Pagsisisi

720 5 0
                                    


Sino ka ba sa buhay niya?

Isa nalang hamak na X.

Isa nalang alaala sa kanyang nakaraan

Isa nalang taga sunod at friends sa kanyang sosyal media

Isa nalang taga hanga o di kaya'y balewala nalang

ah hindi, mali pala, isa kana palang stalker na lagi nalang nagsusubaybay sa kanya.

Siguro ganyan na ang tingin nya sayo ngayon.

ilang taon na ng kayo'y magka hiwalay

pero hanggang ngayon siya parin ang nasa puso at isipan mo.

eh kasi naman itong lintik na utak at puso mo

ay hindi malimot limot ang babaeng minamahal mo ng totoo.

Ang sakit pala nuh?

yung iwan ka ng taong pinakamamahal mo.

lage mo nalang naaalala ang inyong nakaraan

kahit hindi mo man ito naisip

ay sadya nalang itong bumabalik..

para bang nanadya..

at pilit nitong hinukay ang mga nakaraan na sanay naibaon na sa limot..

Maypagkakataon na para bang sinadya ng panahon na dalhin ka sa isang

lugar na lage nyong pinapasyalan nuon.

Bigla ka nalang natatawa

kasi nakita mo at bumabalik sa iyong isipan ang ginagawa nyong kulitan

pero kasabay ng iyong pagtawa

ay ang mga patak ng luha sa iyong mga mata..

para ka tuloyng baliw..

Masakit..

Sobrang sakit ng iyong nararamdaman

dahil wala na siya

at ipinagpalit ka niya sa iba.

Mga sinumpaan nyo'y na naalala mo pa

ay binalewala nya nalang ngayon..

para bang basura nalang ang lahat para sa kanya ang inyong alaala at nakaraan.

Oo alam mong balewala na at wala na kana sa kanya.

pero kasalan ba ang mahalin mo pa siya?

Eh anong magagawa mo,

yun ang nararamdaman mo..

alam mong wala na siya

at wala na ring pag asa na kayoy magkatuluyan pa..

at wala na ring pag asa na kayoy magkatuluyan pa..

Ang sakit

Yung bang makita mong napakasaya niya sa piling ng bago niya

habang ikaw

heto sa isang tabi nagmumukmuk,

umiiyak

at ni ayaw na ngang lumabas sa madilim mong mundo

kulang nalang ay putulin na ang buhay mo.

Madilim na mundo, Oo yan ang mundo mo ngayon

Eh pano

siya lang ang liwanag sa buhay mo.

tinuring mong ilaw

yung bang,

hindi mo kayang mabuhay ng wala siya.

tulad ng ilaw

pag nawala ay hindi mo makikita ang kagandahan ng mundo.

Ang sakit isipin na sa bawat oras na siya ay masaya

ay katumbas ng paghihirap at pagdadalamhati ng iyong puso..

Iniwan ka niya, alam mo ang katutuhanan

pero pilit mong iniwaglit ito

at nagsasabing may pag-asa pa.

itinanim mo ang salitang PAG-ASA sa buhay mo

gayong alam mong hindi na ikaw ang mahal nya

ang napakasakit pa nun ay nasa piling na siya ng iba.

yung bang nakatali na at wala ng paraan na agawin pa.

Masaya siya,

alam mo,

kasi lage kang nakasunod at nakasubaybay sa kanya.

kahit alam mong bawal nah.

Heto ka ngayon umiiyak na naman

kasi hindi mo matanggap ang pangyayari

sinisisi mo ang lahat pati na ang maykapal

dahil sa sinapit mong hirap at pagkabigo.

Napakasakit ng umiibig

sadyang duon mo nalang nalaman

ang tunay na kahulugan nito

Sakit at puot ang iyong dinanas

at yan ang naging kahulugan sayo ng pag-ibig

Wala na siya..

pero hindi ka pwedeng mamaalam

kasi nga may nakatanim pang pag asa.

pag-asa na siyang nagbibigay ilaw nalang sa buhay mo.

pero paano ba?

heto na naman tayo balik sa dating gawi

tinatanaw ang mga larawan sa facebook nya

na ikaw na ang number 1 likers nya

taga greet ng goodmorning sa kanya

kahit walang reply ay okey lang sayo

hindi mo maiwaglit na siya parin ang nasa puso mo

kahit alam mo ang katutuhanan na isa kana lang hamak na EX

at hindi mo kayang isipin ang katutuhan na

wala na talaga siya.

Oh kay sarap balikan ang mga kahapon na pinagsaluhan

nuon subrang kay saya nyo

ngunit ngayo'y wala na siya

at iniwan kana

tanging alaala nya lang sayo ang iniwan nya

Pag-asa ang tangi mong hinawakan

dahil sa pagdaya mo sa puso mo

na babalikan ka pa nya

pero paano ba?

iiyak kanalng ba?

gayong siya ay masaya na sa piling ng iba?

habang ikaw ay umaasa?

kakapit ka parin ba sa puso nya?

gayong kulang nalang

ay mahuhulog kana

sa kasisiksik mo sa sarili mo sa puso nya

may pagasa parin ba?

Nabubuhay ang lahat

at para bang bumabalik ito

pag siya'y nagrereply sa mga text at chat mo

nabubuhay na naman ang salitang pag-asa

masaya ka ngunit sa isang saglit lang

ngunit pagkatapos sa isang saglit na kwentohan

ay babalik na naman sa dati ang lahat

ang lungkot, sakit at paghihinayang

Iiyak ka na naman ulit.

Para Kay EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon