Kabanata 1

11 0 0
                                    

Kabanata 1

FORGOTTEN MEMORIES

''ALEX? HUY ASAN KA? SUKO NAKO T,T'' Sigaw ni Zachary , Zach for short. Naglalaro kasi kaming dalawa ng taguan eh. Katuwa nga siya halos 10 minutes na ata niya akong hinahanap eh nasa likod lang ako ng cabinet XD

''Boo!'' Pambibigla ko sakanya pero imbis na matuwa na ako eh parang kaylangan kong mag-alala para kasi siyang natulala eh niyugyog ko ang buong katawan niya pero wala paring response.

''Huy Zach di kana nakakatawa'' sabi ko sakanya habang niyuyugyog ko parin siya.

Tumigil ako sa pagyuyugyog sakanya. Pero bigla akong nakarinig ng mahinang tawa tinignan ko siya at parang nagpipilit siyang hindi tumawa -,- adik talaga to.

''Tae mo Zach mamatay kana!'' Sigaw ko sakanya . Pagtripan ba naman ako? Tss. Kainis siya sarap niyang upakan ng paulit-ulit .

''Haha. Joke lang masyado kang HB'' sigaw ulit niya. Talagang sigawan ang peg namin ha? Eh halos 3 ruler lang ata ang layo niya sakin e. Haha bayaan niyo na ganyan kami magmahalan ng bestfriend ko eh ;P

''HB as in High Blood -,- Slow mo!'' Sabi niya. Oo nga no? High Blood pala yun XD. Tae ngayon ko lang nagets bat kasi e. Sino bang nagpauso nyang mga yan ha? Sino?! Ng maupakan ko jk.

''Hoy! Magsitigil na nga kayo jan nagsisigawan nanaman kayo. Halikayo't may bisita tayo'' Saad ni Sister Alvarez. Oo Sister :). Nasa kumbento kami ibig sabihin WALA KAMING MAGULANG masakit mang isipin yan pero yan ang katotohanan eh. Wala tayong magagawa kung maaga man kaming naulila. Yan ang tadhana satin e hindi na natin 'to mababago.

Inayos ko na ang damit ko para magmukha naman akong presentable sa mga ''Bisita'' kuno namin. Inirapan ko si Zach at binelatan siya huh. Kala nung panget na yun ha? Di pa kami tapos!

Pagkatapos naming magayos eh nagsipuntahan kami sa lobby ng ampunan.

Pagkapunta namin dun e may dalawang taong nakatayo mag-asawa siguro sila?

''Mga bata anong sasabihin niyo sa mga bisita?'' Sambit ni sister alvarez sa'min.

''MAGANDANG HAPON PO SAINYO'' sabay sabay na sambit namin.

Bale 18 kaming mga bata na nasa ampunan ngayon. Every month ata e dumadagdag kami at minsan naman  nababawasan dahil marami ang mga nag aampon. Katulad nalang ngayon. Sigurado ako isa samin nyan ang mawawala.

''ito napo lahat sila. Pili nalang po kayo :)'' sambit ulit ni Sister alvarez sa mag - asawa.

''Hmm. We want to see their talents first can we?'' sabi ng mag - asawa. Ano daw sabi nila? Nosebleed ako .

Di ko maintindihan. Sa 13 years na pamumuhay ko dito minsan lang ako makarinig ng English. Pag may bisita lang. Tsaka pag kausap si Zach -,-

''Pst! Ano daw sabi niya?''bulong ko kay Zach habang sinisiko-siko ko siya.

''Talent daw. Ta-len-to. Okay?'' Ahh . Talent lang pala -,- kala ko kung ano na eh.

Magaling kaya akong kumanta no singer kaya ako sa BANYO. Dancer din. Tapos model sa Salamin. Oh diba? Multitalented ako alam niyo yun?

Nagpakita lahat kami ng talento. Ako e sumayaw at kumanta lang. Si Zach naman nag piano tinugtog niya yung kiss the rain daw ba yun?. May iba naman na nag flute . Tapos yung iba gaya - gaya nakisayaw din. Yung iba naman eh nagdrawing . Grabe to ah parang contest?

''So sinong pipiliin niyo sakanila Mr. And Mrs. Servilla?'' Tanong ni Sister Alvarez sakanila habang nakangiti. Halatang proud na proud siya samin eh.

''I think I like the one in Blue. But I would love to have the one in Black right honey?'' Sabi nung babae. Grabe lang? Ako yung nakablue eh. Tapos si Zach yung nakablack. Grabe lang as in Grabeng grabe lang? Ako nanaman ang maiiwan? Lagi nalang ba talaga akong Second choice?

Lumapit sila sa lugar namin ni Zach .

''What's your name Hijo?'' tanong niya. Halata naman si Zach ang tinatanong diba? Hijo nga daw e.

''Zach po. Zachary'' sambit ni Zach habang abot tenga ang kanyang ngiti na nakatingin sakin. Alam ko yang ngiting yan. Ngiting mapagmalaki.

''Oh how cute. We'll going to take you is that okay with you?'' tanong ulit nung babae. Ano bang pinagsasabi neto wala akong maintindihan.

''Ofcourse'' sabi ni Zach habang abot tenga parin ang ngiti niya. Bwiset sarap tanggalan ng ulo. Nakakabadtrip ampf.

''Ofcourse ofcourse'' bulong na panggagaya ko kay Zach. Narinig kong tumawa siya at yung babae.

''Mrs. Servilla ito napo yung mga papeles'' sabi ni Sister Alvarez sabay abot ng envelope dun sa babae. Infairness ha maganda yung babae tapos yung asawa niya gwapo *Q*

''Oh thanks . Can we take him now?'' Tanong niya. Yung totoo? Nosebleed talaga ako dito. Wala akong naiintindihan.

''Oh yes. Sige po'' Sambit naman ni Sister Alvarez tapos lumapit samin para sabihing bumalik nakami sa mga kwarto namin pwera lang kay Zach.

Naiinis ako. Ewan ko kung bakit pero inis na inis talaga ako. Tae.

After 10 minutes ata e bumalik na sa kwarto namin si Zach na may dalang maleta?

''Hoy ano yan? '' Sabi ko sakanya. Habang siya naman e patuloy na nilalagay sa maleta ang kanyang mga damit at gamit.

''Maleta.Aalis nako e. Di mo ba narinig kanina aampunin na nila ako. Ang saya saya ko Lex magkakapamilya narin ako!''sabi niya habang hawak niya ang aking mga kamay.

Bakas na bakas sa kanyang mukha at pagkasabik na umalis dito sa ampunan ㅡ.ㅡ

''Ahh ganyanan? So iiwanan mo rin ako? Parang kanina lang nagtataguan tayo tapos ngayon iiwan moko? Tss Lagi naman ganyan e laging ako ang naiiwan'' sagot ko sakanya habang umiiyak . Kainis na buhay to lagi nalang akong iniiwan ng mga bestfriends ko T,T

Tumakbo ako papalayo sakanya . Nakakainis naman eh. Siya nalang kaclose ko dito iiwan pa niya ako. Siya lang ang kausap ko palagi. Siya lang lahat e.

''Alex!'' sigaw niya. Tumingin ako sa likod at nakita kong hinahabol niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko ng maabutan niya ako.

May nilagay siyang kwintas sa kamay ko na may pangalan niya ang nakaukit dito.

'' Shh . Wag ka ng umiyak. Isuot mo palagi yan ha? Para hindi mo isiping nag iisa ka lang'' Pagkatapos niyang sabihin yun eh iniwan niya na ako.

Ang sakit. Ang sakit mawalan nanaman ng isang kasapi ng ampunan. Ang sakit mawalan ng bestfriend slash Big bro.

Chosen HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon