Chapter 9

0 0 0
                                    

JAKE POV

Sununod ako kay yuri para sa hind ko alam na dahilan,hindi ko alam na nandito din pala ang kaibigan ko na si ryan,kinausao niya kami para maging malinaw yung gabi na nag pabago sa buhay namin ni anna,yung gabi na bumago ng kwento ng love story namin.wala akong dapat ikatakot at mata sa mata na pinaliwanag ko kay yuri lahat ng naaalala ko.na kahet kailan hindi ko naisip tumingin sa iba kahet pa lantaran na nag paparamdam ang mga babae sa school namin.mukha naman nalinawan na siya at nag sorry siya!dahil sa taranta niya na nag kamali siya nalaman tuloy ni ryan na noon pa siya stalker nito.nakakatuwang babae,wala na siyang nagawa kundi ang umamin.

Gusto ko na mag paliwanag kay anna kanina habang nasa byahe,pero dahil nandun si tita anie,nahiya ako.umuwi akong bigo sa plano.

Sinadya kong ibinalik ang boxna nag lalaman ng nga regalo ko kay anna para mapilitan si anna na makausap ako kung sakaling isasauli niya ang mga regalo ko.mga regalo ko na galing sa sarili kong baon.dahil especial sakin si anna,gusto ko special din ang regalo ko.kahet mahal pag iipunan ko,isang tingin ko pa lang sa isang bagay na bagay kay anna pinag hahandaan ko talaga para sa araw ng monthsary mabili ko ito.

Nag bago ang lahat ng yun ng mawala si anna.wala ng binibili every month,pero naging matipid ako,sa edad kong 17 naka ipon na ako ng malaking halaga sa sarili kong account na pinabukas ko pa sa mommy ko dahil hindi pa pwede mag bukas ng account na mag isa ang katulad ko na wala pa sa hustong gulang.inipon ko lang ang pera,ipon ng ipon kahet tuwing Christmas iniipon ko sa bangko ang pera.gusto ko kase kapag naging kami ulet ni anna,yung ireregalo ko ay special.lumaki na lang ng lumaki ang pera ko dahil hindi natupad ang pangarap ko na mag kabalikan kami,isang araw naisip ko na bumili na lang ng lupa dahil yung kaibigan ko na ahente ng lupa ay nag alok saakin ng perfect spot para sa dream house namin ni anna.at simula ng mag kaharap kami simula ng mahabang panahon na sa malayo lang ako nakatingin.dream house ang unang pumasok sa isip ko,na ipinagagawa ko na ngayon.pinagagawa ko ang isang pangarap na walang kasiguraduhan,pero mahal ko si anna.at wala akong dapat sayangin na panahon.
Kailangan ko ng simulan man ligaw ulet kung kailangan,pero kailangan ko muna mag pakiwanag at linawin ang lahat.gusto ko maayoss namin ni anna to,ang tagal kong maduwag!ang tagal kong hinayaan masaktan lang ako dahil siya at siya lang ang minahal ko!sa bawat lalakong binabasted ni anna,nakakakuha ako ng pag asa na baka ako pa din ang mahal niya.pero sa twing makikita ko na masaya siya ng wala ako,nakukuntento na lang ako tumingin sa malayo.kung saan ako lang ang nakakapanood ng bawat kilos at galaw niya,na hindi niya namamalayan na may ako.inaalagaan ko si anna kahet sa malayo,gusto kong masigurado na maayos siya.pinilet kong makatapos ng pag aaral dahil gusto ko may maipag malaki ako,para mag karun ng magandang trabaho.ayokong isipin ni anna na,magiging boss ako balang araw dahil sa magulang ko!dahil sa lumalagong negosyo ng magulang ko,humiwalay ako ng trabaho kahet pwede ako mag trabaho at mag simula sa mababa sa sarili naming kompanya,pinili ko mag trabaho sa iba para mag karun ng experience na magawa ko ang trabaho ko sa tama,hindi dahil ako ang boss.gusto ko mahubog ang pag katao ko sa ibang kumpanya dahil naniniwala sila sa kakayahan ko bilang magaling na empleyado at hindi bilang anak ng may ari.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon