Unrequited

12 0 0
                                    

Sino ba ang mas matimbang sa puso nya?

siya ba or ako?

ang dami daming katanungan ang pumupukaw sa isipan ko hanggang ngayon

at nagsisisi ng dahil sa maling desisyon ko..Hindi lahat ng Love Story ay nagtatapos sa happy ending..some may have a painful end..others are tragic..yung iba naman maayos silang nkapag break up..But mine was always hidden,unknown and one sided.Nobody knows that Im in love with him..

Nagsimula ang lahat nang makilala ko siya sa isang church gathering.Parehas pa kami noon ng ministry na ginagalawan sa Dance Ministry.Magaling syang sumayaw at humanga ako noon sa galing nya.Sa lahat ng bagay na magaling sya..maging sa paggigitara..na lubos kong ikina-hanga sa kanya sinubukan kong maging malapit sa kanya.Ginawa ang lahat para mapansin nya.Naging obssessed na nga raw ako eh..sabi ng iba..naging ala stalker pa ako ng dahil sa kanya..gusto ko kung nasaan sya nandun na din ako..nakuntento na ako noon sa patingin tingin at pasulyap sulyap sa kanya..umaasa na balang araw mapansin nya ako..at mahalin nya ako..

Nalaman kong may nagkaka-crush sa kanya..pero kahit nagseselos ako at nasasaktan.patuloy pa rin ako..tuloy sa pagka gusto ko sa kanya..Masaya ako tuwing kausap ko sya noon..at nauutal pag sa tuwing tinatanong nya ako ng "May crush ka saken noh?" o kaya'y "Sino crush mo?"

Gusto ko aminin sa kanya na gusto ko rin sya..pero natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin..kaya naman,nanatiling sikreto ang nararamdaman ko para sa kanya..sa takot na balang araw ay masaktan ako o kaya'y masira ang aming pagkakaibigan.

GUSTO KONG MAGMAHAL AT MAHALIN PERO AYOKONG SUMUGAL AT MASAKTAN.NATATAKOT AKO NOON SA CONSEQUENCES NA PWEDENG MANGYARI.

Nagpakatanga pa rin ako kahit alam kong andaming may gusto sa kanya.

hanggang isang araw,nalaman kong may iba na syang gusto at ang sakit kasi nalaman kong nagiging mag-prayer partner na sila at close na sila sa isa't-isa at kaibigan ko pa ang babaeng nililigawan nya.umiyak ako noon..isang beses at unang nangyari sa buhay ko na umiyak ng dahil sa lalaki..ang babaw ko daw sabi ng iba..pero wala eh..mahal ko na talaga sya..at dumating ang araw na nalaman kong sila na pala nugn babaeng yon..umiyak ulit ako at simula noon..itinigil ko na ang pagsunod-sunod sa kanya..hindi ko na rin sya kinakausap dahil masasaktan lang ulit ako.,pinili kong lumayo sa kanya,tiniis ko ang sakit..pinilit kong kalimutan sya..

Maraming araw ang lumipas..hanggang sa nagka-boyfriend na ko..Mahal ko siya,sobra..itinuon ko sa kanya ang pagmamahal na sana'y ibinigay ko sa taong minahal ko noon..

Pero walang tutumbas sa pagmamahal na ibinigay ko noon sa kanya..hindi ko sya nagawang ipaglaban..pinili kong matalo sa larong ito at nalaman kong mas matimbang pa rin ang babaeng yun..kaysa sa akin..

Ngayong may mahal  na siyang iba..hinihiling ko na lang na sana maging masaya sya sa desisyon nya at ganoon din ako sa naging desisyon ko..

BECAUSE THE LOVE THAT I GAVE TO HIM WERE ALL UNREQUITED..

>>>FIN<<<

UnrequitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon