Prologue

11 0 0
                                    

"I want you to meet hija you're husband to be Drew.." - napatingin ako sa sinabi ni lola at laking gulat ko na siya ang mapapangasawa ko!! O__O waaaahh!! Si kuya drew yung totoo??

"Kuya drew??" "Sophie" -sabay sabi namin dalawa

"Oh mag kakilala na pala kayo.. that's nice. Hindi na pala kami mahihirapan sa inyong dalawa.." -tuwang sabi ni lola sa amin dalawa..

"Ahmmm..." -ayan lang ang nasabi ko at nagpapalitan pa din kami ng tingin na dalawa.. seriously siya talaga?? Si Kuya Drew ang mapapangasawa ko?? Eh 15 years ang tanda niya sa akin eh... although crush ko siya..pero di pa din sapat yun ang laki ng agwat naming dalawa..

"Tara na.. pag usapan na natin ang kasal niyong dalawa diba mare?" -tanong ni lola sa lola ni kuya drew

"Oo naman mare, excited na ko sa plano natin sa kasal ng mga apo natin." -at napatingin siya sa amin at biglang ngumiti si lola Eunice

"So nag-plano na pala kayo at hindi niyo kami ininform ni sophie ganun ba?? At hindi niyo kami tinanong kung gusto ba namin mag pakasal na dalawa? Lola ang laki ng agwat naming dalawa.. 35 na ko at si sophie ay 20 palang siya.. almost 15 years ang tanda ko sa kanya.. hindi naman ako nag mamadali magkaroon ng asawa eh. At si sophie mag aaral pa yan at sa kanyang edad alam ko madami pa siyang gustong gawin sa buhay niya.. ang aga naman kung mag aasawa siya diba?" -paliwanag ni kuya drew kayla lola na may halong inis na pag kasabi niya.. oo nga naman may point si kuya drew napaka bata ko pa para mag asawa noh.. at siya din naman hindi pa rin mag pakasal.. kakagaling lang niya sa matinding break-up eh...

*bumuntong hininga* -"Oo apo nakuha ko ang punto mo. Pero wala namang masama na mahulog ang loob mo kay sophie eh at mahulog din ang loob ni sophie sayo. Kaya namin to ginagawa ay para din sa inyong dalawa, alam ko kakagaling mo lang drew sa matinding break-up niyo ni Trixie na ngayon ay kasal na siya,, alam kong di ka pa din nakakamove on sa kanya kasi almost 1 year pa lang ang nakakaraan na mag hiwalay kayo. Drew hindi masamang umibig ulit at gusto ko kapag nagmahal ka ulit ay sa taong kaya suklian ang pag mamahal na yun at nakikita ko yun sa apo ni Marga." -sabay tingin sa akin "Si sophie, alam ko mabuting bata siya at madaling mahalin, balang araw papasalamatan niyo kami kung bakit namin kayo gustong ipakasal kayong dalawa.." -sabay ngumiti sa aming dalawa.

*huminga ng malalim* "Sige na payag na po ako mag pakasal kami ni sophie.." -sabi ni kuya drew, at napatingin siya sa akin. "Okay lang ba sophie na mag pakasal tayo??"

"Ahmmm.. *bumuntong hininga* may magagawa pa ba ko.. opo payag na din ako mag pakasal kay kuya drew." -sang ayon ko =__= wala naman na ko magagawa eh.. choosy pa ba ako eh mismong si kuya drew na pumayag eh hayysss..

"Salamat sa inyong dalawa.. hinding hindi kayo mag sisisi sa desisyon niyo.. tara na magplano na tayo.." -tuwang tuwang sabi ni lola marga..

*Hayy naku sana nga hindi ako mag sisisi sa desisyon ko.. waaahhhh
T__T ikakasal na ko!!! Paano ko pakikisamahan tong si kuya drew eh mag kaibang mag kaiba kami ng personality.. ako ay isang maingay, makulit, palagi kasama ang mga kaibigan, pala gala, mahilig mag joke,, masayahin. At itong si kuya drew.. hmmm.. maliban sa gwapo siya,, matangos ang ilong,, madaming nag kakagusto at maganda ang katawan in short "hot" napakaseryosong tao kaya to, tahimik, hindi masyado nagsasalita. Waaahhhh panu ko siya pakikisamahan sa isang bahay??? Paano??

The Arrange MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon