Maraming naniniwala sa Destiny ! Pero ako? sa simula hindi... Lumaki kasi ako na naniniwalang ang tao ang gumagawa ng destiny nya. Laki kasi ako sa hirap, pero nagsikap talaga ako para marating ang buhay na maginhawa. We are the one who will decide...
Ang buhay mapaglaro kapag hanap ka ng hanap wala kang makikita. Ayun, frustrated lang siguro ako na magka-boyfriend ! haha! May ganito rin palang feeling ang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ? Hanggang sa sumuko nalang ako sa paghahanap kay MR.RIGHT ! Busy rin kasi ako sa trabaho, mas priority ko ang kumita ng PERA ! Haha... Ayun, nag-eenjoy naman ako sa aking "Career" sleep + eat + work + facebook yun talaga ang life cycle! minsanan nalang kasi ako makapag-jogging or exercise minsanan nalang din kame makagala ng ate ko 😆 ...
10 pm na, Im still browsing my facebook ! Nakakalibang kasi dahil dito ko nalang nalalaman ang mga pagbabago sa mga kaibigan ko sa Pinas. By the way nandito pala ako sa Singapore ! Haha mag iisang taon palang ako dito, kasama ang ate ko na nagwowork din dito.
Biglang may nakita akong post ng isang kapatid na kasama ko sa lokal namin. Nag-share siya ng picture ng isang bagong kapilya sa South Korea - Locale of Ansan... Namangha ako sa structure ng kapilya Kakaiba siya at nakaka-proud dahil nagkaroon ng ganung kapilya sa South Korea. Lalo tuloy nangibabaw yung pagka-gusto kong pumunta sa South Korea para makapamasyal at gusto kong puntahan itong kapilya sa Ansan-si . Pero may isang umagaw pa ng pansin ko... Yung picture kasi ng lokal, may mga kapatid din na mga nakatayo at may mga hawak na flags. Isa lang sa kanila ang nakalingon pero hindi nakatingin sa camera.
Wala lang ! agaw pansin ee! Dahil natuwa ako, at balak kong makasamba dito in the future, nag-send ako ng friend request sa mga kapatid na taga-South Korea, para maging friends ko sila at makapag-tanong narin 😊
Kaso, hindi naman sila nag-coconfirm kaya naman natulog na ako !
Kinabukasan may nag-accept ng friend request ko! mga-tatlo sila... Nag-message ako ng "Thank you" ! Wala ding nag reply sa kanila...
Kinagabihan... May nag-accept pa na isa ! Nag-message din ako ng "Thanks po sa pag-accept kapatid" Kaso di rin siya nag-reply 😔 nakaka-sad ...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.