Uno

757 2 0
                                    

"...Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday Sir Rico", awit ng mga empleyado ko sa akin ngayong kaarawan ko.

Ako si Enrico, currently 22 years old, at may-ari ng isang small-time na engineering and construction company dito sa Cavite, ang Power Engineers. Kakagraduate ko lang last Academic Year at noong April lang ng taong ito ko inumpisahan ang negosyo. Hindi naman siya ganun kalaki pero masasabi kong kumikita naman kahit papaano.

"Happy birthday, hon," Lumapit ang isang babaeng may katangkaran at balingkinitan ang katawan sa direksyon ko na may dala-dalang cake. "I bake this for you on your birthday, dear." Siya si Margaux. Isang diyosang ipinagkaloob ng langit para sa akin upang ibigin at mahalin ko, at least para sa ngayon. Well, hindi ko kayo masisisi kung iniisip niyong palikero ako. Hindi naman talaga ako namamangka sa dalawang ilog na magkasabay, iilan lang talaga sa mga naging relasyon ko ang humigit sa tatlong buwan.

"Uy si Sir, ganda ng ngiti, oh." Tukso sa akin ni Mark, isa sa mga engineers ko.

"Naman. Isang diyosa ba naman ang nagluto ng birthday cake nya!" gatong pa ni Pete, isang engineer din.

"Panigurado, mahal bayad sa baker nayan. At pare napakasarap naman talaga," Si Mark habang kumukuha ng cake.

"Balita ko, mamaya daw si Sir sisingilin ni Ma'am ng bayad." Si Jason ang bakla kong secretary. "Kakakilig naman."

Napangiti naman si Margaux sa mga panunukso ng mga empleyado ko.

Matapos ang meryenda agad naman nagsibalikan ang mga empleyado ko sa mga trabaho nila. Nagpaalam na rin si Margaux, magdidinner pa naman kami ulit mamayang gabi.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero marami na akong naging girlfriend. I have perfectly defined jawline and adam's apple, stands at 6'5", matipuno, may 8-pack abs, well defined muscles and top it all off with sun-kissed skin.

Gwapo. Mabait. Marunong. Madiskarte. Responsable. Matalino. Sensible. Sensitive. Perpekto. Yan ang mga bansag sa akin ng mga kaibigan ko at kahit ng mga ex- ko (at least bago sila nakipaghiwalay sa akin). Hindi daw ako mahihirapan maghanap ng mapapangasawa. Nagkaroon pa nga special issue ang students' magazine ng Alma Mater ko tungkol lang sa akin last year, at sa issue na iyon una akong binansagang "God's Gift to Womankind".

Noong ininterview ako ng mga writer, they said the reason of the special is because I got the highest GWA in the history of the university at 1.01 and graduating as Suma Cum Laude. Nagulat na lang ako nung ni-release ang magazine and the title of the issue is, "Knowing Enrico, God's Gift to Womankind."

My last three months of the Academic Year is my most awkward days in the university. It is all because of the issue. Ayoko lang palakihin ang gulo kaya hindi na lang ako nagreklamo. How awkward it is? Yung mayroon bang lalapit sa'yo at aakitin ka bigla, o di kaya yung bang may sisigaw na "Rico! Buntisin mo ako!" There are even some women who would block my path and tell me that I am the father of their unborn child, which is medically imposible, I never met her before. Those are the months that I almost lost my sanity. That issue somewhat lit a fire on the hearts of the university's women, even professors and deans.

ENRICO (Lalakeng Walang Libog)Where stories live. Discover now