New Home

13 0 0
                                    

Bagong lipat sina Erica sa isang Bahay na medyo luma na,

galing silang Manila at lumipat dito sa Cebu

Nabili ito ng kanyang ama ng naidestino ito

sa isang lugar dito sa Cebu.

Hindi gusto ni Erica ang bagong tirahan nila

ngunit wala siyang magawa kundi sumunod sa mga magulang.

maalikabok pa ang bahay,

hindi pa kasi nalilinis ng caretaker ng dumating sila

kasi akala nito bukas pa ang pamilya darating,

Ang Ama kasi ni Erica ay parang nagmamadali marami raw itong

dapat ayusin kaya napaaga ang dating nila.

Isang pulis ang ama ni Erica, Ang Ina naman nya ay

nasa bahay lang ngunit nagsa sideline din ito ng

pagtitinda-tinda ng mga anong bagay na mapagkikitaan.

kaya madalas na naiiwan si Erica at ang dalawa niyang kapatid na babae at lalaki

sa bahay, maliliit palang ito kaya si Erica ang na oobligang alagaan ang

mga ito habang wala ang mga magulang niya.

Naibaba na ang lahat ng mga gamit nila mula sa inuupahang multicab,

Nilibot muna ni Erica ang kanyang paningin sa loob ng bahay..

Lumakas ang ihip ng hangin kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ni Erica.

Mukhang kinakabahan si Erica sa bagong bahay nila. Ngunit binalewala nalang

ito ni Erica sapagkat ayaw niyang maging dahilan sa sakit ng ulo ng mga magulang niya.

kaya no choice siya.

"Mukhang malaki laking trabaho ang dapat itapat sa bahay na to ah." sabi ng Nanay ni Erica

mula sa likuran nya.

"Pasensya na kayo ma'am, hindi ko kasi akalain na ngayon kayo lilipat dito sabi kasi ng may-ari

ng bahay bukas pa kayo darating. ah, wag po kayong mag-alala tutulungan po namin kayo nandito

po naman ang mga anak ko. Malapit lang kasi kami rito nasa kanto lang kasi ang bahay namin." Sabi nung caretaker

"Mabuti naman ho!, at maraming salamat narin." Sagot ni Inay

"Darating po dito ang mga anak ko, mayamaya lang andito na yun upang tumulong sa paglinis dito sa

bahay". sabi ng caretaker

"Swerte natin ano mahal? sa murang halaga lang nabili natin ang malaking bahay na to,

medyo luma nga lang pero wag kang mag-alala papagandahin natin ito, tulong-tulong tayo"

sabi ni itay

Masayang pamilya ang meron si Erica at sana ay tuloy-tuloy ang magandang samahan nila.

Kasi sa simula palang hindi niya nakitang nagtatalo ang kanyang Ama at Ina,

kung mag-aaway man ito ay hindi nito ipinapakita sa kanila.. kunting tampuhan kinaumagahan

bati ulit ang kanyang mga magulang.. kaya masaya si Erica sa sitwasyon kung anong meron

siya ngayon kahit mahirap lamang sila. Ang importante para sa kanya ay masaya ang kanyang

pamilya at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Mabait ang Ama ni Erica kaya hindi

sila nito pinababayaan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LAPTOPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon