The Seeker Two

6 0 0
                                    

Flashback:

"Thiago!! Si Kaikai nakawala!" sigaw ko ng mabitawan ko ang lubid ni Kaikai.

"Tara habulin natin Glyco! Bilis!" Hinawakan niya ang kamay ko at tumakbo kami sa hanging bridge kung nasan si Kaikai.

"Sandaliii! Ba't mo ko tinawag na Glyco kanina? Diba sabi ko ayaw ko ng pangalan na yan!"Sigaw ko kay Thiago.

"Tinawag mo rin akong Thiago eh! Diba ayaw ko rin ng pangalan na yon!"Pagmamatigas ng wierdong to.

"Ehh!" hinampas ko siya ng mahina.

"Glyco! Hahahaha! Glyco! Glyco!"

"Ayoko sabi ng pangalan na yan! Ehh. Ayoko!" Dahil sa inis ko ay tinulak ko si siya ng mahina.

"Ahhhh"/"Wahhhh"
_______________________________________

"Goodmorning Dad!"

Binati ko agad si Daddy ng pumasok ako sa Dining area. Nakita ko siya na kumakain ng almusal.

"Goodmorning Naia. Are you okay? Kamusta na ang balikat mo? Take it easy muna sa swimming. I don't want you to overwork yourself ha. "

"I'm fine Dad. No worries. Sabi ni Dr. Domingo ay nakarecover na ang injury ko. So makakabalik na ko sa school today."

"Good. How's your head? Feeling better? Hindi na sumasakit?"

Dad asked.

"Fine Dad."

Naalala ko na naman ang nangyari that day nung bumalik ako sa school. Nagising na lamang ako na nasa loob ng school clinic.

"Uh. You okay?"

Tiningnan ko si Nixon na nakaupo malapit sa tinutulugan ko.

"Hmm. Fine."

"Good then I gotta go may practice game pa kami eh. Sabi ni coach pwede na kong umalis kapag ayos kana. You said you're fine kanina so bye. By the way, It's good to see you again Naia."

He winked bago tumayo at lumabas ng clinic.

Wait. What was that?
It's good to see you again?

Again?  Ah! Nung competition day and the day Lolo passed away. Nagkita nga pala kami noon. Lolo. Hayyyy. I missed him already.

Natigil lang ang pag-iisip ko ng pumasok ang driver namin.

"Mam? Okay na bo pa kayo? Sabi po kasi nung kaibigan niyong lalaki kanina pwede na po kayong umuwi at magpahinga. Asan po yung mga dala niyo?" Luminga-linga ang driver at nakita ang sports bag. Kinuha niya ito at tinulungan akong makalakad papuntang parking lot.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay hinanap ko ang ang sports bag ni Nixon na dinala ko dito sa bahay.

Ba't ko kasi hindi tiningnan o chineck manlang ang loob ng sports bag ko kung akin nga ito o hindi?

Nang makita ko ito ay binuksan ko kaagad ang laman ng sports bag niya.

Hmmm. Ba't ang bango ng bag niya?

At dahil sa pakielamera ako slash curious na tao ay kinalikot ko ang laman ng bag niya.

1 bottled water,2 face towels, 1 t-shirt and shorts, 2 boxer shorts, perfume and- - - what the? Bakit siya may dalang sandwich/pad/napkin ng isang babae? Omo.

Ano ba tong iniisip ko? Baka para sa girlfriend niya to no! Ehhhh. Pero sabi ni Jess sakin walang mga girlfriend ang katropa ng kuya niya. Single pa daw silang lahat except kay Trigger eh!

The SeekerWhere stories live. Discover now