The Seeker: One

21 3 0
                                    

"Go Naia! Go Naia! Whooo!"
"We heart you Naia! Galingan mo!"
"Goodluck Naia! Queen of Water!"

Puro hiyawan ng mga kaibigan at mga kaklase ko ang naririnig ko sa mga benches. Napatawa ako ng makita ko sila Jess at London na may dalang banner at sabay na nag heart sign. Napa facepalm nalang ako sa ginawa ng dalawa.

"Naia!" Tumingin ako kay coach na sumigaw ng pangalan ko.

"Yes coach?" Ngumiti sa akin si Coach Tyra.

"Be yourself ha. Wag kalimutan ang mga sinabi ko. Okay! Goodluck."

Tumalikod si coach Tyra sa akin at pumunta sa bench ng mga coaches.

Tinawag ng announcer ang lahat ng swimmers.

I warmed up a little bago pumunta sa position ko. I looked at the other competitors na nag re-ready na rin. Sinuot ko na rin ang goggles ko.

We positioned ourselves. Excitement and antsy filled my system. I need to win this competition.

"Ready! Set!" Prrrrrt!
_______________________________________
Nang mahawakan ko ang pinanggalingan ko kanina ay umahon agad ako. Nasilayan ko ang ngiti ni Coach Tyra.

"Naia! Good job! You did great. " Lumapit sa akin si Coach Tyra at tinulugan akong umahon sa tubig.

"The Winner of the De Valle University Women's Swimming Competition 2016 is Ms. Kaia Glyco Naia de Castro of Bachelor in Science Psychology."

Pagkatapos sabihin ng annoucer iyon ay mas lalong lumakas ang sigawan sa loob ng gym. Pagkatapos ibigay ang awards ay pumunta agad ako sa shower room at naligo bago magbihis sa locker room.

Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang mga messages ng nga kaklase ko. Bago ko binasa ang mga ito ay tinext ko si Jess.

To: Jessica

Jess! Hintayin niyo ko sa tambayan. Magbibihis lang ako. Treat ko kayo.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta agad ako sa tambayan. Malayo palang ay nakita ko na agad si Jess at London sa tambayan na kumakain ng Lays. Naku naman.

"Uy! Andito na si Champ! Whoooo! Congrats Naia de Castro!" Nabingi ako sa sigaw ni Jess. Tumawa nalang ako at lumapit sa kanila.

"Naiaaaa! Congrats!" Niyakap ako ng mahigpit ni London.

"London naman eh! Mukhang malulunod ako sa higpit na pagkaka-akap mo!" Tumawa siya sa reaksyon ko at bumalik sa pagkain ng Lays. Nilagay ko ang sports bag na dala ko sa upuan malapit kay London.

"Jess!"

"Oh! Kuya Jase. Bakit kayo andito? Diba may practice kayo?" Tanong ni Jess sa kapatid niya.

"Uy. Naia! Congrats ha! Rinig ko panalo ka na naman. Libre naman jan Champ!" Tumawa ako sa sinabi ni Kuya Jase.

" Ha! Ikaw ha. Panalo rin kaya kayo sa game niyo kahapon. Dapat ilibre mo rin ako Kuya Jase. " Pagkakatwiran ko.

"Kuyaaa!" Padabog na sabi ni Jess sa Kuya niya.

"Hay nako. Halika nga dito. Naia kunin ko lng si Jess ha. May sasabihin lng ako sa kanya."

Bago hinila ni Kuya Jase si Jess ay sinabihan niya ang mga kasama niya na maiwan sa tambayan namin.

Umupo ang isa sa kanila malapit kay London.

Tinignan ko siya ng mabuti.

Bagong player? Bakit ngayon ko lang to nakita? Baka transferee.

"Naia? Gusto mo?"

The SeekerWhere stories live. Discover now