CHAPTER 5

18 1 0
                                    

CHAPTER FIVE

Sunday na. May pasok nanaman bukas. Gusto ko pa magpahingaaa.

Naalala ko tuloy yung girl na lumapit kay Kiel kahapon sa Vikings. Siya nga kaya yung crush ni Kiel?

Di naman malabong magustuhan ni Kiel yun. Nakakalungkot lang talaga.

*flashback starts*

"Kiel? Hi!" bumeso yung girl kay Kiel. Grabe nagulat ako. As in ganito itsura ko >> O______O

"Ohhh. G-grace?! Hi!!" halatang sobrang happy ni Kiel makita yung girl. Siya nga talaga siguro. Hayyy.

"Mukhang may ka-date ka ah?" sabay tingin sakin nung girl. Naka-smile naman siya. Hindi naman mataray, well, try niya lang. Reyna yata ako ng katarayan *insert evil laugh here*

"Ahh, ahh hindi. She's my new friend, Sasa." wow! Just wow. Totoo naman sinabi ni Kiel e. Friends lang talaga kami, pero bakit parang iba yung dating? Gusto ko ng umalis ditooo! Pesteng babae naman kasi to! Wrong timing!

"Oh, okay :) Hello, Sasa. I'm Grace" nakipag shake hands siya sa akin. Kailangan di nila mahalata na naiinis ako. Eeerr!!

"Sino pala kasama mo?" Kiel asked her.

"I'm just waiting for someone. I gotta go. Tinetext na ako ng friends ko eh. Nice seeing you :) Bye Kiel, bye Sasa" nag wave lang din ako ng hand. Ginaya ko lang si Grace para di naman ako masyadong halata.

Hayyy, saklap dude!

Pagkaalis ni Grace, tahimik na kami pareho ni Kiel. Seryoso kaming kumain. Ang totoo, gusto ko siyang tanungin about dun sa babae. Ang dami kong naiisip kasi. Nakakalitang 'day!

Sinubukan ni Kiel na makipagchikahan sakin. Nabobored na siguro siya. Hayy, eh sa badtrip slash malungkot na ako eh. Ano pang magagawa ko?

Ilang beses tinry ni Kiel na makipag biruan sa akin pero wala pa rin. Gusto ko na lang umuwi at mapag-isa as of now. Durog ako kanina e. Sabi nga nila, maganda daw ako, maputi, matalino, sexy. Kaya bakit hindi na lang ako yung nagustuhan ni Kiel? Bakit iba pa nagustuhan niya? Nakakalungkot promise! -_-

"Sasa..... Wanna go home na? Tara ihahatid na kita. Parang masama ata pakiramdam mo eh. Ang tamlay mo na oh" nakaramdam din siya sa wakas!!

"Let's go. Sorry, parang lalagnatin yata ako eh. Bawi na lang ako next time" diba, nakahanap ako ng palusot. Lagnat paaaa. Hahahahaha.

"Sorry, sige leggo na. I'll buy some medicines na lang for you later." inalalayan niya ako sa pagtayo. Ang OA naman. Di naman ako lumpo no. Haha! Pero kailangan ko umacting.

Ang bango niya! Sheyie!!! Dabest! Hawak-hawak niya ako. Ang sarap naman magsakit-sakitan kapag ganito. Whahaha.

"Ui! Baka matunaw ako, sige ka. Haha" ano bang pinag-sasasabi niya? Ayos din tong lalaking to e. Di naman niya ako nakikita kasi mas nauuna siya ng konti sa akin kaya pano niya malalaman na nakatingin nga ako sakanya. Sus!

"Wag ka ngang feeling jan!" pinalo ko siya sa braso niya. Ohhh emmm. Ang tigas. Musssccccllleesss.

"Aray naman. Wag mo na ideny. Di man ako nakatingin sayo ngayon pero ramdam kong nakatitig ka sakin" nararamdaman kong tumatawa siya.

"K! Feeler mo!" di naman ako nakatingin talaga eh. Nakatitig lang! Haha! Joke lang.

Pasakay na kami ng sasakyan. Binuksan ni Mang Jun ung pinto ng sasakyan at sumakay na kami.

"Manong Jun, pakidaan po muna sa drugstore." ani ni Kiel.

Hindi ko na pinansin yung sinabi niya. Hindi kasi mawala sa isip ko yung babae kanina -___-

Ilang saglit lang, huminto muna kami dito sa Mercury drug.

"Sasa, wait here." tumango lang ako kay Kiel.

Pagbalik niya, may dala na siyang paracetamol. Hala, baka ipainom sakin, wala naman akong sakit. Hahaha. Yari, lakas ko kasi makabest actress.

"Sasa ohh" inabot ni Kiel saakin yung gamot.

"Salamat" sumagot ako pero poker face lang ako. Ang hirap talaga controlin ng mood ko kapag badmood na. Hayy.

Umandar na ulit etong sasakyan at diniretso na sa bahay namin.

Pagdating dito saamin..

"Bye. Thank you :)" pinilit kong magsmile at bumaba na ako ng sasakyan.

Bumaba din si Kiel. "Wait, don't forget to drink your meds. Okay ka lang ba talaga?" tanong niya.

"Oo naman :) ingat kayo pauwi ha. Thank you ulit!" nag-wave na ako ng hand sakanya at pumasok na ako ng bahay.

*end of flashback*

Concern naman siya saakin. Pero ayokong umasa kasi alam ko namang hindi ako ang gusto niya and he's just being nice to me. Nothing more, nothing less.

Hayy nako. Ipapahinga ko nalang talaga to. Masyado lang akong nasstress.

Papanik na muna ako sa kwarto ko.

Pagkapanik ko rito sa kwarto, kinuha ko yung fone ko sa tabi ng kama and inopen ung wifi.

Inopen ko fb ko, and as usual, hundreds ang mga requests. Wala naman din akong magawa, ichecheck ko nalang din isa-isa at baka may kakilala ako at ng mai-accept :)

Scan.. Scan.. Scan.. Stop!

"Sheyie!!!" halaaaa. Siya nga ba to? *heart beats fast*

(Kiel Guzman wants to be your friend) *ACCEPT*

"Aaaahhhhhh" grabe di ko maexplain nararamdaman ko! Inadd niya akoooooo. Yay. Hihi.

Binisita ko yung profile niya. At eto! Nalungkot lang ako bigla. Hay, nakalimutan kong may iba siyang gusto. Ang shonga ko naman talaga. Masokista ata ako, grabe.

May mga bago siyang status, about nanaman dun sa gusto niya girl. Ayoko na magbasa dito, di masaya.

Nahiga na lang ako at binitawan ko na ung fone ko. Hay ang saklap. Di pa man din naging kami, pero na broken hearted na ko sakanya. Ang lakas! Huhuhu.

*phone vibrates*

"Ay palaka!" ay ano ba yan. Bakit ba ang gugulatin ko?! Amp.

Chineck ko fone ko..

SMS FROM KIEL:

"Hi Sasa! ;)"

Sus. Wala siguro tong magawa. Ayoko magreply, ang sakit eh. Hahaha! Charot! Pero basta, distansya na.

Ayoko na mag-isip pa. Today is my rest day! I should rest, not be stressed.

All About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon