Writing Tips of an Amateur

4.6K 220 43
                                    

1-

Writing Tips of an Amateur:

1.     For starters, huwag haharap sa MS Word agad-agad! Sayang ang kuryente kung ni pangalan ng character mo, wala ka! Ganito, kumuha ka ng papel at doon mo isulat lahat ng ideyang naisip mo. Make a story map – or even a simple bullet form list will do, at saka mo siya pagdugtong-dugtungin. Write anything under the sun that is connected with your ideas. Halimbawa ang naisip mo eh love story, isipin mo dapat may babae at lalaki dyan o kaya same gender, isulat mo yung possible things na kokonekta sa kanila.

2.    Kapag natapos mo na ‘yung number 1 at may naisip ka nang mga pangalan ng mga karakter mo: make a character profile. The basics – name, age, location, height, weight, traits and characteristics, weaknesses and strengths, job, quirks and etcetera. This will make your writing easier. May basis ka kasi, maiiwasan ang inconsistency. Slumbook-ish much? Totally.

3.    Observe. Why? Para may paghugutan ka. Kailangan mo pa rin ng papel at lapis para hindi mo makalimutan ang obserbasyon mo. Halimbawa may nakita kang nagpi-PDA sa Mcdo, take note kung paano nila ginagawa ‘yun. Malay mo magamit mo naman diba? Pero kapag may nakit akang hino-holdup sa kanto niyo, aba don’t just observe! Tumawag ka na ng pulis!

4.    Think out of the box. Don’t just research. Experiment. Kung gusto mo ng nerd sa story mo tapos hindi ka naman gano’n ay wala kang kakilalang nerdy-nerdy, why not be a nerd for a day or even a week? O kaya naman, kung working-student ang peg ng character mo, edi i-push mong maging gano’n ka rin! Baka dyan pa nakasalalay ang lovelife mo. Lol.

5.    Title. Huwag lang kasinlayo ng Quiapo at Antipolo ang title mo, okay na ‘yan. Tsaka dapat, catchy. Halimbawa: “Nang Mahulog si Sisa kay Ibarra” Dejok lang. Huwag niyo na gayahin titles ng story ko, wala akong malay noong ginawa ko mga ‘yan. Eksdi. Dapat nga wala nang example ‘tong number 5 kasi semplang ako dito. Isa pang eksdi.

6.    Kapag naman meron ka na niyan. Think about your plot na. Ito ‘yung iikutan ng kwento mo. Madalas sa plot nagkakatalo-talo ang mga manunulat lalo na kapag humahaba na ang kwento dahil nade-deviate na ang story sa plot na ginawa niya. Halimbawa ang original plot eh naka-focus sa dalawang teenager na nagtanan (teen-fiction) tapos biglang malilipat sa pagkakaroon ng lover na bading nung lalaki (boyxboy). It would be cool pero isipin mo, it won’t jive lalo na sa genre na inalok mo sa mga mambabasa.

7.    Genre. Stick to your genre. Hindi ‘nung story pero sa genre na kaya mo. Huwag mo pipilitin ang sarili mong magsulat ng romance kung horror naman talaga ang cup of tea mo. Walang masama kung susubukan pero isipin mo: magiging effective ka ba kung susubukan mo? Kung pakiramdam mo hindi, isantabi mo muna ang isiping iyan para sa ikabubuti mo. Don’t give yourself a migraine, dear. Heart, heart!

8.    Try to be original. Alam kong walang unique na plot, nagkakatalo na lang ‘yan sa twists and turns ng story. Sa conflict.

9.    Speaking of which – conflict. Importante ‘to sa kwento kagaya nang importante na may hotdogs ang spaghetti at may mani sa kare-kare. Ganyan. Pampaanghang ‘to ng kwento mo kaya dapat alam mo kung paano bibigyan ng makabuluhang problema ang karakter mo.

10.  Write formally but not stiffly. Ano’ng ibig kong sabihin? Huwag kang jejemon! 2013 na, fre. Atsaka nagsusulat ka, pinapabsa mo ito sa mga tao. Dapat na maintindihan ka nila. And please, refrain from using emoticons and spacing. Huwag abusuhin ang space bar at enter key. Mahal magpagawa ng laptop. Tsaka the effects thingy? Like *woosh!* *boom* *pffffft!* ? Huwag nang ganyan, pare. Describe it.

11.  Be brave enough to finish what you’ve started.

Hola, kaserola! Bored kasi ako tsaka ayaw kong tapusin ‘yung binabasa kong libro kasi ang ganda. Maga-update sana ako kaya lang tinamad ako. Lol. Kbye. Forgive me for this. Hearts!

Writing Tips of an AmateurTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon