I cried so much while writing this. Kris and Lulu are back in SM pero imposible na sa EXO. UB ko si Kris ever since so sobrang sakit nito sakin. Anyways, ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. No one knows the real story so.. Enjoy!
PS: I added the YouTube video para mas feel. Credits to the owner!Baekhyun
It's been, what? A week? After you left. After you left us without saying a word. We didn't even get to see you. You didn't even say your goodbye. Nagpaiwan ka nalang basta. At hindi na bumalik.
"Come on, guys. Let's just eat." Walang emosyon na sabi ni Suho Hyung. Kita ko ang pagod sa mga mata nya. We've been going through hell this week. At sya ang pinaka-apektado.
Huminga ako ng malalim saka tumungo ng mesa. Ayoko nang makipagtalo pa. Wala akong gana pero mas made-depress lang lalo si Hyung pag dumagdag pa kami sa problema nya.
"Nasaan si Tao?" He asked. Wala kaming imik. Hindi nalang din ako nagsalita dahil wala naman akong alam.
"Hyung, hayaan nalang muna natin sya. Malamang nagdaramdam pa rin yun." Sagot ni Chanyeol.
"Lahat naman tayo eh. Pero kung patuloy tayong magpapa-apekto, walang mangyayari satin!"
Nanahimik muli sa hapag. Wala nang nagsalita pa. Sinulyapan ko si Hyung. Naaawa na ako sakanya. We're all going through a lot. Pero mas apektado sya bilang leader.
Matapos ay dumiretso ako sa salla para magpahinga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako these past few days. Physically, emotionally and mentally.
"Hyung, ayos ka pa?" Agad syang umiling saka naihilamos ang palad sa kanyang mukha. Ipinatong nya yung braso nya sa mukha nya.
Tinapik ko sya sa balikat. I don't even know how to console our members. Lalo na't pati ako ay problemado. Parang kaylan lang, excited kami sa comeback namin kahit sobrang pagod kami mula sa trainings at practices. Tapos biglang ganito? Damn.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Baek." Sagot ni Minseok hyung.
Napailing ako. Nakakapang hinayang yung paghahanda ng M. Ngayon hindi sila makapag perform sa stage dahil sa pag-alis ni Kris hyung. Kung magulo ang buong EXO, mas magulo ang EXO-M. Sayang. Sayang lahat.
Nihindi ko mabura sa isip ko yung fan chant noong nag comeback kami ng Overdose. Yung mga ngiti ng fans. Yung sigla nila. Hindi ko alam kung magagawa pa ba nilang ipakita iyon matapos lumabas ng issue.
Hindi kami nakapag perform as a whole dahil nga sa hindi pagsama ni Hyung samin pagbalik mula China. Tapos after naming mag perform ay sinalubong kami ng masamang balita.
"Mukhang malabo na ang pagbalik ni Kris mula China. Nag file sya ng lawsuit against SM! He's leaving the group."
Gumuho ang mundo namin. Hindi ako makatawa. Ginusto kong magpatawa. Is he even serious?! Kasi kapag nag jo-joketime lang sya ay baka masapak ko sya sa mukha sa sobrang effective ng joke nya.
But the word 'joke' didn't come. Hindi sya tumawa. So totoo nga?
Napasandal nalang ako sa pader. Nanghihina ako kaya ako napaupo. Hindi ko mabasa ang reaction ng ibang members. Basta lahat kami tahimik.
At noong nag sink in na sa amin ang lahat, tinawag na kami sa stage para alamin ang nanalo. And we won. Wow. Nanalo pa kami. Nihindi na namin naalala na nasa Show pala kami. Hindi namin makuhang maging masaya sa pagkapanalo namin sa ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Kriseu [EXO]
FanfictionYou left us hanging. You left without saying a word. So how are we supposed to move-on? How could we ever forget you? This story has nothing to do with Dating Mr. Arrogant, alright? Resulta ito ng pagluluksa ko sa pag-alis ng Kris ng EXO (YES! DI PA...