Dahyun's POV

'May kasama akong isang lalaki pero hindi ko maaninag kung sino sya. Habang na sa isang resto kami at pumipili kung ano ang kakainin, may biglang lumapit samin na babae. I think, kasing edad ko lang sya.

"Kat, kaibigan ko nga pala" sabi nung lalaki at tinuro si girl. Maganda sya. Maputi, singkit, matangos ang ilong at matangkad. I can say, she's perfect.

After namin pumili ng kakainin, humanap kami ng pwesto at umupo na. Nung una ay akala ko, sa tabi ko uupo yung lalaki pero hindi. Tinabihan nya yung babae. Nakaramdam ako ng sakit. Pero mas nasaktan ako nang makita kong may binili syang kwintas at sa halip na sakin nya isuot ay dun sa kaibigan nya ito sinuot.

Umalis ako ng hindi nila napapansin. Sobrang sakit. Sobrang sakit na makita silang masaya. Makita syang masaya sa iba. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kahit na hindi ko kilala yung lalaki. Lumabas ako ng mall at naglakad ng naglakad. Umuulan pala, hindi ko man lang napansin. At hindi ko rin napansin ang isang truck ....... na papalapit sakin.'

Nagising nalang ako nang may maramdaman akong kalabit mula sa kaliwa ko kaya inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko tsaka kinusot ang mata ko. May luha.

"Thanks God. You're finally awake." Sabi ng isang hindi pamilyar na boses. Paglingon ko, nakita ko sya. Si kuyang maraming peircing. At mukhang inip na inip sya. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko ang classroom namin na walang laman. Napatayo ako at napatakip ako sa buong katawan ko ng maisip kung anong nangyari. Napatingin naman sya sakin.

"What are you doing?" Nanginig ako ng marinig ko ang boses nya.

"A-anong g-ginawa mo sakin?" Tanong ko sakanya habang lumalayo sakanya. Yung kaninang walang emosyon nyang mukha, nagkaroon ng nakakalokong ngiti na ikinatindig naman ng balahibo ko.

"What do you think?" He said while smirking at unti-unting lumalapit sakin.

"'W-wag kang lalapit. S-sisigaw ako, s-sige." Sabi ko habang umaatras parin hanggang sa wala na akong maatrasan.

"Then shout. Nobody can hear you. It's already break time, baby. Don't worry, it'll be fast." Sabi nya habang patuloy na lumalapit hanggang sa halos magkadikit na ang mga katawan namin.

Inilagay nya ang isang kamay nya sa gilid ko at unti-unting lumapit. Halos 1 inch nalang ang layo ng mukha nya kaya naman napapikit ako.

"Next time, wag kang mag-iisip ng kung ano-ano. Asa ka namang papatulan kita."

Napadilat ako sa sinabi nya at nakita ko syang malayo na sakin. Bakit ganun? Bakit parang nakaramdam ako ng ... pagkadismaya?

"A-asa ka rin n-namang papatulan k-kita." Mayghad! Bat ako nauutal? Ah! Kasi, natatakot nga pala ako sakanya. Yun yon.

"If you say so." Sabi nya at naglakad palabas ng classroom.

"T-teka! San ka pupunta?"

"Canteen. Why? Gusto mo tuloy natin yung kanina?" He said while smirking. Yan na naman sya! Naku jusme.

"N-no. Sige na. Umalis ka na! Chupi! Choo-choo away!" Sabi ko at sinenyas ko pa ang kamay ko na parang nagtataboy ng langaw. Wala syang sinabi at tumungo na ng pinto. Pero bago pa sya makalabas,

"By the way, pinaiwan ka nga pala sakin ng mga kaibigan mo dahil bibili lang daw sila sa canteen. Kaso ang tagal nila kaya ginising na kita." Sabi nya at tuluyan nang umalis. Oo nga pala. Sila Mark! Lagot sakin yung mga yun mamaya. Lumabas narin ako ng classroom at pumunta na ng canteen.

[Canteen]

"Aray ko naman, Da! Nakakailan ka na huh?" Pagrereklamo ni Mark. Kanina ko pa kasi sila binabatukan ni Bambam simula nang makita ko silang kumakain. Akalain nyo yun, pinagpalit nila ako sa pagkain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon