Ang sarap balikan ang nakaraan
Noong siya'y nililigawan mo pa lamang
walang makakapantay sa iyong saya
Unang kita mo pa lang sa kanya noon
at nabighani na nya ang iyong puso
Ang mga oras ay hindi mo sinayang
nagpakilala ka at kinuha ang lahat ng informasyon tungkol sa kanya
hindi mo malaman ang dahilan kung bakit gusto mo siyang makita sa araw-araw
hindi na siya matanggal sa iyong isipan nung nakita mo siya
kaya nga ikaw nagpapakilala nung unang kita nyo palang
Nagsimula ang lahat sa unang text
at sumunod ang ikalawang pagkikita
at humantung sa pagkakaibigan
hanggang sa paulit-ulit na kayong nagkita
hindi mo alam kung ano ang iyong naramdaman sa tuwing kasama mo siya
Masaya ka,
parang napaka komportable mo sa kanya
Ang ngiti nya ang siyang nagpapasaya sa iyong loob
at sa di malaman na kadahilanan may nagbunga sa iyong kalooban
hindi mo malaman o maipalaiwanag ang iyong naramdaman
para bang naghalo ang kaba at saya pag nakita mo siya
ito'y pag-ibig na ba?
Paano na? ang pagkakaibigan ay mas lumalim pa?
Sasabihin mo kaya sa kanya ang nasa puso mo't isipan?
natatakot ka?
Oo alam mo,
pero ang oras ay mahalaga sayo
ct tinanggap nya..
napakasaya ng araw mo
para kang dinadala sa langit ng mga oras na yun,
sa bawat araw na kayo ay magsasama ay katumbas na saya
Ilang oras, araw, buwan, at taon na ginugol mo sa kanya
halos binigay mo ang lahat sa kanya
upang maging masaya lang siya..
ganyan mo siya kamahal eh,
Ngunit ang lahat ay hindi sapat
Ang lahat ay may katapusan
Nagbago na siya
hindi na siya naging masaya
Nagsawa na siya
Parang balewala kana
Naguguluhan ka
hindi muna alam ang gagawin mo
palagi nalang ang awayan nyo
kunting pagkakamali mulang ay pinalalaki nya
Anong nasa isip mo?
kung bakit nagbago na sya?
Anong nagawa mong pagkakamali?
may mali ba sa sarili mo?
Hindi kana mahal?
May iba na ba?
May iba na ba sa puso nya?
Ang gulo ng isip mo
kinabukasan nalaman mo nalang
"SORRY BREAK NA TAYO, HINDI KUNA KAYA ANG MAKASAMA KA"
mga huling salita na nagpapatulo sa iyong mga luha
wala na siya
iniwan kana
natanong mo ba sa sarili mo?
Saan ka nagkamali?
Saan ka nagkulang?
Gayong binigay mo naman ang lahat..
Ngunit ang lahat ay hindi sapat..
Na realize mo na ang
talagang ang saklap ng umibig
binigay mu na nga ang lahat
ngunit kulang parin para sa mga taong mahal natin
may mga tao lang talagang hindi makuntento.
Ang lahat ay isang alaala nalang
ngunit ang mga sandali na binabalikbalikan
ng puso at isipan
ay nananatili magpakailan man.
Ang hapdi..
Ang sakit..
Tanging luha nalang ang tanging saksi sa iyong pagdadalamhati/
umiyak ka lang..