Stolen

11 0 0
                                    

Stolen

-

I'm Zach. May girlfriend na ko si Althea. Almost 3years na din kami. Maganda, mabait at simpleng babae si Althea. Tanga nalang kung iiwan ko pa sya.

Pero, nagbago ang lahat nung birthday ng bestfriend ko na si Ezekiel. Nag aya na mag bar kami. Parang kapatid ko na ang turing sa kanya.Hindi ako nag paalam kay Althea kasi alam kong hindi papayag si Althea.

Nang makarating ako sa bar, madaming invited sa birthday ni Ezekiel. Mga batchmate namin nung hs.

"Dude! Remember Zoey?" Sabay hapit sa babaeng naka red dress na halos luwa na ang dibdib.

"Yeah, yung cheer leader?" Tanong ko.

"Haha, ako nga haha" lumapit siya sakin at kumapit sa braso ko. Dahan dahan ko syang tinabig. Baka kasi may makakita samin na kaibigan ni Althea.

Alas tres na kami ng umalis sa bar. Halos hindi kami makatayo sa sobrang kalasingan. Naramdaman ko nalang na nasa malambot na higaan.

"H-huh Z-zoey? Bat ka nag huhubad ka?" Tanong ko.

Tumuntong sya sa kama at lumapit sa akin. "Shhh wag ka ngang maingay" sabi nya at hinalikan ako. Hinubad nya ang tshirt ko at dahil sa kalasingan ko, hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.

Makalipas ang ilang buwan, ng mangyari yun, madalas na akong tinatawagan ni Zoey. Bina blackmail nya ako. Na pag hindi ako makipagkita sa kanya ay ipapakita nya kay Althea ang picture namin ni Zoey na hubad at magkayakap.

Kaya napilitan akong makipagkita sa kanya at makipag s*x. Kaya nauubos at nawawalan na ko ng time kay Althea.

Nang monthsary namin ni Althea, nag celebrate kami ni Althea sa condo ko. May isang pangyayari ang di ko inaasahan.

*door knocks*

"Babe, may kumakatok ata sa pintuan" pinalo nya ko sa balikat. Pumunta ako ng pinto at...

"Hi hon!" Si Zoey, hinalikan nya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Pilit ko syang pinapaalis peri niyakap nya ako.

"Kakadating ko lang tapos papaalisin mo ako"

"Andito si Althea! Pwede ba mamaya nalang please. Pupunta ako sa apartment mo." Pagmamakaawa ko.

"Babe ang tag-" natigilan si Althea ng makita nyang nakayakap sakin si Zoey.

"Hi! I'm Zoey, girlfriend ni Zachy" maliksing bati ni Zoey kay Althea.

"Girlfriend? Ano to?" Naguguluhan na tanong ni Althea. Naiiyak na sya. Niyakap ko si Althea pero sinampal nya ako.

"Walanghiya ka Zach! Anong kulang Zach? Binigay ko naman ang lahat pero bat ginawa mo sakin to?"

"Anyway" agaw ng atensyon namin ni Althea. "I'm 3 weeks pregnant! Two months ng may nangyayari samin ni Zach. Eto yung pictures" sabay abot kay Althea ng sobreng naglalaman ng mga picture namin ni Zoey na magkayap at hubad.

"Maghiwalay na tayo Zach. Panagutan mo ang bata" malamig nyang sabi at umalis ng unit ko.

Halos araw araw kong niligawan si Althea, pero wala. Umalis sya ng bansa at naputol na ang kumunikasyon namin.

Nagpakasal kami ni Zoey at itinuon ko sa kanya at sa anak namin ang atensyon ko.

Makalipas ang dalawang taon,

*phone rings*

"Bro!" Si Ezekiel. "Pwede ba tayong magkita? Sa malapit na resto sa condo nyo?"

"Sige"

Nag kita kami at

"Bro, ikakasal na ako" panimula nya.

"Talaga?! Congrats! Sinong maswerteng babae" tanong ko.

