It's been 3 months ng nag-hiwalay tayo pero ako pa din itong si t*nga iniisip na babalik ka katulad ng dati kapag nag-aaway tayo ung tipong susuyuin mo ako para lang maging maayos ang lahat kahit alam naman natin na ako talagang ang may mali.
Ito ako ngayon sa kama nakatingin sa litrato natin sa cellphone ko nung mga araw na masaya pa tayo na hindi pa kita binabalewala hinihintay ang text mo na 'Good Morning Babe!'.Hindi ko inaasahan na may basang tumulo sa mga mata ko umiiyak na pala ako.Di ba dapat siya ung umiyak at hindi ako? pero parang bakit ako pa ata ung nasaktan kahit ako naman ang may kasalanan saming dalawa. Kung bakit ko pa kasi pinilit at pinagdidiinan sa kanya ang nakaraan.
"Axel!!Ano ba babangon ka pa dyan o sisirain ko tong pinto mo?"ang nakakabingin sigaw ng ate ko.Tumayo na lang ako kinuha ang twalya ko at dire-diretsong lumabas ng C.R.Kung kami pa siguro ni Kim ngayon baka sinigawan ko na din ang ate ko.
"Hay!"napabuntong hininga na lang ako habang tumutulo ang tubig sa shower na hindi ko malaman kung ang tumutulo sa mukha ko ay un pa din bang galing sa shower?
Nang matapos na ako maligo agad-agad na akong bumaba kinuha ang bag ko at walang sabi- sabing umalis na.
"Axel!!"sigaw ni ate.Kami lang naman dalawa ni ate dito sa Manila kasi pareho kami nag-aaral ang mga magulang naman namin andun sa La union kaya kahit anong sigaw at galit ni ate parang wala lang sakin.
Di ko na siya nilingon at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa abangan ng jeep.Habang naghihintay ng jeep sinalpak ko ang earphones sa tenga ko agad-agad na plinay ang kanta ng hindi tinitingnan kung ano nga ba ung napindot ko.
Nung nakakita na ako ng jeep sumakay na ako at nakapagbayad na din pinikit ko na lang ung mga mata ko kung ililibot ko pa ang mata ko sa jeep maalala ko lang ung mga bagay na dapat kong kalimutan na.Pero ganun na lang ba kadali un?pagpinikit ko ba ang mata ko maglalaho na ba lahat ng sakit na nararamdaman ko?o babalik na ba sa dating tayo?
"Para po!"rinig kong sabi nung lalaki na nagpabalik sa katinuan ko. Magkapareha kami ng uniform kaya sa tingin ko andito na pala kami sa school.Bumaba na din ako at naglakad papunta sa locker area na umaasa na makakita ng papel galing sa kanya sa locker ko. Pero to my dissapointment walang papel nakalagay dun kaya napasandal na lang ung ulo ko sa locker ko.
Kailan pa ba ako magigising na wala na talaga akong dapat asahan na magtetext sakin ng good morning at magdidikit ng makukulay na papel sa locker ko? na kakapit sa balikat ko at kukulitin ako?
"Akala ko sila ti'll the end no?un pala maghihiwalay din sila"
"Kaya nga eh sayang!sila pa naman ung couple na gusto ko.kaso may kasama ng iba si Kim di ba?"naririnig kong usapan ng mga babae.
"O-"Di niya natuloy ung sasabihin niya dahil sa malakas na pagbagsak ko sa pinto ng locker ko na ikinagulat nilang dalawa na agad naman silang tumakbo palayo.
Pilit kong iniisip na hindi totoo lahat ng sinasabi nila na walang lalaki na papalit na lalaki sa puso ni Kim.Pero sh*t may parte ng utak ko na gusto siyang puntahan at tanungin kung totoo ba ung mga narinig ko?Pero paano?Paano kung di niya ako kausapin?
Pumunta ako ng classroom to find out na wala siya dun. Na hindi pala siya pumasok na nakita lang nila nung bakasyon si Kim na may kasamang lalaki.How did i know? narinig ko sa chismisan sa harap ko.Di naman nila alam na nakikinig ako sa kanila kundi sa earphones na nakasalpak pa din sa tenga ko.
Nagdaan lang oras na parang wala lang. Hindi katulad ng dati na parang hindi na namin magpakasya ang oras sa tuwing magkasama kami. Na sa tuwing magkasama kami parang ayaw na namin mahiwalay sa isa't-isa.
Naglalakad na ako pauwi ng may maaninag ako na isang babae. Kahit na katalikod pa siya alam ko na ang bawat postura at galaw niya kaya hindi ako maaring magkamali na siya un. Sa hindi ko malaman na dahilan para akong na istatwa sa kinatatayuan ko. Kanina ang tapang-tapang ko na kausapin siya pero bakit parang ngayon di ko magawang gawin. Siguro sa dami na rin ng tanong na isa-isang sumusulpot sa utak ko. Ung mga tipong andito ba siya dahil makikipagbalikan siya at narealize niyang hindi niya ako kayang iwan dahil mahal niya pa ako?at isa sa pinkanangungunang tanong sa isip ko bakit siya andito?
Nagulat na lang ako sa isang malakas na busina na nanggaling sa likuran ko na nagpabalik sa realidad
"Iho!!ano ka ba magpapasagasa?kung mapapasagasa ka wag sa kin mahal ko pa ang pamilya ko para makulong ako"galit na sabi ng tricycle driver habang humarurot na paalis.
Pagbalik ko ng tingin ko sa kanya na agad ko naman ding tinanggal. Mas lalo ata akong kakabahan kung titigan ko pa siya ng matagal.
Huminga ako ng malalim. Ay bahala na nga nandito lang siguro siya para makipagbalikan sa kin un lang dapat ang ispin ko. Habang nakangiti unti-unti akong lumakad papunta sa kanya.Nung nasa tapat na ko niya.Tiningnan ko lang ung bitbit niya na kahon. na nagpakunot ng noo ko.May regalo ba siya sakin?
"Ano to?"naguguluhang tanong ko.Inabot niya lang to sakin.
Di siya makatingin sakin ng diresto "ibabalik ko lang sayo ung mga binigay mo sa kin"mahina niyang sabi.
Gusto kong hulihin ang mga titig niya pero siya naman itong umiiwas. "pero bakit?" hindi ko alam kung saan ng galing ang tanong ko na un . Kasi alam ko naman sa una ko pa lang siya makita ngayon na wala ng kami at wala na ring dahilan para itabi ko pa ang mga ito.
Di na siya nagsalita at agad-agad na sanang maglalakad pero pinigilan ko siya. At halos putol putol kong tanong sa kanya. "Di na ba natin ma-aayos to?"
Ngayon na nakatitig siya sakin parang gusto ko ng bawiin na gusto kong makita ang mata niya kung makikita ko lang tong wala expression."Two years is enough para sabihin ko sa sarili ko na maayos pa to at lalong magpakatanga na maayos ko pa to "
Tinanggal niya na ang pagkakahawak ko sa kanya. At ito ko nakatitig lang sa likod niya habang unti-unti siyang lumiliit at nawala na ng tuluyan sa paningin ko.
Ganun ba ako ka insensitive at sa 2years sa pagsasama namin ang binalewala ko dahil a mga nangyaring mga bagay na ayoko ng maalala pero pilit ko naman idinidiin sa kanya.
It is really true, "Na nasa huli ang pagsisi"
At iyon ang nararamdaman ko ngayon na wala ka na sa tabi ko.