako sa gilid ng hallway at patuloy na umiiyak. "bakit ganun? Palagi nalang bang ganito? Minamalas? Inaapi? Nasasaktan? Kailan pa ba niya ako mamahalin? Kailangan ko pa bang maghintay ng matagal para lang makatanggap ng pagmamahal niya? Ginagawa ko naman ang lahat, nagbubuti sa pag aaral, nagiging mabait sa kanya, pero bakit palagi nalang ako ang niyayakap ng kamalasan? Hindi pa ba sapat ito?? Inisip ko.
Makalipas ang ilang minuto, nakaupo parin ako sa gilid ng hallway. Iniisip ko kung tutuloy pa ba ako sa pagpasok ngayon. Hindi na siguro, tutal makakasira lang naman ako ng araw ni Niel. Inayos ko na ang sarili ko at naglakad papunta sa classroom, pagpasok ko walang tao.. Tumingin ako sa relo ko, "ay, recess time na pala.." inisip ko, "ganun pala ako katagal nakaupo sa hallway."
Hinanap ko ang upuan ko at kinuha ang mga gamit ko at dumiretso sa principal's office. Pagkarating ko sa office nakasalubong ko agad ang principal, "Ay, goodmorning po Sr. Rommel.." sinabi ko habang nagpapanggap na hindi umiyak.
"Oh, what's the problem? Are you ok? You look like you cried." Sabi ni Sr. Rommel
"ay, ok lang po ako sr. medyo napuyat lang po kagabi. Umm, may sasabihin lang po sana ako sainyo.." Sinabi ko habang nagpapakainosente.
"Yes iha?" Sinabi niya
"Magpaparequest po sana ako ng excuse letter.. Umm, n-nagkasakit po kasi yung nanay ko at hindi na bumabangon sa kama..." Pagsisinungaling ko.
"Naku iha, negative.. I'm sorry pero we will need a letter from your parents for us to be sure na you are going home for a valid reason." Sinabi ni Sr.
"ah, ok sige po.. salamat.. :)" Sinabi ko habang nagpapanggap na ok lang saakin.
*RINGGG* Tunog ng bell na nagsasabing tapos na ang recess time.
"Naku Sr, mauna na po ako, kailangan ko pa po bumalik sa klase.. Salamat po! :)" sinabi ko habang nagmamadali, medyo malayo kasi ang principal's office sa classroom namin..
"walang anuman iha.. :)" Sinabi niya
Habang papunta ako sa classroom namin, pagod na pagod na ako at pawis na pawis.. "Naku, masungit pa naman ang kasunod na teacher, patay.." Inisip ko habang nagaalala.
Sa sobrang pagmamadali hindi ko namalayan na hindi pala ako nakatingin sa daan.. "ARAY!!" Sigaw ko dahil may nakabangga ako. Nadapa ako sa sobrang lakas ng pagtama..
"Ay, ms pasensya na. Hindi ko sinasadya.." Sinabi nung lalaking nakabangga saakin.
Nung nakatayo ako, nagpagpag ng damit at sinabi, "ok lang, hindi kasi ako nakatingin sa daan, pasensya na din.. :)"Paghihingi ko ng tawad.
"Ahh, ms, ok ka lang ba? Mukhang umiyak ka yata, hindi naman dahil nadapa ka diba?" Sinabi niya
"Ahh, napansin mo pala, wala yun.. Puyat lang :)" Pagdepensa ko.
"Ahhh.. By the way, the name's Dominique, you can call me Dom.. :)" Pagpapakilala niya.
"Nice to meet you, Dom... Kath nga pala.. ;)" sabi ko
"Nice to meet you too.. Kath." Sinabi niya
"ah, nga pala, mauna na ako. Malalate na ako sa klase ko.. see you later nalang, dom :)" Pagpapaalam ko.
"Sige, bye! Kita tayo ha! Dito sa hallway!" Sigaw niya dahil malayo-layo na rin ako..
"O sige bye!! See you!!" sigaw ko.
Nakarating na ako sa classroom, pero bago ako pumasok sinilip ko muna yung loob.. "Hala, nandun na yung teacher.. Patay.." Pagaalala ko
Nag sign of the cross nalang ako at pumasok sa loob.. Pagkapasok ko sa loob, napatingin na kaagad ang teacher at yung mga classmates ko.
BINABASA MO ANG
I'll Be (A KathNiel fan fic)
Fanfiction"Bakit ngayon lang dumating ang tadhana kung kailan iniiwasan ko na?"