"Si Althea"

"Althea?"

"Yung ex mo bro. Sorry. Nagkita kami sa Paris, makalipas ng 6 months ng hiwalayan nyo. Tapos naging sandalan nya ya ako at nahulog ang loob namin sa isat isa"

"Okay lang tapos na naman kami" maiksi kong sagot"

"Hi Mahal" si Althea, hinalikan nya sa pisngi si Ezekiel. Kanina pa ba kayo?"

"Hindi naman mahal"

"Oh, hi Zach. Kamusta kana? Kayo ni Zoey?" Tanong nya sa akin.

"Okay naman kami" sagot ko sa kanya.

"Ay mahal, tumawag yung receptionist may meeting daw tayo today,ano let's go na?"

"Pano Zach? Una na kami ah"

After 3days ng pagkikita namin, narinig kong may kausap si Zoey.

"Hindi pwedeng malaman ni Zach! Maayos na ang buhay namin!"

Hindi nya alam na nasa likod nya ako at nakikinig.

"Sige. Walang pwedeng may makaalam. Okay bye"

"Anong hindi ko pwedeng malaman?" Malamig kong tanong sa kanya.

"K-kanina ka pa dyan?"

"Anong hindi ko pwedeng malaman?"

"Wala yun ano ah, -"

"ANO NGAAA!!"

"Sinet up namin kayo ni Althea, kami ni Ezekiel! Yung birthday nya! Yung nangyari satin, yung picture natin. Planadong lahat yun"

"Bakit Zoey! Anong kasalanan ko? Namin ni Althea?! Sana sya ang kasama kong bumubuo ng pamilya"

"Mahal kita noon pa. Ganun din si Ezekiel mahal nya si Althea. Sinunod ko ang plano nya dahil sa kagustuhan kong makuha ka. At makuha nya si Althea. Hindi naman kami nabigo. Nakuha kita at ikakasal na sya kay Althea"

Nagmamadali akong umalis at pumunta sa inuupahang apartment ni Althea.

*door knocks*

"Anong ginagaw mo dito" tanong nya sa akin.

"Sinet up tayo si Zoey at Ezekiel. Pinlano nilang magkahiwalay tayo"

"Anong sinasabi mo? Hindi yun magagawa sakin ni Ezekiel! Umalis kana"

"Hindi ako aalis hanggat hindi ka naniniwala sakin"

"Aning ginagawa mo dito" si Ezekiel.

Sinuntok ko sya " anong klase kang kaibigan Ezekiel! Tinuring kitang parang kapatid pero anong ginawa mo?!"

"Wag kang gumawa ng kwento Zach" sigaw sakin ni Ezekiel.

Patuloy kaming inaawat ni Althea.

"Anong totoo Ezekiel?!" Sigaw ni Althea. Umiiyak na sya noon.

"Oo set up ang lahat ng nangyari! Mahal kita Althea bago pa maging kayo ni Zach" sinuntok kong muli si Ezekiel.

"Umalis kayong dalawa sa bahay ko!" Humaguhol na sabi ni Althea. "Ayoko na kayong makitang dalawa. Parang awa nyo na"

Umalis si Ezekiel pero hindi ako umalis.

"Althea, magbalikan tayo" pagmamakaawa ko sa kanya. "Mahal kita hanggang ngayon. Mahal na mahal. Subukan natin ulit Althea"

"Hindi. Tama na. May pamilya kana. May anak. Wag mong hahayaang masira ang pamilya mo. Itunoon mo sa kanila ang atensyon mo."

Oo, sinunod ko sya. Itinuon ko sa pamilya ko ang atensyon ko. Umalis ulit ng bansa si Althea at nagpatuloy ng buhay dun. Si Ezekiel, napatawad ko na. Pareparehas lang kaming biktima ng pag ibig. At kami ni Zoey, madadagdagan pa ng isa ang pamilya namin.

-

A/N's

Pers story ko. Medyo lame pero sana magustuhan nyo.

Thanks for reading po!

StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon