Tunay na pagmamahal (spoken words)

2.6K 45 7
                                    

Attention!

I encourage you, YES YOU the one who's reading it right now. Find time to read this spoken words I made.. 'cause this is a letter from your true love
— — —

Tunay na pagmamahal
(Spoken words)

Ang lagi mong tanong sa iyong sarili ay kung bakit hindi mo matagpuan ang tunay na pag-ibig?

Paano mo ito matatagpuan, kung pilit mo itong hinahanap sa mga maling katauhan?

Paano mo ito matatagpuan kung pilit mo itong hinahanap sa taong hindi naman sayo nakalaan?

Kapatid? Sinasabi ko sayo na ang tunay na pagmamahal ay kahit kailan hindi ka paaasahin.. pagmamahal na ni minsa'y di ka magagawang paluhain.

Dahil ang tunay na pagmamahal ay handang magsakripisyo para lang sa iyong kaligtasan. Pagmamahal na magsasakripisyo para sa iyong kapakanan.

At kung handa kanang malaman ang tunay nitong kahulugan.. nais kong buksan mo ang iyong puso at hayaan mo na mapuno ito ng bawat salitang aking bibitawan.

Hayaan mo na mabalot ka ng tunay na pagmamahal sa bawat katotohanang iyong mapakikinggan.

Ang tunay na pagmamahal ay hindi kailangan hanapin.. hindi kailangang hagilapin at di kailangang pilitin dahil matagal na itong ibinigay para sayo, para sa atin.

Ito ang pagmamahal na nag sabi sayo ng,"mahal, hindi sya yung taong sayo'y aking inilaan."

Pagmamahal na nagsabi sayong,"mahal, hindi kita gustong masaktan kaya pilit ko kayong pinaghihiwalay."

Ngunit sa mga oras na iyon sya'y iyong binitawan.. pilit mo syang tinalikuran at hindi pinakinggan para sa isang taong akala mo'y makapagbibigay sayo ng tunay na kasiyahan.

Ngunit bakit ngayo'y nasasaktan ka? Bakit ngayon ay walang tigil ang pag patak ng iyong mga luha?

Bakit ngayon ay nag-iisa ka? Bakit ang tanging umaakap nalang sayo ngayon ay ang mismong mga bisig mong binitawan na nya.

Bakit ngayon ay tinatanong mo ang sarili mo kung asan na nga ba sya? Pilit ngumingiti at sinasabi sa sariling babalikan ka rin nya.

Pilit mong itinuon ang pagmamahal at atensyon mo sakanya. sakanya na walang ibang ginawa kung hindi ang saktan at paluhain ka.

Pilit mong itinuon ang puso mo sakanya At mga oras mo sa pag-asang mamahalin ka ulit nya.

Tinuon mo ang buong pagkatao mo sa taong tinalikuran ka. At kinalimutan na merong tunay na pagmamahal.. tunay na pagmamahal na matagal ng nakapagbigay sayo ng tunay nitong kahulugan.

Ito ang pagmamahal na nagkatawang tao. Pagmamahal na kailan ma'y di magbabago. Pagmamahal na walang makakatalo. Ito ang pagmamahal na namatay para sayo

Pagmamahal na nagsabing," mahal, hindi pa ako tapos sa kwento ng buhay mo."

Pagmamahal na nagsabing," Di ko tatapusin ang kwento mo sa sitwasyong ganito. sitwasyon na puro sakit at pagdurusa ang nararanasan mo."

Pagmamahal na nagsabing," matatapos lamang ang kwento ng buhay mo sa panahon na alam kong handa kanang pumasok sa kaharian ko."

Ito ang tunay na pagmamahal na laan ko para sayo. Pagmamahal na handang ibigay ang buong pagkatao.

Pagmamahal na handa kang tanggapin at di huhusgahan ang iyong pagkatao base lamang sa nakaraan mo.

Ito ang pagmamahal na handang ibigay ang kapatawaran para sayo..

Pagmamahal na nagsabing, " mahal, hindi mo man mapagtanto kung gaano kalaki ang pagmamahal ko sayo sa mga oras na ito.. gusto ko na malaman mo na ang pagmamahal na meron ako para sayo ay hindi magbabago at handa akong maghintay kahit gaano man katagal na dumating ang araw na pinakahihintay ko.

Ito ang araw na mapagtatanto mo ang aking pag-ibig na sayo'y laan. Araw na kaya mo ng suklian ang pagmamahal na dati'y pinagkait mo sa nakaraan.

Mahal, napakasaya ko...

Masaya ako na ang bawat salita ko'y humahaplos sayong puso. Na sa mga oras na ito'y unti-unti kang nalilinawan sa tunay na kahulugan ng aking tunay na pagmamahal.

Tunay na pagmamahal na walang hanggan.. pagmamahal na nawa'y sa simpleng sulat na ito'y iyong naramdaman.

.....aking mahal



Author's note

alam ko po hindi ito ganun kaganda since this is my first time to create a spoken words but I hope this 'spoken words' touch your heart ^^

CHRISTIAN QUOTESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon