1: Strict Boss

3 0 0
                                    



Kasalukuyang nagdridrive ang dalagang si Roxanne papunta sa kanyang kompanya. Katatapos lang ng kanyang vacation leave galing sa Paris, London.



Nagbakasyon siya ng dalawang linggo kasama ng kanyang pamilya. Pumunta sila sa mga tanyag na tourists spots sa bansa tulad nalang ng Eiffel Tower.

Kadadating lang nila kaninang madaling araw. Kaya naman ramdam pa rin ni Roxanne ang pagod niya galing byahe.



Hindi biro ang bumyahe ng mahigit kalahating araw para makauwi dito sa Pinas.


Kahit pagod na pagod siya, pinilit niya pa ring pumasok dahil siguradong natambakan na siya ng trabaho dahil dalawang linggo itong nawala.


Siguradong napuno na ng mga papeles na kailangan niyang pirmahan sa kaniyang lamesa.


Napahilot nalang siya sa sintido niya. Habang napapailing. Kailan kaya siya magkakaroon ng pahinga??


Kahit naman nakabakasyon siya, nagtratrabaho pa rin siya. Hindi lamang siya pumasyal doon kundi Binisita niya ang isa niyang kompanya doon sa Paris.


Ilang minuto pa ang lumipas ng nakarating siya sa kanyang kompanyang kanya'y pinaghirapang makuha.

Ipinark niya ang kanyang mamahaling kotse sa isang private parking lot na para lamang sakanya.

Lumabas siya sakanyang sasakyan na suot ang sunglasses at ang malaking summer hat at dala ang kaniyang mamahaling bag.

Naglakad siya papuntang entrance ng kaniyang kompanya. Habang siya'y naglalakad, maraming mga empleyado ang tumitingin sakanya.

Humahanga sila sa pagiging sexy at maganda nito. Hindi talaga maikakailang magaling ito magdala at marunong pumili ng kanyang mga isinusuot.

Kahit anong isuot nito talaga namang bumabagay lahat ito sakanya.

Sa dami ng mga humahanga sakanya ganoon din karami ang mga naiinis sakanyang mga empleyado.

" Haaay naku!! Andiyan na naman ang devil boss natin. I'm sure marami na naman ang mapapatalsik dito sa kompanya niya."

"Sinabi mo pa. Bakit  ba kasi ang sungit sungit niya?? Hindi nalang siya magpasalamat kasi may mga nag aaply pang magtrabaho dito sa kabila ng ugali niya.😈😈 Grabe."

"Kaya nga."

Bulungan ng dalawang empleyado habang tinitingnan ang naglalakad na boss.

"Huy! Tumahimik nga kayo. Baka marinig kayo ni ma'am. Kayo pa ang tanggalin niya. Sige kayo."

Singit naman ng nakarinig na si Sophia Hernandez na isa ring empleyado ng kompanya.

"Oh. Bakit? Totoo naman ah. Akala mo kung sinong magaling. Porket ba siya yung boss dito, may karapatan na siyang api apihin ang mga empleyado niya? Bat pa kasi bumalik balik pa siya eh! "

Mission AccomplishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon