Text Message: Love Story

97 0 0
                                    

Hello! Ako si Adrian Buenaventura. 13 years old. Nag-aaral sa isang pribadong paaralan. DI naman kami mayaman pero may kaya lang. Simple lang akong tao at ang gusto ko sa isang babae ay yung simple lang at syempre mabait. :)

First day of school. New faces and New friends. Nasa section A ako. Di naman ako ganon katalino pero nakakaintindi din naman.

"Hello. I'm Adrian, Nice to meet you!' Masigla kong bati sa mga bago kong kaklase. Yung iba friendly pero yung iba mukhang maarte.

Dumaan ang ilang buwan, marami na rin akong mga kaibigan at kakilala. Yung iba nerdy type, yung iba jejemon at yung iba normal lang. Marami rin akong nakilala sa ibang section at syempre hindi maiwasang magkaroon ng crush. HAHAHA. pero crush lang naman e. ;)

She's Kesha Tolentino, nasa section C sya. Nakilala ko sya nung nag-campaign dahil sa year organization. Simple lang sya. :) hindi maarte, mabait at una sa lahat, masiyahan, yung tipong pag tumawa siya ay madadala ka na. :) Kaya naman naging close kami agad. Kaso, minsan ko lang siya makasama, pag may meeting lang ang officers kasi nga nasa section C sya. Hindi din naman ako magkaroon ng lakas ng loob para hingin yung number nya. **ako na torpe. :3

Matagal akong nag isip-isip ng paraan para lang makuha yung number niya. Napansin ako ng mga kaibigan ko na laging malalim ang iniisip. Kaya naman sila na mismo ang nag-isip ng paraan para makuha ang number nya. Ang bait nila noh? :) 

Agad naman nila binigay sa akin ang number ni Kesha matapos makuha sa kanya. At dahil don. Mas naging close pa si Kesha at ang mga kaibigan ko. :3 Pero syempre, magpapatalo ba ako? :D

CHAPTER 1

Kahit nasa akin na ang number ni Kesha, hindi ko pa rin alam kung paano ko siya itetext. Mag ta-type ako  pero buburahin ko din naman. Nauuna kasi ang takot ko na baka di nya ako mareplayan. Hanggang sa nagkaroon na ako ng lakas ng loob na itext siya.

To: Kesha

Hello. Good Evening. :)

B U E N A V E N TU RA

ilang saglit lang ay nag reply din sya kaya naman dali-dali ko itong binuksan.

From: Kesha

Adrian?

Nagtataka ako kung bakit niya agad ako nakilala. Natawa na lang ako sa sarili ko. Kaya naman pala niya ako nakilala kasi naka signature nga pala ang last name ko sa text.

To: Kesha

Oo ako nga. :) Ano ginagawa mo?

(phone rings)

From: Kesha

Eto, katext ka. Hahaha.

Natawa naman ako sa tinext nya. haha. Joker din pala sya pag minsan kaso waley nga lang. HAHA.

Halos buong magdamag ko syang kausap nung araw na iyon. Naging mas malapit pa ako sa kanya. Lagi ko na siyang katext araw-araw. Feeling ko, ang gaan gaan ng loob ko kapag kausap ko sya kahit sa text lang. Pero at least lagi akong updated tungkol sa kanya. Kaysa naman dati na tuwing meeting lang kami nagkikita.

CHAPTER 2

Araw na naman ng lunes. nakakatamad pumasok pero at least makikita ko si Kesha.

"Adrian! Bumangon ka na dyan, tanghali na may pasok ka pa" sabi ni mama habang kumakatok sa pintuan.

"Susunod na po ako" sagot ko naman

Dali-dali kong inayos ang sarili ko para makapasok na sa school. Syempre kelangan maayos ang damit ko. Mabango, ayos ang buhok para naman magmukhang tao ako. XD

(Habang kumakain ako ng almusal)

"Kuya, bakit parang kanina ka pang nakangiti dyan?" singit ng kapatid kong si Marco.

"Ha? E sadya naman akong masayahin e." sabi ko

"Weh? kuya. Liers go to hell! Hmm. Baka naman inlove ka!" dugtong pa ni Marco.

"Ano ba pinagsasabi mo dyan! Kumain ka na nga lang." sigaw ko.

"E sino yung Kesha?" (bulong ni Marco pero rinig ko naman)

"Sige ma, alis na'ko" palusot ko.

"Teka! di ka pa tapos kumain ah" 

"Di po, busog pa naman po ako e"  

Habang lumalakad ako papuntang school, iniisip ko kung paano nalaman ng kapatid kong si Marco.

Siguro nabasa niya yung mga text ni kesha kagabi.

Naisip ko, naiwan ko nga pala yung phone ko sa lamesa nung nasa banyo ako. Grrrrrrr! >.< Baka nabasa nga ni Marco. Haay! Marco patay ka talaga sa akin mamaya!!

Sa sobrang inis ko di ko na malayang nasa school na pala ako. Habang naglalakad ako papuntang classroom nakasalubong ko naman si Kesha.

"Hi Adrian" bati niya with matching smile.

"Hello Kesha!" sagot ko naman.

Kahit inis na inis ako sa kapatid ko, parang nawala yung pagkainis ko kasi nakita ko agad si Kesha.

Agad naman akong pumasok sa classroom kasi narinig ko na nag bell na. Baka ksi mapagalitan pa ako ni maaam.

To be continued... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Text Message: Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon