He's Mine

83 2 1
                                    

 PROLOGUE:

“Some people come into our lives and quickly go. Some stay for a while, leave footprints on our hearts, and we are never, ever the same.” -Tumblr

Madaming tanong na di lahat ng tao, kayang sagutin.

Bakit may mga taong pumapasok sa buhay mo, minamahal mo ng sobra sobra, pero aalis rin naman?

Bakit ang pag-ibig hindi laging masaya?

Bakit di lahat ng istorya, nagtatapos sa happy ending?

Bakit kailangang laging may nasasaktan?

Bakit masakit sa dibdib at parang hindi ka makahinga na parang pinipiga yung puso mo kapag sobrang nasasaktan ka na?

May mga bagay sa buhay natin na di natin kontrolado.

May mga pangyayaring kahit ayaw nating mangyari, nangyayari.

May mga pagkakamaling di na natin maitatama pa kahit gaano natin gustuhin.

May mga bagay na pag binitawan natin, di na natin pwedeng bawiin, kahit anong gawin natin.

May mga bagay na kahit anong pilit natin, kung di talaga para sa atin, never na magiging atin.

Minsan, kailangan nating sundin ang sinasabi ng utak natin kesa pakinggan ang puso.

Dahil di sa lahat ng oras, yung puso natin ang tama.

Sabi nila, “follow your heart”.

Eh paano kung ang sinasabi ng isip mo, maling direksyon ang pupuntahan mo kung susundin mo yung sinasabi ng puso mo?

Kahit na masakit, minsan kailangan nating magtiis.

Paano kung, ang akala mo, sayo na siya. Na siya na talaga.

Buong buhay mo, nakaplano na. At kasama siya sa planong yun.

Paano kung isang araw, may bigla na lang dumating at agawin ang mahalagang parte na yun ng plano mo?

At wala ka nang magawa kundi ang bumitaw.

Dahil iyon ang alam mong tama.

Paano pag narealize mong nagkamali ka sa desisyon mo?

Handa ka bang gawin ang lahat, makuha lang siya uli?

 My name is Ann Drew, and this is my story :)

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon