Prologue

4 0 0
                                    

"Roxanne Jane Dela Fuente"
- Isang certified business woman sa isang sikat na kompanya sa bansa. Marami na siyang natanggap na mga parangal dahil sa mga naitayo niyang mga negosyo. Sa ngayon, itinuturing siyang isa sa pinakamayamang tao sa bansa.

Maraming humahanga sakanya dahil sa kanyang angking talento pagdating sakanyang trabaho.

Ngunit marami ring mga galit sa kanya tulad nalang ng ilang mga empleyado niya dahil sa pagiging masungit at strikto niya sa mga ito.

Noong siya ay bata pa, siya ay galing sa hirap. Maraming mga tao na laging inaapi o pinapahirapan ang kanyang pamilya.

Kaya naman, hindi malabo na lumaki ang kaniyang ulo dahil sa may narating na siya sa buhay.


*********


Kasalukuyang ninanamnam ni Roxanne ang kanyang narating sa buhay ng may natanggap siyang isang death threat.

Sa takot na may mangyaring masama sa kanya at sa kanyang pamilya ay naghire siya ng isang secret agent upang siya'y bantayan lagi at ilayo sa anumang kapahamakan.

____________________________________

"Chrysler John Santiago"
- Isa sa pinakamagaling na secret agent sa bansa. Magaling makipaglaban. Talo pa niya si James Bond sa rami ng tactics niya upang linlangin ang mga kalaban.


Siya ay nag-iisa na lamang sa buhay. Wala na siyang pamilya dahil sila ay pinatay ng isang tao sa di niya malamang dahilan.


Tuwing gabi, lagi siyang binabangungot dahil sa kanyang nakaraan. Napapanaginipan niya kung paano pinagpapatay ng suspek ang kanyang mga magulang at isa niyang kapatid na babae sa harapan niya mismo.


Sa tulong ng kaniyang gurong kumupkop sakanya na kaibigan din ng kaniyang mga magulang, sinikap niyang marating ang kinatatayuan niya ngayon; ang pagiging "secret agent."


Ito ang kanyang napiling propesyon hindi dahil para maghigante pero dahil gusto niyang mahanap ang taong pumatay sa kanyang pamilya at malaman ang rason nito kung bakit niya ito nagawa.


********


Dahil sa galing niya sa pakikipaglaban, maraming mga kliyente ang nag aalok sakanya upang magtrabaho.

Siya ay binabayaran ng malaking halaga kapalit ng pagtratrabaho nito sakanila.

Marami-rami na rin siyang naipong pera ngunit hindi pa rin ito sapat para mabili niya ang pinapangarap niyang isla para sa pagpapatayuan niya ng kaniyang bahay.

Kaya naman, tinanggap niya ang alok sakanya ni Roxanne na bantayan siya at ilayo siya sa kapahamakan kapalit ang malaking halaga na pandagdag niya sa ipon upang mabili ang kanyang inaasam na isla.

___________________________________


Ang mga malalaking katanungan ay:

Magagampanan kaya ng maayos ni Chrysler ang pagbabantay na gagawin niya kay Roxanne sa kabila ng pag uugali nito?


May magaganap kayang pag iibigan sa pagitan ng secret agent na si Chrysler at ang certified business woman na si Roxanne?


Masasabi kaya ni Chrysler na "MISSION ACCOMPLISHED" sa bandang huli? Tulad ng sinasabi niya sa nakaraang niyang mga kliyente?


Paano kung maipit sa isang sitwasyon si Chrysler kung saan kailangan niyang pumili?

Kung saan may negatibo at positibo ang kanyang pagpipilian?

Ano ang kanyang gagawin? Susuko na lang ba siya o patuloy na lalaban?

Ipagpapatuloy pa ba niya ang nasimulan niyang istorya o tatapusin agad ito nang hindi nareresolbahan ang mabigat na problema?

"Mission or love?"

*******

A/N: 1st story ko po ito. Sana po magustuhan niyo. Sorry po sa mga typos o kaya mga wrong grammars. Pagpasensyahan niyo na po. Trying hard po kasi ako sa pagsusulat eh. Hehehehehe
(Kung may hindi po kayo nagustuhan, icomment niyo nalang po para itry ko pong ayusin sa abot ng aking makakaya :) .)

Nagmamahal,
Joyce ☺☺

Mission AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon