Chapter 8 :Protectors

32 5 1
                                    

Nagising ako muli sa kama ko at pag mulat ko nasa kama na ako ng kwarto ko. naguguluhan paren ako kagabi sa mga naka usap namin Si Darleen at si Ryan ang Sikat Couple ng klase ay mga werewolf.

Hindi ko parin alam kung maniniwala ako sa mga yun. dahil tingin ko nanaginip nanaman ako. binuksan kong agad ang Computer ko at agad kong tinawagan ang mga kasama ko upang tanungin sila king may alam sila sa nang yari kagabi.

"mga bro? may natatandaan ba kayo na kakaibiang nangyari sa inyu kagabi" agad kong tanong

"malilimutan mo ba yong astig na nangyari saten kagabi?!" sambit ni darren

sumang ayon naman sila celbin at alconrad

"means hindi yun panaginip" curious kong sabi

"tanga ka ba? kung panaginip yun mararamdaman ko ba yung sakit hangang ngayun sa pag suntok ng tagiliran ko ni ryan" sigaw ni alconrad

"ikaw kase eh akala mo ikaw laging malakas" pang aasar ni darren

"ako naman tlga ang pinaka malakas eh" pagmamayabang ni alconrad

"tyka bro wala pang nangyari sa siyensya na nagkaroon nang pareparehas na panaginip ang dalawang tao eh pano pa kaya tayung apat pa" dugtong ni celbin

"sa bagay may point ka dyan" pag sang ayon ko

"haha. cge mag aalmusal pa ako bye" sabi ni darren sabay out

sumunod naman si alconrad at si celbin at pinatay ko na ang group video call na ginawa ko

agad akong bumaba sa kwarto ko at hinanap ang mommy ko para tanungin

"mom.may kakaiba bang nang yari kagabi?" tanung ko

"hmm wala naman. nakita nalang kita na natutulog sa kwarto mo . aga mo ngang natulog eh. di na kita ginising para sa hapunan kasi sobrang himbing nang pag tulog mo" sagot nya

"sige po salamat" sabi ko sabay upo sa upuan ng mesa para mag breakfast na

sa pagkain ko napansin ng mama ko na ang hilig ko sa pag kain ng karne na kanyan pinrito. na dati ay di ko pinapansin kasi mahilig ako sa gulay

"nak. dahan dahan sa karne . di mo yta gusto ang gulay?" tanong nito

"hindi . ngayun ko lng po napansin na ang sarap ng karne" sagot ko

natawa na lamang ito at pinagpatuloy ang aming pagkain.

walang pasok ngayun kasi holiday

at pinagpatuloy ko lng ang normal kong araw pag walang pasok maghapon lng ako nag laro ng online games sa computer ko

kinabukasan pumasok na ako sa school. tulad ng dati kasabay kong pumapasok ang mga kasama ko

" guys alam nyu ba napansin ko nagbago ang katawan ko ngayun parang bumilis ako" agad na bati ni darren samin

" di ka nag iisa. pati ako " respond ni Alconrad

"binasa ko ang mga label ng mga medicines ko kanina at di ko parin ma explain kung bakit bigla nalang tumalas ang paningin ko at tulad nyu lumakas at bumilis ako "  nag tatakang sabi ni celbin

"oh. eh bat nakasalamin kapa?" matatawang tanung ni darren

"nasanay na kasi ako. wla naman diperensya eh " sagot nito

"kung anu man ang nangyayari satin si darleen lng ang makakapag explain nyan" seryoso kong sabi habang nag iisip

" hindi lng ako ang makakapag explain nyan" sabi ng isang pamilyar na boses

"DARLEEN!?" sabay sabay namin tanong habang natatakot

"Magpaliwanag ka!" galit na sabi ni alconrad habang papalapit na nang gigil kay darleen

biglang may lumitaw na dalawang babae sa likod nya at ni lock ang katawan ni alconrad

"Dahan-Dahan ka sa pananalita mo Guardian" sabi ng isang babae habang hawak ang nka lock na kamay ni alconrad

"umayus ka na para di ka masaktan"sabi naman nang isang babae na nakahawak lamang sa katawan ni alconrad tila inaawat nya lamang ito

"PAULA! ALLIAH! binatawan nyu sya"
Utos ni darleen

agad naman nalang binitawan si alconrad at bumalik sa tabi ni darleen

"pasensya na. ito sila paula at alliah sila ang mga kaibigan ko at kasama kong magiging protector nyung apat" mahinahon na pag papaliwanag nito

Si paula tulad ni darleen meron din syang malambing na muka . may medyo curly na buhok . may pagka SEXY at maganda . at may maputing kutis sya ang tila humahawak lng at nang aawat kay alconrad

Si alliah naman ay may morena ngunit magandang muka. lalung nag papaganda ang kanyang straight black hair sa kanyang kagandahan. sya ang nag lock sa mga kamay ni alconrad

Sila ang mga kaibigan ni darleen. dahil madalas namin silang nakikitang magkasama pag di kasama ni darleen si ryan sa school

"humihingi kami. ng tawad sa aming nagawa dahil gusto lng namin protektahan ang Teen Alpha ng ating den" maamong sabi ni paula

"tss. tulad nang nasabi nya ganun din ako" strict na sabi ni alliah

"anong den?" pag tatanong ni darren

"Den ang tawag natin kung saan ang base natin" pag papaliwanag ni darleen

"sige kung wala na kayong katanungan aalis na kame see you sa room" nakangiting sabi ni darleen bago sila tiluyang umalis papasok sa school

"teka.may tanong pa kame" agad kong sabi bago sila tuluyang maka alis

"tyka na ang iyong mga katanungan . malalaman nyu rin ang lahat sa tamang oras basta tandaan nyu lng ang mga sinabi ni ryan at ako sa den nung isang gabi" sabi ni darleen

wala nalang kaming nasabi sa kanyang mga sinabi. dahil sa bilis nilang pagkawala

"bro ? anong nang yari sayo? nilampaso ka ng mga chicks akala ko ba malakas ka?"natatawang pang aasar  ni darren kay alconrad

"manahimik ka" tila sabi alconrad na nahihiya sa kanyang sarili

"tumigil na kaya tara na pumasok na tayu" sabi ko at pumasok na nga kami sa school

Sa mga oras na iyon tila naliwanagan na kami sa nang yari. at isang bagay ang nasa isip naming apat
HINDI IYON PANAGINIP TOTOO ANG LAHAT NG NANYARI

Rise of the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon