AYLEEN'S POV
"Kuya!" sigaw ko. As'an na ba kasi ang phone ko? Tss. May ka textmate pa naman ako pero di ko alam kung sino ayaw mag-pakilala eh. Sabi niya siya daw si 'Superman'. Ang corny no?! Ako po pala, Si Ayleen Reyes.
"Bakit?" tanong ni Kuya Axel sa 'kin paglabas niya ng kwarto niya.
"Nakita mo ba phone ko?" tanong ko naman.
"Hindi. hanapin mo ng mabuti sa room mo baka nand'on lang 'yon." at pumasok na ulit siya sa kwarto niya. Ang sungit. Bumalik na'din ako sa room ko at nakita ko ang phone ko sa ilalim ng unan, kinuha ko agad at may five messages, ang isa galing sa bestfriend ko na si tammy at 'yong apat naman galing kay superman.
From: Superman
Goodmorning! Had a dream 'bout u :)
Hello, wala 'kang load? :(
Hoy. Ok ka lang ba talaga nag-aalala na ako sayo :'(
Nag-aalala na talaga ako. Text ka man lang :'(
From: Besh Tammy
Besh! Dress ka tomorrow ha?! Christmas Party tomorrow pag-bigyan mo na ako.
Si Besh talaga. Sige na nga pagbigyan ko nalang. Ayy! Itetext ko pa pala si Superman. Ayee! Pero may crush na ako si Olive Jan Boyce. kabatch lang kami. Junior na kami. Sophomore ako nung may gusto ako sa kanya, new kasi siya nung year na 'yon at mahilig din siya sa superman, minsan nga iniisip ko na baka si Superman si Olive pero imposible naman.
To: Superman
Sorry! Nawala kasi ang phone ko kaninang hapon. Sana naman mag-pakita ka na.
Ilang months ko na ba katextmate si Superman? Aish. ewan. Ano kayang mangyayari bukas? Hay. Ewan ko ba kung bakit hindi pa rin nagpapakilala itong si Superman. Baka naman takot siya dahil pangit siya? Pero hindi naman ako choosy pagdating sa love. Hindi rin naman ako nangangagat. Pero nalilito rin ako kung sinong pipiliin ko, si Superman na palagi kong katext at may alam na sa buhay ko o si Olive na crush ko pero hindi naman ako pinapansin? I ruffled my hair in frustration.
"Grrrrrrrrrrr!! I didn't know love could this be hard...." bulong ko. Pero......
HINDI KO PA RIN ALAM KUNG SINO ANG PIPILIIN KO!!!
Naiinis na ako dahil hindi pa rin ako makapili. But I know time will come makakapili rin ako pero konti nalang siguro, mahal ko na si Superman. Paano na si Olive? Bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko rin naman ginusto ang mainlove sa isang cassanova. Talagang gusto lang ng puso ko iyong mas gwapo at hot. Hay nako. Tanga na nga ako pati ba naman ang puso ko magpapakatanga? Hay.
~*~
"Besh!!!" Napatingin ako kay Tammy na papalapit sa akin at naka-polka dots dress. New year na ba?
"Ang aga mo ata para mag-new year?" Biro ko. Sinapak niya ako sa braso at sinamaan ng tingin.
"Ang mean mo besh. Hindi mo pa nga ako binati ng goodmorning. Hmph." Ganyan lang talaga siya. Masyadong matampuhin. Kawawa naman ang magiging boyfriend ni besh.
"Ang OA mo, halika na nga!" Naglakad na ako papasok sa university na pinapasukan ko.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Tammy.
"Huh? Wala naman ah." Sa totoo lang, hinahanap ko si Olive baka kasi marealize niya na maganda talaga ako. Naka-dress kasi ako ngayon, request kasi ni besh. Naka-peach floral dress ako.

BINABASA MO ANG
Textmate (One-Shot)
Historia CortaNever thought that what I least expected, would happen.